💟CHAPTER 41💟

723 20 0
                                    

"Kuya!" sigaw ni Akiesha at agad na lumapit ito sa kanya pagkatapos ay niyakap siya nito. Takot na takot ito at ayaw sumama sa kanilang ina.

"Ma, anong ginagawa mo dito?! Pwede bang sumuko ka na lang. Hindi mo ba alam na may mga taong muntik ng mamatay dahil sa ginawa mo!"

Kapagkuwan ay ngumisi lamang ito at mukhang walang pakialam sa kanyang mga sinasabi.

"Bakit natakot ka na baka mawala sayo ang kapatid at girlfriend mo?! Talagang sila pa ang kinampihan mo noh?" may halong hinanakit na sabi ng babae.

"Pwede ba Annie umalis ka na lang! Madadamay pa ang mga anak mo sa kalokohan mo!" sigaw ng nakakatandang kapatid nito.

"Tumahimik ka ate! Wala kang alam! Dahil Hindi naman ikaw ang nawalan! Ate nawala na sa akin ang lahat." may halong pait na sabi nito.

Hindi alam ni Brix kung magagalit ba o maawa ba siya sa kanyang ina. Buong buhay niya ipinaramdam nito sa kanya ang walang sawa nitong pagmamahal.

"Kung maaga mo lang sana na tinanggap ang lahat lahat ay hindi mangyayari ang lahat ng ito, Ma. Mahal ka naman namin eh. Hindi pa ba sapat iyon?" pero agad na umiling ang babae.

"Hindi! Ang gusto ko lang naman ay mahalin din ako ng ama mo katulad ng pagmamahal ko sa kanya pero ni kailanman ay hindi nangyari iyon! Ibinigay ko ang lahat ng pagmamahal ko sa inyo pero ako? May nagmamahal ba sakin?! Wala! Walang may nagmamahal sa akin!"

"Mommy mahal ka po namin Sobra, mahal na mahal ka namin ni Kuya. Kaya hindi niyo na po kailangan gawin ng lahat ng ito mommy. Sumuko na po kayo sa mga police, mommy please." umiiyak ang kapatid niya habang sinasabi iyon sa kanilang ina.

"Akiesha lumabas ka na. Nandun si dad. Hintayin mo na lang ako sa labas." sabi ni Brix sa kapatid na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Tumango lamang ito pagkatapos ay agad na lumabas ng bahay.

"At Nagsama ka pa talaga huh? Ano ipapahuli niyo na ako? Hahayaan mong mangyari ito sa sarili mong ina? Gusto mo ba akong makulong?!"

"Ginusto mo ito Mama!" may tigas at halong pagsigaw niyang sabi sa ina. May mga tumutulo na ring mga luha mula sa kanyang mata.

Pero hindi na nito pinansin ang kanyang sinabi. Agad itong lumabas ng bahay at sinundan ang kanyang kapatid.

"Akiesha anak! Sumama ka sa akin. Ako ang mommy mo! Sumama ka na lang kay mommy! Hindi ba love mo si Mommy. Halika na anak! Sumama ka na kay Mommy!" sigaw nito sa kanyang kapatid. Pero nakalapit na ito sa kanilang ama.

Maraming mga police ang nasa labas ng bahay at handa ng hulihin ng mga ito ang kanyang ina.

"Annie tigilan mo na lahat ng kalokohan mo at huwag mo ng idamay pa ang mga anak ko! Sumuko ka na lang." sigaw nito sa asawa.

"Anong tingin mo sa akin Richard t*nga? Isang katangahan lang ang nagawa ko sa buong buhay ko at yun ay ang mahalin ka! Mahalin ang isang katulad mo na hindi ako kayang mahalin!" balik na sigaw ng babae sa lalaki.

Masakit para kay Brix ang nakikitang nag-aaway ang mga magulang niya. Ngunit matagal na naman nila itong ginagawa simula nung bata pa lang siya.

"Sumuko ka na lang para hindi ka na masaktan pa!You deserve to be in jail! Your a witch!" sigaw ni Scarlett na nasa tabi ng daddy niya. Katabi na rin ng mga ito si Akiesha.

"Manahimik kang babae ka! Siguro ay masaya ka na ngayon dahil mabubuo na ang pamilya mo! Nasa iyo na ulit siya, kasama mo na siya. Ang Swerte mo at nabuhay pa ang anak mo!"

"Hulihin niyo na ang babaeng yan! Baka hindi ako makapagpigil ay ako mismo ang pumatay sa kanya." sigaw ng Tito Zeddrick niya sa mga pulis. Hindi niya naman ito masisisi pagkatapos ng nangyari kila Khaix at Zyrelle.

"Sige subukan niyo lang lumapit ipuputok ko ito! Ipuputok ko talaga ito." hindi niya alam na may hawak pa lang baril ang kanyang ina at nakatutok na ito sa mismong ulo nito.

"Mommy! Don't do that! Sasama na lang po ako sa inyo. Huwag niyo lang pong gagawin yan." sigaw ni Akiesha.

"Ma, ibaba mo yan! Sumuko ka na lang ng matiwasay. Pakiusap Ma. Huwag mong gawin yan." sigaw niya pa.

Naglakad siya ng unti unti palapit rito, gusto niyang kuhanin dito ang baril. Pero napapatigil rin siya dahil sa takot na barilin nito ang sarili.

"Sumuko ka na lang wala ka ng kakampi! Dahil nahuli na rin nila ang lalaki mo!" nahuli na rin kasi ng mga pulis si Allen Montero.

"Huwag mo ng palalain pa ang lahat. Gawin mo ito para sa mga anak mo sumuko ka na lang. You should pay for what you have done!"

"Mas gugustuhin ko pang mamamatay kaysa gawin ang sinasabi niyo. Tutal wala na rin namang saysay ang buhay ko! Maging masaya na sana kayong lahat." tila wala na ito sa sarili.

"Ma, huwag!!!"

*BANG*

Binaril nito ang sarili niya.

I love you and I hate thatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon