*Few Months Later*
💟Zyrelle's POV💟
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng iyon. Nagmahal lang naman ako pero ang dami ng naidulot nito sa buhay ko. Marami akong natutunan at nalaman and I've change a lot. Hindi na ako yung dating brat at maarteng Zyrelle na nakilala nila noon.
I never regret na minahal ko ang isang Brix Miller, at first he was the man that I hated the most.
Unang pagkakita ko palang sa kanya ay hindi ko na siya gusto. Pero dumating yung araw na nagbago ang lahat ng yon oo mahirap man paniwalaan pero yeah i fall in love with him. The hate turns to love.
Ang mahalin siya ang pinakamagandang at pinakatamang nangyari sa buhay ko.
Kahit na may nga ilang problema kaming kinaharap kahit na may mga humadlang at kahit na may mga nasaktan.
Lumaban kami para sa isat isa. Now I know na hangga't magkasama kami ay makakaya namin ang lahat, lahat ng pagsubok na darating sa amin.
He makes me happy and I make him happy too. Pinapasaya namin ang isa't isa. For me he's my happy pill. Sa bawat araw na magkasama kami sobra niya akong napapasaya. That was the best feeling ever.
Isa lang ang paborito kong lugar yun ay sa tabi niya. Hindi ko kayang malayo siya sa akin. Musika sa pandinig ko ang kanyang mga tawa niya at kaysarap pagmasdan ang kanyang mga ngiti. For me he's so perfect.
I could say to him that i love you and i hate that but now the feeling changed. I love him so much at hindi ko kayang mawala siya sa akin.
Napaisip tuloy ako paano kung hindi ko sinubukan magmahal? Magiging ganito kaya ako kasaya ngayon?
"Zyrelle. Zyrelle. Zyrelle!" napatigil ako sa pagmumuni muni dahil sa boses niya. Epal talaga! Kung hindi ko lang talaga siya mahal eh baka pinatay ko na siya. De joke lang. Masyado kong Mahal ko yun noh hindi ko kayang gawin yun sa kanya.
"What?" iritado kong sabi. Tumawa lamang siya dahil sa reaksyon ko.
"Alam mo nagdadalawang isip na ako kung pakakasalan pa ba kita o hindi na." nang-aasar niyang sabi sakin.
"Edi huwag kung ayaw mo ang pakasalan. It's your choice not mine. Hindi ka naman kawalan eh." sabi ko at tinalikuran siya.
Naramdaman kung Sumunod siya sa akin at niyakap ako ng patalikod. Anong akala niya mananalo siya sa akin? Agad din akong humarap sa kanya.
"Nakakatakot ka palang maging asawa noh. Baka araw araw mo akong tarayan niyan. Lagi na lang akong talo sa tuwing nag-aaway tayo." sabi niya pa saka tumawa.
"Then tell to our parents na hindi na tayo magpapakasal. As simple as that."
Gusto ko lang malaman ang reaksyon niya.
"Gusto mo bang patayin ako ng daddy at kuya mo? Nung natulog nga lang ako sa kwarto mo galit na galit na sila eh wala namang nangyari sa atin non eh."
Natawa na lamang ako sa reaksyon niya. I remember that, pumunta siya sa mansion noon dahil gabi na yun kaya dun ko na lang siya pinatulog sa kwarto ko pero hindi alam nila dad.
"Masaya ka ba na mommy niyo na rin ni Akiesha si Tita Scarlett ngayon?" I ask him calmly.
"Oo naman Ano bang klaseng tanong yan. Ang bait kaya ng Tita mo." Alam kong totoo siya sa sinasabi niya. I can see the happiness in his eyes.
"Of course duh sa kanya kaya ako nagmana."
"Luh parang hindi naman." pang-aasar niya pa. Pagdating talaga sa akin ay nag-iiba siya.
Niyakap ko siya .Then I make him tickles. Ang lakas ng kiliti ni Brix. Sayang saya ako habang ginagawa yon. Noong sa akin niya naman gagawin yon ay biglang lumitaw si Akiesha at tinawag kami.
"Kuya Brix, ate Zyrelle kakain na daw sabi ni mommy." si Tita Scarlett ang tinutukoy niyang mommy.
Sa bahay na ni Tita Scarlett sila nakatira ngayon. So tatlo na ang anak ni Tita si Khaix, si Brix at si Akiesha at ang asawa niyang si Tito Richard, yeah kasal na sila and I was so happy for them.
"Hoy anong ginawa niyo doon sa garden?" tanong ni Khaix na may nakakalokong ngiti sa labi.
"What the heck are you thinking?" sabi ko sa kanya. Kaya humagalpak ng tawa ang pinsan ko.
"Kapatid huwag mong inisin, bubuga na yan ng apoy mamaya. Sige ka." sabi naman ni Brix kaya lalong natawa si Khaix. Magkapatid nga silang dalawa!
"Mga kuya huwag niyo ngang asarin ang ate Zyrelle ko." buti pa si Akiesha kakampi ko.
"Kakain na tayo." rinig kong sigaw ni Tita Scarlett mula sa kusina. Kaya agad kaming nagpunta doon para kumain syempre ano pa nga bang gagawin doon alangan namang maligo. Psh.
Sina Tita Scarlett and Tito Richard. They look so sweet together. Siguro ganyan din kami ni Brix kapag nagpakasal na kami.
Hindi na ako makapaghintay na mangyari iyon. Malapit na din kasing matapos ang mga preparation. Mas nauna kasing ikasal sila Tita. Siyempre sila muna ang dapat magkaroon ng happy ending bago kami.
"So Zyrelle sigurado ka na bang magpapakasal ka sa anak kong ito?" tanong ni Tito Richard habang kumakain kami.
"Dad, huwag ka ngang ganyan baka matauhan yan at hindi ako pakasalan." sabi naman ni Brix kaya natawa kami. May muntik na ngang masamid.
Pagkatapos naming kumain kami nalang ni Tita Scarlett ang naiwan sa kusina.
"I'm so happy for you, Tita. You already get what your deserve. A happy family with the man you love."
Ngumiti lamang sa akin si Tita Scarlett. Then she hugged me. Masayang masaya talaga ako para sa kanya. She deserve to be happy.

BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romance(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.