Idinial ni Brix ang numero ng kanyang ina. Hindi niya inaasahan na sasagutin nito ang tawag gayong masama ang loob nila sa isat isa dahil sa panloloko nito. Gusto niyang sa bibig mismo nito manggagaling ang lahat lahat.
Gusto niyang malaman kung may kinalaman ba ito sa nangyari kina Zyrelle at Khaix. Ang kapatid niya ang labis na naapektuhan sa nangyari pero kay Zyrelle na girlfriend niya ay hindi naman ganon kalala ang nangyari sa kanya.
"Hello Brix? Bakit napatawag ka? May nangyari ba? May gusto ka bang malaman?" Sa boses palang ng kanyang ina ay halata ng may alam ito sa nangyari.
"Ikaw ba may gawa nito?! Ma! Hindi pa nagigising yung kapatid ko ang lala nung tama sa kanya tapos si Zyrelle wala pa ring malay! Sinong inutusan mo? Sigurado akong may kinalaman ka dito! Umamin ka na lang." ayaw niya itong akusahan dahil ito ang ina niya pero ito lang naman ang galit sa kanilang lahat.
"Bakit hindi mo matanggap na ang ina mo ang may kagagawan ng nangyari sa kapatid at girlfriend mo? Hindi pa nga yan yung plano dapat patay na silang dalawa kaso ang b*bo ng nautusan ko pumalya at hindi sinigurado na patay sila." hindi niya lubos maisip na aaminin nito ang nagawang kasalanan. Gusto niyang sumabog sa galit.
"Ma?! Ma!" pero namatay na ang tawag. Nasuntok na lamang niya ang katabing pader. Napahilamos ang mga kamay niya sa kanyang mukha.
Bakit sa lahat lahat? Bakit ang ina niya pa? Hindi niya na napigilan ang pagtulo ng mga luhang nanggagaling sa kanyang mga mata.
"You, this is your fault! Because of your crazy wife! My son! My son's life is in danger! Si Khaix! Yung anak natin! God! He's the only one that I have. Noong mga panahon wala kayo siya lang ang kasama ko. Hindi ko siya kayang mawala sa akin." umiiyak na ani ni Scarlett habang sinisigawan si Richard.
Lumapit na lamang ang lalaki sa kanya at niyakap. Sa mga bisig siya nito umiiyak. She can't handle the pain because it's too much. Kaya niyang mawala ang lahat sa kanya pero huwag lang ang anak niya, siya ang buhay nito at hindi niya kakayanin pag nawala ito sa kanya.
"I'm sorry. I'm so sorry. Kung hindi na lang sana ako pumasok pa sa buhay niyo this things wouldn't happend. Im really sorry." saad nito habang yakap siya. Hinahampas hampas niya ang dibdib nito.
"I want that woman to be in jail! Para wala na siyang masaktan. And the man he's with gusto kong mawala sa kanya ang lahat! They must pay for what they have done! They have to know that they mess with the wrong family!" madiin nitong sabi.
Dapat pagbayaran ng mga ito ang nangyari sa pamangkin at anak niya. She's not seeking for revenge but for justice. Alam na nila kung sino ang may pakana ng lahat walang iba kundi ang babaeng yon, si Annie at ang kasama nitong lalaki.
"Tita Scarlett! Gising na po si ate Zyrelle! Gusto niya daw po kayong makausap." sigaw ni Zaiji kaya agad silang sumunod dito. Ilang araw din kasi itong walang malay buti't nga nagising na ito ngayon.
Mabuti pa ang pamangkin niya medyo maayos ayos na ang kalagayan nito pero ang anak niya nasa isang silid at sinusuri ng mga doktor dahil sa kritikal na kalagayan.
"Tita..." mahinang sambit nito. Nasa loob ng silid niya ang pinsan niyang si Zeddrick habang yakap nito ang asawa na umiiyak din.
"What is it Zyrelle?" tanong niya. Kita niya ang pagtulo ng mga luha nito mula sa mata niya.
"Si Khaix po? Kamusta po siya?" agad nitong tanong. Kaya ang mga luha niya ay muli na namang tumulo.
Labis na malapit ang dalawa sa isat isa. Best cousins kumbaga. Gusto niyang sabihin dito ang kalagayan ng anak pero hindi pa rin naman ito lubos na maayos at baka makasama pa sa kanya.
"He's okay don't worry maayos lang ang pinsan mo." pagsisinungaling niya. Para mapanatag na ang loob nito.
"Zyrelle do you want anything? What do you want to eat? Your dad and I can buy it for you. Just tell us sweety." sabi naman ni Krizzane sa anak.
"Nothing mom. Asan po si Brix? I want to see him. Nandito po ba siya? Gusto ko lang malaman niya na okay na ako."
"Ahh Ate Zyrelle umuwi lang saglit babalik din yon. Miss mo na agad eh." sabi na lamang ni Zaiji. Hindi pa rin kasi ito bumabalik sa ospital. Dahil Hindi niya kayang makita ang kapatid at girlfriend niya na nasa ganoong kalagayan.
"Can you call him. Tell him to come here. Gusto ko siyang makausap. Please call him. I want to talk to him." nakikisuyong boses nito.
Alam nila kung gaano kamahal ng dalawa ang isat isa at hindi naman makakahadlang doon ang gulong nangyayari sa kanilang mga pamilya.
"You want to rest? Lalabas muna kaming lahat. Magpahinga ka muna para lumakas ka, anak. Para makalabas ka na din agad dito." sabi Krizzane kay Zyrelle. Tumango na lamang ito.
"Let's talk outside." sabi ni Zeddrick sa kanilang dalawa ni Richard. Kakaiba ang boses nito ngayon.
Kapag ganun ang boses ng pinsan niya dapat ka nang kabahan. Sigurado siyang hindi nito palalagpasin ang nangyari sa anak niya. Inaalagaan nila nito at pinoprotektahan tapos maaaksidente lang ito dahil sa baliw na asawa ni Richard.
"Ate Zyrelle palakas ka ha! Wala akong maaasaran eh!" panloloko pa ni Zaiji. Kaya pinilit na lang nilang matawa sa sinabi ni Zaiji dahil kahit anong pilit nila ay hindi nila maramdaman ang saya. Dahil sa nangyari sa dalawang magpinsan.
"Dad pupuntahan ko si Brix sa kanila sasabihin ko na okay na si ate Zyrelle." wika ni Zaiji at Agad din itong umalis.
"They mess with the wrong family and with the wrong person! Just what have they thinking to do that my to niece and to my daughter. I can even use my hands to kill them. They don't deserve to live, they deserve to die." sigaw ni Zeddrick. Agad nitong kinuha ang cellphone at may tinawagan.
Nagtatago kasi si Annie at ang kasama nito kaya hindi mahuli ng mga pulis kaya alam niyang gagawin ng pinsan ang lahat lahat mapalabas lamang ang mga ito sa lungga at pagbabayarin ang lahat ng ginawa ng mga ito sa kanila, sa pamilya niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/280111321-288-k349966.jpg)
BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romance(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.