💟Brix POV💟
"Totoo ba ang sinasabi ni mom?! Ang Tita ba ni Zyrelle ay ang babaeng sinaktan mo noon para kami ang piliin mo?! Si Tito Zeddrick ba ang dati mong kaibigan? Kapatid ko ba si Khaix? Kaya ba ayaw niyo na ang relasyon namin ni Zyrelle?! Please dad sumagot ka!" nasa garahe kami. Hindi man kami gaanong magkasundo pero alam kong hindi siya magsisinungaling sa akin.
"Katulad nga ng akala ko. Sinabi niya na sayo lahat? Siyempre ang mommy mo ang nagsabi kaya totoo man o hindi maniniwala ka. Pero lahat ng itinanong mo oo ang sagot ko." sabi niya at uminom beer sa bote. Ngayon lang kami nakapag-usap ng matino at mukhang lasing pa siya.
"Kaya ba ganoon mo tignan si Zyrelle dahil kamukha siya ng Tita niya?" bahagya lamang siyang tumango.
Hindi na ako magtataka kung bakit ganon niya kamahal si Ma'am Scarlett at kahit sabihin man natin na si mom ang pinakasalan pero hindi pa rin siya ang nasa puso at isip niya kundi si Ma'am Scarlett.
"The first time na nakita ko ang girlfriend mo, ang Tita niya na agad ang naalala ko. Magkaparehong magkapareho sila. Pati sa ugali. Hindi ko akalaing magkatulad pala ang tipo natin sa babae." nakikinig lang ako sa mga sasabihin ni dad. Sa pagkakataon na ito tila nawala ang lahat ng galit na nararamdaman ko sa kanya.
"Pero hindi ako nanakit ng babae katulad mo. Kailanman hindi ako tutulad sayo. Dahil hindi lang isa kundi dalawang babae ang sinaktan mo." gusto kong sabihin at isumbat sa kanya ang lahat.
Lahat ng hinanakit ko. Ilang taon ko din itong kinikimkim sa loob loob ko. Pagod na pagod na akong magtanim ng galit sa kanya. Kahit pag Bali baliktarin man ang mundo siya pa rin ang ama ko.
"Buong buhay mo, ang palagi mong nakikita ay ako lagi ang nakakasakit sa mama mo. Ako yung mali. Siya yung laging umiiyak at nasasaktan dahil sa akin. Siguro nasa isip mo hindi ko siya magawang mahalin. Hindi ko magawang sabihin sayo yung totoo dahil alam kong hindi mo ko paniniwalaan. Mahal na mahal mo ang mama mo samantalang ako sobra mong kinasusuklaman."
Ngayon lamang kami nakapag-usap ng ganito katagal. Hindi ko akalaing Ganito pala kasarap sa pakiramdam makipagkwentuhan sa kanya.
Ang swerte ko dahil buong buhay ko gusto niyang iparamdam ang pagmamahal niya sa akin pero hindi ko siya hinayaan samantalang si Khaix hindi niya man lang nakasama si dad at hindi niya man lang naramdaman ang pag aaruga ng isang ama.
"Minahal ko ang mama mo. Minahal ko kayo. Minahal ko kayo ng kapatid mo. Ibinigay ko lahat ng pagmamahal ko sa inyo. Pero alam kong sadyang kulang pa rin. Dahil kahit anong gawin ko hindi ko kayang burahin si Scarlett sa isip ko. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Inaamin kong mahal ko pa rin siya. Pero hindi na pwede. Hindi na talaga pwede at ayoko ko kayong masaktan. May pamilya na ako at kayo yon."
May bahid ng lungkot ang boses niya. Siguro nga tuwing lasing ka lang nagkakaroon ng lakas ng loob para sabihin ang lahat ng hindi mo masabi sa isang tao.
"Kung mahal mo pa pala si Ma'am Scarlett bakit hindi mo nalang hiwalayan si mama. Kaysa naman pahirapan niyo pa ang isa't isa. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan dahil sayo." tumingin siya sa akin at ahagyang ngumiti at tsaka tumawa ng mapakla.
"Edi lalong lumaki ang galit mo sa akin. Maniwala ka man o sa hindi, hindi ko ginustong saktan ang mama mo. Siguro nga siya yung nakikita mong nasasaktan sa aming dalawa pero pareho lang kami. At mas malala pa sa akin. Dahil ang anak ko ay napakalayo ng loob sa akin. Gusto kong iparamdam yung pagmamahal ko sayo pero hindi ko magawa dahil alam kong ayaw mo sa akin. Gusto kong ibigay sayo ang lahat pero hindi mo naman tinatanggap. Gusto kong maging mabuting padre de pamilya pero hindi niyo naman nakikita."
"Paano na ngayon iiwan mo na siguro kami nila mama? May anak ka rin pala sa kanya. May kapatid pa pala ako at kaedad ko lang siya tapos Kaibigan ko pa siya. Hindi ko lubos akalain na ang pinagseselosan ko dati ay ang kapatid ko pala. Si Khaix ayos siya, mabuti siyang pinsan kay Zyrelle. At alam kong mas magiging mabuti siyang anak sayo." huli kong sinabi sa kanya bago ako naglakad papalayo ngunit bigla niya akong tinawag muli.
BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romantik(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.