💟CHAPTER 26💟

595 17 1
                                    

💟Annie's POV💟

"Saan ka nanggaling?" nilagpasan niya lang ako. Ganito niya ba tratuhin ang asawa niya? Ano babalik na siya Scarlett? Ano bang meron ang babaeng yon at hindi niya magawang kalimutan at mahal na mahal niya pa rin ito hanggang ngayon.

"Richard, tinatanong kita! Asawa mo ako kaya karapatan kong malaman! Ano pinuntahan mo ba siya ha?!" matapang niya akong hinarap pero walang emosyon ang mukha niya.

Lalo na ang mga mata niya. Nakakatakot ang kanyang mga titig ngunit hindi yan uubra sakin! Kahit ano pang mangyari asawa niya na ako!

"Gusto mo ba talagang malaman? Oo! Pinuntahan ko si Scarlett! Ano masaya ka na ba?! Nasagot ko na yung tanong mo. Ano may itatanong ka pa ba?!" sigaw niya sa akin.

"Napatawad ka ba? Sinabi niya bang mahal ka pa ba rin niya?! Gusto mong magkabalikan kayo diba?! Pwes para sabihin ko sayo hindi ko hahayaang mangyari yon hangga't nandito ako at kasal ka sa akin!" akala ko wala siyang pakialam sa mga sinasabi ko, pero hindi ko inaasahan ang lumabas sa bibig niya.

"Anong panakot mo sa akin na kasal tayo ha?! Kaya kong gawin ang lahat basta maannul lang ang kasal ko sayo. Matagal ko ng gustong makipaghiwalay sa isang babaeng katulad mo! Ni hindi nga kita mahal eh! Kaya walang saysay rin lang ang kasal natin! Si Scarlett, siya lang ang papakasalan ko! Dahik siya ang mahal ko at hindi ikaw!"

Hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Pwes kung hindi niya ako kayang mahalin, Sisiguraduhin kong sa aming lahat sila ang masasaktan at hindi ako.

"Edi ngayon inamin mo na din! Hihiwalayan mo ko para balikan siya! Para sa Scarlett na yon! Ang walang kwentang babaeng yon. Bakit ha? Dahil nga nalaman mong may anak rin kayo?! Sige gawin mo ang gusto mo! Pero ni kahit kailan hindi ko pipirmahan yong annulment na yan. Dahil hindi ko kayo hahayaang maging masaya kayo. Tandaan mo yan!"

"Kung merong walang kwenta dito ikaw yon. Gusto kong malaman mo na isasama ko ang mga anak ko! At sisiguraduhin kong walang matitira sayo. Nasira ang buhay ko ng piliin kitang makasama! Sa pakikipaghiwalay sayo doon lang ako magiging masaya. Kahit sa ayaw at sa gusto mo mag-aannulment tayo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran niya na ako. Alam kong didiretso siya sa kwarto ng anak namin. Kakausapin niya si Akiesha.

Mukhang desidido talaga siyang makipaghiwalay sa akin. Ngayon alam ko na na hindi niya naman talaga ako minahal! Kaya dapat hindi rin siya mahalin ng taong mahal niya. Gagawin ko ang lahat para lang hindi sila magkabalikan. Gusto kong makita at makausap si Scarlett!

💟Khaix POV💟

"What's up Zach? Bakit ang sama ng mukha mo. Nag-away ba kayo ng wifey mo?" bati ko sa pinsan ko nang makapasok ako sa opisina niya.

"Why you seems so happy? Parang noong mga nakaraang araw lang ay gusto mo ng magluksa. Hindi na ba umiiyak si Tita Scarlett katulad ng lagi mong sinasabi sa akin." umupo na lang ako sa sofa niya.

Saw awesome awesome awesome saw

"What?! Bakit mo sila iniwan doon sa bahay niyo? Dad have to know this. Baka kung anong gawin niya kay Tita Scarlett dahil sila lang ang nandun."

"Manang mana ka talaga Zach kay Tito Zeddrick. Mas matatanda sila sa atin. Alam na nila kung ano ang ginagawa nila." sabi ko at sumandal sa sofa.

"Let's just change the topic. Alam mo ba kung nasaan si Zyrelle? Hindi pa siya umuuwi sa mansion. We're worried. Maybe it's about the issuekaya umalis siya. Pero saan naman siya pupunta."

"Sa talino mong yan obvious na ang sagot. Edi kasama niya ang boyfriend niya. Ikaw ba namang ilang araw hindi palabasin ng mansion talagang mabuburyo ka. And besides there's nothing wrong with that. Walang gagawing masama ang kapatid ko sa kapatid mo." ngisi kong sabi.

"That's not what I meant!" napatawa na lang ako.

"Ayaw mo non kapag nagkataon magkakaroon ka na ng pamangkin at madadagdagan ang apo ni Tita Krizzane at Tito Zeddrick, lalong lalaki ang pamilya." pagkatapos kung sabihin iyon ay agad niya akong binato ng folder. Pikon talaga.

"Buti hindi ka hinihiwalayan ng asawa mo sa ugali mong yan." pagbibiro ko sa kanya.

"That's not funny. Maghanap ka na lang girlfriend mo! Para may pagkaabalahan ka sa buhay and you have a work in my company!" tinawanan ko lang siya.

Hindi ko alam pero sobrang saya ko ngayon. Siguro dahil pinuntahan kami ni mom ng ama ko. Unti unti na ring nawawala ang galit sa puso ko.

Kung hindi ako nagkakamali may isa pa akong kapatid sa kanya. Gusto ko itong makilala. Hindi ko pa kasi nararanasang magkaroon ng nakababatang kapatid lalo na at babae pa.

💟Brix POV💟

"Zyrelle." tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. Inasar ko lang naman siya eh. Lalo kasi siyang gumaganda kapag naaasar. Sinabi ko lang yung first impression ko sa kanya. Na maldita at suplada siya. Medyo totoo naman.

"I don't want to talk to you. Hindi kaya ako maldita! At suplada. I'm so nice kaya. Kung meron ditong may masamang ugali ikaw yon! Noong hinalikan mo ako noon you don't have any permission. And you always making me pissed off." sabi niya at muli akong tinalikuran.

Nagdiresto siya sa kwarto. At pagdating doon nagtalukbong ng kumot. Imposible namang matutulog siya.

"Tara pasyal tayo. Hindi naman pwedeng dito lang tayo buong araw. Nakakabagot kaya, kaya Dali na. Miss na kitang kasama. Ayaw mo? Sige Ako nalang gagala mag-isa." pananakot ko.

Agad naman niya Tinanggal ang kumot. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang cute talaga ng girlfriend ko.

"Where? Libre mo ha. Wala akong dalang pera. Pati mga credit cards ko naiwan sa mansion. Ayoko pang bumalik don."

"Siyempre ako ang boyfriend mo hindi ba? Kahit saan, diyan sa tabi tabi. Hindi naman mahalaga yon basta kasama mo yung taong mahal mo. At oo na hindi ka suplada at maldita. Slight lang."

"I hate you!" sabi niya sakin.

"I love you." balik ko naman sa kanya.

"Oyy nagbablush siya."

"Hindi kaya!"

"Ang Ganda mo!"

"Ang Panget mo!" para kaming magkalayo na nagsisigawan.

"Eh bakit ka tumakas sa inyo para lang makasama ako? Sumasama ka sa panget?" pang-aasar ko sa kanya.

"Fine gwapo ka na! Pero mas gwapo si Khaix kesa sayo!" sabi niya sa akin.

"Parehas lang naman kaming gwapo ah, dahil pareho lang naman kami ng tatay. At alam mo ba ang isa sa mga ayaw ko?" kinabig ko ang bewang niya saka bumulong sa tenga niya. Nakaupo kami sa kama parehas.

"I don't want to be compare with others. At gusto ko ako lang ang gwapo sa paningin mo." parang naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa sobrang lapit namin sa isat isa.

"Brix, sobrang lapit mo, l-lumayo ka nga ng kunti." sabi niya sa akin. Hinalikan ko ang gilid ng tenga niya. "B-brix ano bang ginagawa mo? I promise na hindi na kita aasarin but you will do the same huwag mo na rin akong aasarin ha." iniharap ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Will you let me to kiss you? Baka mamaya kasuhan mo ako dahil lang sa pagnanakaw ng halik." mahina siyang tumawa.

"I'll sue talaga and that's for stealing my heart." sabi niy at siya na mismo ang humalik sa akin.

Ikinawit niya ang kanyang mga braso sa leeg ko. Napakasarap halikan ng mga labi niya. But I have to stop myself baka kung ano ang magawa ko. At baka hindi pa siya handa sa bagay na iyon.

"I love you." sabi niya pagkatapos ng halikan namin.

"I love you more than you love me." Pagkatapos ay hinalikan ko ang noo niya.

Sana ay hindi na matapos pa ang mga araw na ito. Dahil ito ang mga maliligayang araw ng buhay ko. She's the one who completes me. Parang hindi ko na kayang mabuhay ng wala siya.

I love you and I hate thatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon