"Kuya Brix! Na miss kita. Waaah magkakasama na tayo nila dad." mabilis na tumakbo ang bunso niyang kapatid na si Akiesha palapit kay brix. Si Zyrelle naman ay nakatingin lamang sa kanila. Ipapakilala niya ito sa pamilya niya. Mahirap na baka magbago pa ang isip.
"Kuya siya po ba? Siya po ba yung ipapakilala mo sa akin? Siya na ba ate ko? Yieee may girlfriend ka na pala ihh. Mommy may special someone na si kuya." nakalapit na rin sa kanila ang mga magulang niya. Alam niyang hindi alam ni Zyrelle kung paano makikitungo sa mga ito. Mukhang kinakabahan.
"Anak mukhang may kasama ka ah. May dapat na ba kaming malaman. Hello Hija my name is Annie Brix mother. Ang ganda mo. Bagay talaga kayo ng anak ko." kahit kailan ang mommy niya talaga. Napangiti siya ng makita niya ang pamumula ng pisngi ni Zyrelle. Ngunit biglang napawi iyon ng magsalita ang kanyang ama.
"It's been a year simula ng huli tayong magkita. Are you fine? Nakapag-usap na tayo.You'll leave with us sa mansion." and what made his father think na papayag siya sa kagustuhan nito.
"Hindi ako pumayag sa gusto mo. Hindi ko kayang tumira sa iisang mansion na kasama ka. What is only important to me ay makita ang kapatid at ang mommy ko." kahit kailan talaga ay hindi sila magkasundo ng daddy niya.
"Brix! Kinakausap ka ng maayos ng daddy mo. Respetuhin mo siya. Pasensya ka na Hija. Ano ba ang pangalan mo?" baling ng kanyang ina kay Zyrelle na kanina pa hindi nagsasalita.
"Zyrelle po. My name is Zyrelle. Nice to meet you po." napangiti naman ang mommy niya sa sinabi nito. Ang daddy niya naman ay nakatingin lang dito na parang sinusuri ang buong pagkatao nito.
"Just me call me Tita. Girlfriend ka ng anak ko tama ba?" pagkatapos nito ay yayayain niya na si Zyrelle na umalis doon. Yun lang naman talaga ang plano niya. Gusto niya lang masalubong ang pagdating ng mga ito.
"Siyempre naman mommy. Isasama ba siya ni kuya dito kung hindi diba po? Look at her mommy she's so pretty." masayang ani ng kapatid niya.
"Mom, we have to go. May pupuntahan pa kami. May susundo naman sa inyo dito at nandiyan na man si d-dad." Niyakap siya ng kanya ina. Nag thumbs up lang naman si Akiesha. Ito ang dahilan kaya mahal na mahal niya ang kapatid niyang ito. Ang nag-iisa niyang kapatid. Hindi rin siya sigurado don malay niya ba kung nagkaanak rin ang ama niya sa ibang babae.
Hinawakan niya ang kamay ni Zyrelle. Alam niyang hindi pa ito masyadong komportable lalo pa at kaharap ang pamilya niya. At bago palang naging sila.
"Wait, I just want to ask something to your girlfriend." pigil sa kanila ng kanyang ama. Huwag lang talaga nitong babastusin si Zyrelle, Kung hindi baka kung ano ang magawa niya dito kahit pa sabihin na nasa harap sila ng mommy niya. Mukhang natatakot rin si Zyrelle sa daddy niya.
"And what was that? Wala akong pake kung hindi mo siya gusto." ngunit hindi siya nito pinakinggan at si Zyrelle ang tinanong.
"What's your surname? Do you know Sca-" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil dumating na ang sundo ng mga ito. Mabuti na lang.
"Dad! Andyan na po yung sundo natin. Uwi na tayo sa mansion. Gusto ko na pong matulog. At mukhang pagod na po si mommy." kumaway ito sa kanya. Napakabit talaga ng kapatid niya.
"Huwag mong pansinin ang dad ko. Hayaan mo siya. Ganyan talaga yan." tumango na lamang si Zyrelle. At Tuluyan na nilang tinalikuran ang mga ito. Nangako siya kay Akiesha na bibisita sila sa mansion.
"I just want to ask something?" sabi niya kay Brix ng makapasok na sila sa kotse nito.
"Kung tungkol sa dad ko. Huwg mo ng pansinin iyon. Hindi na talaga kami magkakasundo. Ewan ko ba dun pati ang apelyido mo kailangan niyang tanungin." wika nito sa kanya.
"You whats your surname? I won't believe na Sullivan ang real surname mo. Alam kung Mayaman rin kayo. So who's the real you?"
"It's not that Important. Ayoko rin naman sa apelyidong yon. Kaya ang sa mommy ko ang ginagamit ko." Saad nito. Kaya tumahimik na lamang siya.
"Scarlett, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Baka malunod ka niyan." pagbibiro sa kanya ni Krizzane. Iniisip niya lang naman, paano kung magkatagpo ang anak niyang si Khaix at ang ama nito. Siguradong magkakagulo. Kaya huwag naman sanang mangyari yon.
"Mukhang namamayagpag pa rin sa business world ang apelyidong Miller. Mukhang maayos pa ring namamanage ng dati kong matalik na kaibigan ang kompanya niya." pahayag ni Zeddrick. Mukhang ang lalim na talaga ng galit nito sa dating kaibigan.
"Si Richard ba ang tinutukoy mo? Wala naman sigurong masama kung babanggitin ko ang pangalan niya noh. Ngayon lang naman." natawa na lamang siya sa sinabi ni Krizzane. Tiklop ang pinsan niya.
"I'm just thinking na what If kung yun din ang dinadalang apelyido ng pamangkin ko? What if kung hindi ka niya niloko at natuloy ang kasal niyo. He's a fucking idiot for choosing that woman over you. Kung nalaman din niya sanang buntis ka diba." alam niyang concern lang sa kanya si Zeddrick.
"Kilala siya ni Khaix, Zeddrick. Dahil Hindi ko kayang itago sa anak ko ang tungkol sa ama niya."
"What the f*ck?! He knows. Is he mad at him? Galit ba ang pamangkin ko sa hayop na yon? Khaix is more better than his father at sa anak niya sa babaeng yon." mukhang galit ito.
"Zeddrick! Huwag ka ngang sumigaw hindi kami bingi dito." saway dito ni Krizzane.
"I'm sorry wife. I'm just asking."
"Sorry Scarleet. Pagpasensyahan mo na Sira ulo mong pinsan ah. Napakaover kung magreact. Iniisip ko na nga ring layasan ito pero syempre joke lang yon noh sa yaman ba naman ng pinsan mo malamang mabilis lang akong mahahanap nito." napatawa na lamang siya. Pero hindi pa rin mawala ang pangamba sa kanya kung anong pwedeng mangyari.
"Nanay Emma ano po bang sinasabi niyo? Si Brix po sinusundo ang mga magulang niya sa Airport?Parang hindi ko kayo maintindihan eh." Saad ni Katherine sa nanay Emma niya. Ibig sabihin galing sa ibang bansa ang mga magulang niya. Bakit wala namang nababanggit na ganun sa kanya si Brix. Buong akala niya ay pareho lang sila at kaya ito nakapag-aral sa ibang bansa ay dahil sa scholarship. At kung paano ito umasta ay Akala niya ay lubos niya ng kilala ang matalik niyang kaibigan. Pero hindi pa pala.
"Katherine mayaman si Brix. Dahil Isa siyang Miller. Noong mga panahon na nandito siya ay ayaw niyang tumira kasama ang ama niya sa iisang mansion. Katulad din siya ng asawa mo parehas din na mayaman." nabigla siya sa nalaman. Pero ayos lang hangga't hindi ito makakahadlang kina Zyrelle at Brix ay ok na siya doon. Gusto niyang magkatuluyan ang dalawang ito. Gusto niyang maging masaya si Zyrelle sa piling ni Brix. Pero ang tanong na bumabagabag sa isip niya ay alam din ba ito ng asawa niya, ng mama Krizzane niya at ng buong pamilyar ng mga Montefalco.
![](https://img.wattpad.com/cover/280111321-288-k349966.jpg)
BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romance(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.