💟Scarlett's POV💟
"Khaix where are you going?" taas kilay kong tanong sa aking anak pagkababa niya ng hagdan. Nakabihis na siya, at mukhang papunta na sa kompanya. Pero ang sabi ang niya kanina lang eh mag-uusap usap kami kaya pinapasok ko sa loob ng bahay namin si Richard. Ako ba'y pinagtitripan ng batang to.
"To the company. May trabaho ako mom and besides may kasama ka naman dito right? And you know kayo muna ang mag-usap bago kami." tumingin naman ako kay Richard at nakikita ko yung ngiti niya kahit itago niya pa. Nakikita ko!
"Huwag ka lang uuwi dito ng amoy alak or else sa labas kita patutulugin. Mahiya ka naman, ang pinsan mo pa mismo ang naghatid sayo dito, mabuti na lamang ay sinamahan ni Brix si Zyrelle. Don't drink if you can't handle yourself." panenermon ko.
"Ayos lang yon, mom. Minsan lang naman ako mag-inom at matanda na ako. I already know what's right and wrong. And you know Brix and I where brothers okay lang yon sa kanya dagdag pa goodshot pa yon!" seryoso ako dito tapos ang anak ko paloko loko lang.
Manang mana talaga sa pinagmanahan. Paglingon ko ay wala na siya. Ang galing. Napakagaling.
"Anong nginingiti ngiti mo diyan?" may halong pagtataray na sabi ko sa bwiset na lalaking to.
"You raised him well. Napalaki mo ng maayos ang anak natin." bakit parang ang sarap pakinggan nung anak natin. Dapat mainis ako pero hindi ko magawa. At masaya pa ako.
"Dapat hindi na natin ito pahabain pa. Baka mamaya sumugod na lang dito sa bahay ang asawa mo. Lets just get straight to the point." seryoso kong sabi sa kanya.
"Scarlett I'm sorry, I'm so sorry for hurting you. Sorry for everything. Sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo, Sorry." paninimula niya. Bakas sa boses niya ang sinseridad.
"Matagal na kitang napatawad. Kaya hindi mo na kailangan pang humingi ng tawad. Matagal ko na ring tinanggap na kung mahal mo talaga yung isang tao papalayain mo siya. Hayaan mo siya kung saan siya magiging masaya kahit hindi ikaw yung kasama. I already accept the fact na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Because that how life works." sagot ko na lamang sa kanya. Hindi siya agad nakasagot sa mga sinabi ko.
"I don't know if you will believe in me. Pero ikaw lang ang babaeng minahal ko. The one that I truly love. Until now ikaw pa rin, walang iba."
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo, Richard? Bakit ka nagpakasal sa iba kung ako pala yung mahal mo? Bakit mo ako iniwan kung ako pala? Bakit mo ako pinagpalit? Bakit ha?! Bakit?! Dahil hindi kita agad mabigyan ng anak noon? Sabi ko uunahin ko muna yung career ko. Pero hindi mo ko inintay. Nakahanap ka na kaagad ng iba. Tapos ako yung pinangakuan mo ng kasal pero sa iba mo tinupad!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaluha.
"Yun ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa buong buhay ko. Ngayon ko lang narealize ang laki ng katangahan na nagawa ko. Because even if I have a family now. Hindi ka pa rin mawala puso't isip ko at nung nalaman ko na may anak din tayo. Parang gusto kong baguhin ang lahat. Gusto ko kayong makasama ng anak ko."
"Pero hindi na pwede dahil may pamilya ka na! Hindi ko pinangarap na makasira ng pamilya! At ayokong makasakit ng ibang tao! Pwede mong makasama ang anak natin pero ako hindi na! Magfocus ka na lang sa asawa mo! Sa kanila mo nalang ibuhos ang pagmamahal na dapat ay para sa akin. Dahil hindi na puwede. And besides kasal rin ako ang kaibahan nga lang ay patay na siya. Pero ang asawa mo buhay pa. Siya na lang ang pagtuunan mo ng pansin. Kalimutan mo na lang yang nararamdaman mo sa akin dahil hindi na talaga puwede, hindi na tayo pwede. Hindi na natin pwedeng ibalik pa ang dati." pagkatapos kung sabihin iyon ay umalis na ako mula sa pagkakaupo sa sofa.
Maglalakad na sana ako paalis doon para pumunta sa kwarto ko. Pero bigla niya akong niyakap ng patalikod. I miss this. I miss him. His hugs. His kisses. Everything about him. Pero sadyang may mga pangyayari na hindi na maibabalik pa. Ang higpit ng yakap niya. Ramdam mo talaga ang pagmamahal niya sa yakap niya.
"I can do everything just to have you back. Hindi ko mahal ang asawa ko Scarlett, dahil ikaw lang, ikaw lang ang mahal ko. Kaya kong ipaannul ang kasal namin. Gagawin ko yun para sayo. Ikaw yung gusto kong makasama. Buong buhay ko pakiramdam ko ay may kulang at ikaw yon."
Habang nararamdaman ko ang yakap niya ay Mas lalo akong naiiyak. Mahal ko pa rin siya. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at hindi magbabago yon.
"Please Richard... just leave now... I don't want to ruin others happiness at hindi mo ba naiisip ang asawa mo, masasaktan siya sa mga ginagawa mo. Okay na sakin na ako yung nasasaktan kaysa mandamay pa ako ng iba..." kinalas ko ang yakap niya sakin. Naglakad ako palayo sa kanya.
"Just leave and go back to your family. Don't worry you can be with Khaix, Anytime you want. Anak mo rin siya. Im going to say this because this is what I feel. Mahal kita. Mahal pa rin kita. I love you. Pero hindi na pwede. Let's just accept na hindi talaga tayo pwede... Na hindi na tayo pwede sa isa't isa." lumingon ako sa kanya. Katulad ko umiiyak.This was for the better. Pinanood ko siya na maglakad paalis.
Gusto ko siyang makasama! I've always wanted to. Pero kapag sinunod ko yung gusto ko makakasakit ako ng ibang tao. May pamilyang masisira at ayaw kong mangyari yun. Bago siya tuluyang umalis. Lumingon muna siya sa akin.
Siguro kung kami talaga, tadhana na ang gagawa ng paraan para doon. But now gusto ko munang maging maayos ang lahat. Let's just say that this was for everybody's happiness. At muli umalis na siya sa bahay ko ewan ko nalang kung sa buhay ko din, aalis siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/280111321-288-k349966.jpg)
BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romance(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.