💟Krizzane's POV💟
"Anong ginagawa mo dito, Richard? Mukhang naligaw ka ata. Hindi dito nakatira si Scarlett." pagkababa ko ay siya agad ang naabutan ko sa sala.
Sinabi ng katulong sa akin na may bisita. Hindi ko naman inaasahan na si Richard pala iyon. After so many years nakapasok ulit siya sa mansion namin.
"Gusto kong makausap ang asawa mo. Pati na rin ikaw. Tapos na kaming mag-usap ni Scarlett." mahinahon niyang sabi sa akin.
"Tungkol saan? At si Zeddrick? Sa tingin ko imbes na mag usap ay away ang mangyayari. Hindi mo naman sigurong gugustuhing umuwi ng may pasa ang mukha diba?" mahina lang siyang natawa sa Sinabi ko.
Hindi ko maiwasang mapaisip. Paano nalang kung sila ni Scarlett ang nagkatuluyan? Siguro ang saya ng lahat ngayon at walang gulo.
"What the f*ck are you doing here? At sino ang nagpapasok sayo sa pamamahay ko?" nakababa na rin si Zeddrick. At ng makita si Richard yun agad ang lumabas sa bibig niya.
"Ako Hon, ako ang nagpapasok sa kanya." sabi ko nalang. Mamaya kapag nalaman niya na yung katulong ang nagpapasok sa kanya baka Mawalan pa ng trabaho.
"Zed just calm down. Gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Sa pananakit ko sa pinsan mo noon. Pinagsisihan ko yon. And I know labis labis ang galit mo sa akin. I just want to fix everything para hindi na madamay pa ang mga anak natin." hindi agad nakapagsalita ang asawa ko. Napapangiti na lang ako sa aking mga naririnig.
"Alam mo hindi ka naman dapat humingi ng tawad sa akin eh. Dahil hindi naman ako ang nasaktan mo. Dapat sa pinsan ko! At sa anak niyo."
"Nag-usap na sila ni Scarlett." singit ko sa usapan.
"It's good to hear. Now you may leave my mansion and don't come back here." kinurot ko siya sa bewang. Kahit kailan talaga.
"Ouch wife. Bakit ayaw mo siyang paalisin?" sinamaan ko na lamang siya ng tingin. At tsaka ngumiti kay Richard. Pinipigilan lang nitong matawa.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Takot ka pa rin sa asawa mo." bulong ni Richard. Na narinig naman ni Zeddrick.
"Oo Richard takot talaga ito sa akin. And by the way yung asawa mo nakakatakot din. Huwag ka sanang magagalit pero ang sama ng ugali niya. Akala mo naman anghel, demonyo pala."
"Did she come here?" tumango na lamang ako.
"Your wife is crazy. Hindi ako makapaniwala na ganoong babae ang ipinalit mo sa pinsan ko." sabi ni Zeddrick. Ikinuwento ko kasi sa kanya ang lahat lahat.
"Makikipaghiwalay na ako sa kanya. And your right baliw na ang babaeng yon. Gusto niyang sirain ang relasyon ng mga anak natin." pagkukuwento ni Richard.
"Baliw na baliw sa iyo. I never thought na ganong babae lang ang pakakasalan mo. For pete's sake I've known you for a years. We are friends for how many years I didn't believe that pakakasalan mo lang ang babae na kaya kang bigyan agad ng anak. Just what the f*ck is that."
Great nag-uusap na sila ng maayos. Sana nga lang ay magtuloy tuloy na. Ang nanay na nga lang ni Brix ang problema. Ang babaeng yon!
"Good Morning everybody! Umagang hindi pa rin umuuwi si ate Zyrelle."
Ayan na naman ang aking bunsong anak. Kailan kaya magseseryoso si Zaiji. Para sa kanya ay tila biro lang ang lahat. Napakamaloko talaga.
"Zaiji!" tawag ko sa kanya ng magdidiretso na sana ito sa may kusina. Kakain lang yan tapos aalis na. Ang galing!
"Mom b-bakit?" tanong nito sa akin. Tila kinakabahan. Alam niyang may ginawa siyang kalokohan.
"May nabalitaan ako." pagsisimula ko.
"Anong nabalitaan niyo mom? May bagyo bang paparating? May aataki bang mga rebelde? Bagsak na ba ang ekonomiya ng bansa? O baka may epidemya." kitang kita naman na hindi niya na sineseryoso ang sinasabi ko. Naririnig ko ang mahihinang tawa ni Richard at ng asawa ko.
"Wala kang allowance for one week, Seryoso ako. May ginawa ka na naman daw na kaguluhan sa University niyo. Kailan ka ba titino?" tanong ko sa kanya. Pagkasabi ko noon ay pinaalis ko na siya.
"Mom Alam ko na kung asan sila ate Zyrelle pero hindi ko sasabihin sa inyo. Sabi nila eh. Ayaw kong mayari sa mga yon. Uutang na lang din ako kay kuya Khaix! Sorry talaga mom pero hindi ako ang nagsimula nung gulo! Promise!" sigaw nito.
"Hon, our son is so afraid of you." sabi ni Zeddrick.
"So? Magkaibigan na ba kayo ulit? Alam niyo kasi kapag nalaman nila Zyrelle at Brix na bati na ang lahat. I'm sure babalik na ang mga yon. Well it is based on my instinct. Magulo kasi kaya sila lumayo."
"Kahit kailan talaga Krizzane hindi ka pa rin nagbabago. Kahit ano namang mangyari kaibigan pa rin ang turing ko kay Zed."
"Ikaw, Hon? Para ito sa ikabubuti my lahat. Ayaw mo ba na everybody happy?" ngiti Kong ani.
"You're so wrong wife. Kahit magkaayos na kami nandiyan pa rin ang asawa niya."
"Edi tayo ang lalaban sa kanya. Mag-isa lang yon. Madami tayo. Si Richard lang naman ang kaibigan mo eh. Dami rin niyang naitulong niyan sayo dati." napapangiti na lang si Richard sa mga sinasabi ko.
"Fine! If you said so! We're friends again. Pero huwag lang sasaktan ng anak niya ang anak natin."
"Yown naman pala eh. Tatawagan ko na si Scarlett. Dapat na ba akong magpaparty nito? Ibabalik natin ang lahat sa dati. Kung makikipaghiwalay ka sa asawa mo pwede na kayo ulit ni Scarlett." biglang nalukot ang mukha ni Richard.
Hindi pa rin ba silang ayos na dalawa? Akala ko nag-usap na sila. Ang tanging iniisip ko na lamang ngayon ay ang nanay ni Brix. Ang bruhang yon. Alam kong gagawin niya ang lahat para muling magkagulo.
Pero kahit na anong mangyari Alam ko na si Scarlett at Richard pa rin ang magkakatuluyan. At sisiguraduhin ko na walang makakasira sa relasyon nina Zyrelle at Brix.
![](https://img.wattpad.com/cover/280111321-288-k349966.jpg)
BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romantizm(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.