Prologue

278 4 0
                                    

Cold-Hearted
by: Ella_Kitty
Started: May 1 2015

She's fierce. She's sexy. She's rich. She's famous.

Sobra-sobra ang kabang nararamdaman ni Hethy, siya ang sekretarya ni Gel. Halos maihi na siya habang naghihintay sa babaeng nagset ng interview kay Gel. Alam naman ni Hethy kung gaano kaiksi ang pasensya ni Gel pagdating sa mga ganitong sitwasyon, and believe her, you'll never want to see Gel mad and furious. Ayon sa pagkakadescribe ng kaofficemate niya, parang pinagsamang dragon at dinosaur magalit si Gel. Ang harsh naman diba?

3 minutes ng late ang mag-iinterview kay Gel. Mas lalong kinakabahan at pinagpapawisan si Hethy.

"Shet. Nasaan na ba 'yong babaeng 'yon?" Palinga-linga siya habang napapatalon. Eto na lang ang paraan upang hindi siya mahimatay dahil sa sobrang kaba.

Halos lumiwanag ang buong mata at katawan niya dahil sa nakita. Gusto niya ng yakapin ang isang babaeng tumatakbo papunta sa kanya. Nakasuot ito ng flat doll shoes, pencil skirt, nakaitim na blazer at may puting blouse sa loob nito. Ang buhok nito ay nakalugay pa at tila hindi pa naaayos, halata sa itsura niya na nagmamadali siya.

"Sorry talaga kung natagalan ako, kasi-"

"Tara na!" sigaw ni Hethy at mabilis na itinakbo ang babae papuntang elevator. Doon pa nabawasan ang kanyang kaba. Tiningnan niya ang kanyang relo. 5 minutes late na ang babaeng ito, gusto niya mang magalit sa babae pero hindi niya magawa, siya na nga lang ang savior niya kay Gel.

Habang sila ay nasa loob ng elevator ay panay ang ayos ng babae sa kanyang itsura upang magmukha siyang presentable sa harap ni Gel. Kilalang tao si Gel sa kanilang syudad at usap-usapan rin ang kanyang ugali.

Nakarating sila sa ika-anim na palapag kung saan nandoon nag opisina ni Gel. Pumunta sila sa isang silid na may nakapaskil sa pintuan ang kulay gintong pangalan ni Gel.

Kumatok sa pinto si Hethy at binuksan ito. Bumungad sa kanya si Gel na may kausap sa telepono. Good timing. Busy si Gel kaya hindi nito mapapansin ang late na schedule ng interview.

Ibinaba ni Gel ang telepono nang nakita niya si Hethy at ang kasama nitong babae.

"Come in." malamig na sabi ni Gel. Nakaramdam ng kaba ang babae. Yes, alam niyang may chismis na nagkakalat na sobrang malamig ang trato ni Gel sa kanyang mga empleyado, hindi niya inakalang totoo ang mga iyon at nasasaksihan pa niya. "Sit down. You're five minutes late."

Sa sinabi ni Gel ay halos hindi na makahinga si Hethy. Binigyan siya ni Gel ng mga matatalim na tingin. Alam naman ni Hethy ang kahulugan ng mga tingin na iyon kaya't lumabas siya sa opisina ni Gel.

Ang babae naman ay tahimik lang na nakaupo habang pinagmamasdan ang suot ni Gel. Talaga ngang maganda ang taste nito sa mga damit. Magaling siyang mamili ng mga kulay. Puti.

Gusto niyang i-compliment ang simpleng suot ni Gel na puting halter top, puting tube skirt at puting pumps. Nagliliwanag ang puti dahil sa kanyang suot pero ramdam mo pa rin ang lamig ng kanyang presensya.

"Let's start." Nang sabihin iyon ni Gel ay dali-daling kinuha ng babae ang notebook nito. Pero dahil sa siya ay nanginginig ay nahulog ang ibang gamit niya. Mas lalo siyang kinabahan. Hindi niya man makita pero nararamdaman niya ang mga masasama at matatalim na titig sa kanya ni Gel.

Umayos ng upo ang babae pagkatapos niyang maligpit ang gamit na nahulog. Tumikhim siya at humingang malalim bago nagsalita. "Uhm. Good Morning, Miss Gelamine Keizel Arandela. I am Minzy Raf-"

"I can see your name on your ID." Napatigil siya sa pagsasalita. Napagtanto niyang ayaw ni Gel sa mga katangahan, pero naisip niya ring hindi naman katangahan ang kanyang ginawa. It's a fomality.

"A-ah y-yes. I'm from Sunnyside News. Uhm. F-for the first question, Your clothing line is one the most famous clothing lines in the country. Who or what is your inspiration behind this success?" Nagpasalamat siya sa kanyang sarili dahil nabanggit niya ang katanungan na hindi masyado nauutal. Hindi pa rin kasi maalis ni Minzy ang kaba sa kanyang dibdib.

"My family." tipid na sagot ni Gel. Tumango si Minzy sa nakuhang sagot. Nasa isip niyang pamilya talaga ang isa sa mga nagiging inspirasyon ng tao. Even her, her mother is her greatest inspiration.

"Then, what is your secret to success?" Mabilis na sabi ni Minzy. Patay. Minsan talaga ay hindi mapigilan ni Minzy ang kanyang pagiging makulit at ang kanyang curiosity sa mga bagay.

Napatingin sa kanya si Gel. Nakita niya sa mga mata nito ang pagtataka. "Hardwork." sagot ni Gel pero hindi pa rin binabawi ang titig kay Minzy. Naramdaman ni Minzy na may gusto pang sabihin si Gel kaya't hinintay niyang magsalita si Gel. Pero umiwas lang ito ng tingin at sinabing. "Next."

"Did you expect that you'll achieve whatever you are today?"

"No." Napasimangot ng konti si Minzy dahil sa mga tipid na sagot ni Gel. Naisip niya noon na baka magiging hindi boring ang interview dahil iyon ang sinabi sa kanya ng kanyang pinsan. Well, mali pala ang kanyang pinsan. It's getting boring. Maybe I should pour some fun? Naisip niya.

Hindi niya na pinansin ang mga katanungan sa kanyang notebook at umasa sa mga katanungang nasa isip niya.

"There's been a gossip that you have a cold treatment and attitude towards you-"

"It's not a gossip dear, it's the truth." napatigil siya dahil sa pagsingit ni Gel. Nararamdaman niya ang pagtulo ng kanyang pawis sa kanyang noo. Airconditioned na nga, pinapawisan pa siya. "Can't you ask me about my lovelife?" Nagulat siya sa sinabi ni Gel. Sabagay, interested si Minzy sa lovelife ni Gel kasi wala pa naman siyang official na relationship, puro flings or whatever lang.

"U-uhm. What about your lovelife, miss Gel?" tanong ni Minzy. Lumingon sa kanya si Gel at binigyan ng isang misteryong ngiti.

"I actually have no lovelife. But there is one boy whom I loved for a long time."One boy? Long time?

At dahil nga hindi mapigilan ni Minzy ang kanyang pagkachismosa, "Who's the boy?" tanong niya kay Gel. Tumawa ng mapait si Gel at binigyan niya si Minzy ng isang nakakakilabot na ngiti.

Tumalikod si Gel sa kanya at naglakad papunta sa isang glass wall, kung saan matatanaw mo ang syudad.

"I believe that it's a private matter. But since it's an interview, I'll give you a clue. He is the person who made my heart as cold as winter."

Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon