Fourteen

18 0 0
                                    

Fourteen

Avix Zander Gonzaga

"Kuya, kanina ka pa tahimik ah?" Rinig kong sabi ni Alexis. Tipid akong ngumiti at nagkibit-balikat. "Nga pala kuya, hindi ka babalik sa bahay? Namimiss ka na namin doon. Namimiss ka na din ni Zel."

Napatingin ako sa kaniya. I thought twice. Maybe I need to be with my family to lighten up my mood. I miss them too. Magmula nong nakita ko sila kanina ay nag-iba na ang pakiramdam ko.

Inakbayan ko si Alexis at sinabing, "Baka uuwi ako ngayon. Namimiss ko na si Zel eh!"

She rolled her eyes at napangiti ako. "Wow kuya, kami hindi mo ba kami namimiss? Hmp. Paniguradong namimiss ka na rin ng girlfriend mo."

Nakarating ako sa bahay at mga ngiti at yakap ni nanay at Abraham ang bumungad sa akin. Iba talaga ang pakiramdam basta kasama ko ang pamilya ko, lalo na si nanay.

"Kumusta po kayo?" Tanong ko kay nanay at nag-mano. I noticed her gray hair multiplied. Mas rumami ito kaysa noong nakaraan.

"Naku, okay naman. Ang gwapo-gwapo talaga ng anak ko. Bibisita ka lang ba o dito ka matutulog?" Nakangiting sabi ni Nanay kaya napangiti rin ako.

"Ano po bang gusto mo nay?" I asked her. Alam ko na gusto niyang dito ako natutulog, and for now, Gusto kong pasayahin si nanay.

"Aba syempre dito ka matutulog! Namimiss ka na namin eh!" She said with a big smile on her face.

"Oh sige nay. Dito ako matutulog. At may pasalubong ako." Napangiti si nanay kaya napangiti ako. Okay na sakin ang makita ko ang pamilya long masaya

"Yes! May kalaro na ako sa PSP! KJ kasi ni Alexis ayaw makipaglaro. Ang OA OA." Abraham said. Ginulo ko lang ang buhok niya. Hanggang ngayon ay away sila nang away. Parang aso't pusa na eh.

"Whatever!"

"Nako, kayo talaga. Umalis na at nagbalik ang kuya ninyo nag-aaway pa rin kayo."

"Saan si Zel?" Tanong ko.

"Umiiyak na 'yon sa likod. Mag-isa lang eh, namimiss ka!" Natatawang sabi ni Abraham. Tumango ako at nagpaalam kay nanay na pumunta na roon.

Pagpasok ko roon ay nandoon pa rin ang pinaka-iniingatan ko. Niyakap ko kaagad ito.

"Naku kuya, madumi pa iyan si Zel. Hindi pa nalilinisan eh!" Sigaw ni Abraham pero hindi ko na siya pinakinggan. I just miss this so much, too.

Zel's my favorite thing in the world. My Audi A7. Hindi ko siya naisama sa bahay ni Minzy dahil walang saktong parking space doon. Baka mapaano pa 'to. Libo-libong pawis ang nailabas ko bago ko ito naibili. This is my dream car.

I named it Zel, from her second name. They're calling it my girlfriend dahil sobra-sobra raw ang pangangalaga ko dito.

"Kuya, laro na tayo!!"

"Sige, maglaro ka muna doon. Lilinisan ko lang 'to. Susunod kaagad ako." Sabi ko at agad na umalis si Abraham.

Sinubukan ko itong pinaandar, mabuti nga at gumagana pa. Pinalabas ko ito sa garahe para malinisan ko ito ng maayos. It took me a few minutes para mabalik ang dating kintab ni Zel, it looks as new as the day I bought it.

Umakyat na ako sa kwarto dahil sa sobrang pagod. Physically, emotionally...

It was still the same room. Kulay asul pa rin ang pintura ng dingding. Everything is still the same. Even the very first painting I've made, na ngayo'y nakasabit na sa dingding sa tapat ng aking kama. Napangiti ako.

Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon