Six ♥
Gel's P.O.V.
"Sa tingin mo, bakit niya iyon sinabi?" Tanong ko kay Oli at Lucien. Kinwento ko kasi sa kanila 'yong nangyari noong pumunta kami sa gallery ni Tito Janz. Sinabi ko rin 'yong joke ni Avix.
"I don't know. Maybe it's really a joke. 'Wag mo na masyadong isipin iyon." Sagot ni Oli. Oo nga. Bakit ko nga ba iyon iniisip? Joke lang naman 'yon. Pero bakit ayaw mawala sa isipan ko. Nakakainis.
"Or maybe he's telling the truth pero dinaan niya sa biro kasi ayaw niyang maging awkward sa iyo." Sagot din ni Lucien. Ano ba naman 'to? Nalilito na ako. "Tama si Olivia. Don't think about it na, maiistress ka lang."
Napailing na lamang ako at pilit na alisin ang pangyayaring iyon sa utak ko. Ba't ba kasi siya nagbibiro ng ganoon. Papasok na kami ng classroom ng tumunog ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ni Avix sa screen. Wtf? Totoo ba ito?
Kinusot ko ang mata ko at ilang beses pang kumurap para masigurado na totoo ito. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang pinipindot ang accept button.
"H-hello?" Nauutal kong tanong. Napakunot ang noo ko nang walang nagsasalita. "Avix?"
"A-ah, Gel. Pinapatawag pala tayo ni Ms. Ocampo ngayon sa office niya." Napangiti ako nang marinig ang boses niya. Bakit pati boses niya ay kinikikilig ako? Ang laswa naman.
"Pero paa--"
"Just come here." He said at agad na tinapos ang call. Itatanong ko sana kung excused ba ako. Paano ako lalabas eh may class pa ako?
Pumasok na si Mr. Alverras at naupo na kaming lahat. "Ms. Arandela?" Napatingin ako kay Sir. Itinaas ko ang kanang kamay ko para makita niya ako. "Ms. Ocampo is looking for you. You are excused."
Excused naman pala ako. Ngumiti ako at yumukod. "Thank you sir." Sabi ko at agad na nagmadaling pumunta sa office ni ma'am. Pagpasok ko doon ay bumungad sa akin si Ms. Ocampo, si Avix at dalawang schoolmates namin.
"Sit down, Gel." Malumanay na utos ni ma'am. Umupo ako sa tabi ni Avix, nilingon ko siya at nakatingin nanaman siya sa akin. Nginitian ko siya at nabigla ako ng ngumiti siya pabalik. Wtf? Panaginip ba 'to. Napatigil ako sa pagngiti at kinurot ang sarili ko. Totoo nga 'to. Ano kayang nakain ni Avix at bakit palangiti siya nitong nakaraang mga araw.
"I called you four because of all the students here, I believe you have the skill and potential to represent our school. We have a big opportunity in our hands now." Tiningnan ko si Avix dahil nagtataka ako sa pangyayari. Mukhang wala rin siyang alam at nakikinig lang. "We got an email from Davao Youth Council. May big event sila, an art contest for high school and elementary students." Inexplain pa ni ma'am ang ibang details such as the seminars and on what days kami magstastay sa Davao. All we have to do is to get your parents' consent kung papayag o hindi. Kami ang gagastos sa foods and hotel, pero may sponsors naman, at hindi na kasama ang transportation sa gagastusin.
Pagkatapos ng meeting ay agad kong pinuntahan si Avix. I'm sure he's going to work double time para makakuha ng gastos para sa trip to Davao.
"Hey." I said. Sumulyap siya sa akin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. "I can give you the money I can collect from my sponsors. Para makatulong."
"You don't need to." He said.
"But I want to." Sabi ko. Nilingon niya ako at kitang-kita ko ang noo niyang nakakunot. Nginitian ko siya. "Okay naman kay Mom at Dad na gumastos eh. Dad wants me to help people and so I'm helping you."
BINABASA MO ANG
Cold-Hearted
RomanceKapag ang puso nasaktan, hindi ba pwedeng ipatuloy kung sino at ano ka? Kailangan ba talagang magbago? Gaano nga ba kasakit? Gaano nga ba kabigat? na naging malamig ang pusong minsan nang nagmahal at nasaktan. Dalawang tao, dalawang buhay na minsan...