Seven

29 1 0
                                    

Seven

"Alam mo kuya, mabait naman pala si Gel eh." Dahil sa nangyari noong nakaraan ay napagtanto ni Minzy na may mabuti at mabait na side si Gel. For a little time na magkasama sila, she felt that she's getting to know Gel more.

"Sino bang may sabing hindi, ikaw diba?" Napasimangot si Minzy dahil sa sagot ni Zander. Sabagay, totoo naman. Weeks ago she said that she doesn't like Gel's attitude but now, she ate her words. She felt lucky because she was given the chance to see another side of the persons behind Gold and also, the Kix.

She was admiring them starting that day. Natutuwa siyang tingnan sila. Their life as bestfriends are simple yet happy, the normal ones, may tawanan, asaran at iba pa. People always think that people like them are different. She once thought that too.

"They look so happy together and dito mo makikita ang tunay nilang pagkatao. They are united. Hindi ko alam kung ano pa ang idedescribe ko sa mga nakikita ko. I was totally amazed at nagulat ako dahil sa nakita." Nagsisimula nanaman ang long speech slash long story telling slash long opinions ni Minzy kaya napailing na lang si Zander.

"Babalik ka pa ba doon?" Tanong ni Zander.

"Hmm. Oo nga noh? Maybe, magpapaschedule ako ng photoshoot para sa ating magazine. I'm hoping na tatanggapin niya ang offer natin. Kinakabahan nanaman ako, baka kasi bad mood siya ngayon at balik yelo nanaman siya. Nakakatakot kaya kung ganoon..." Talak pa nang talak si Minzy pero hindi na nakikinig si Zander. Napabuntong-hininga na lang ito dahil sa naisip.

-------------

Kasalukuyang nasa gym si Gel. Mag-isa lang siya and she likes it. At that time, nakakapag-isip siya and it helps her relax.

Ten minutes na siyang nasa treadmill pero hindi pa rin naiiba ang kanyang naisip. That girl will always pop in her head. Minzy Rafales. Napailing siya. She didn't know how on earth she can act like herself when she's there. First time ni Gel na mag-alala dahil sa nararamdaman niyang comfortability kapag kasama niya ang babaeng iyon.

The scenes from the fashion show up to the interview seems to play back on her mind. She just hope that Minzy won't tell what she knew about her. Oh geez, she works on a publishing company, she might share it to their office.

On the other side of the gym, coincidentally, naroon ang bumabagabag sa isipan ni Gel na si Minzy. Kasama nito si Zander na kakatapos lang na maligo.

Sakto naman na pagtayo ni Minzy ay nahagip ng kanyang mata si Gel. Bigla namang nabuhay ang kanyang loob at napangiti siya.

"Kuya!" agad niyang tawag sa kaniyang pinsan. "Andito pala si Gel oh." Itinuro niya ang pwesto kung saan nakaupo si Gel na nakatitig sa kawalan.

"what?" gulat na tanong ng kanyang kuya. Napatingin siya kay Zander dahil sa ikinilos. "Ba't hindi mo sinabi kanina?"

"Ngayon ko lang nalaman eh!" Kunot-noo na sabi ni Minzy. Napangiti siya habang pinagmamasdan ai Gel. "Ang ganda niya noh?" Tumango lang si Zander. Mas lalo pa siyang nagtaka dahil nagmura ang kanyang pinsan. "huh? kinakabahan ka ata kuya, may crush ka ba sa kaniya?"

"tss. wala ah." agad na sagot ni Zander. "Tara na nga."

"Teka! Kakausapin ko pa siya." It was another opportunity for Minzy na makapagtanong about sa photoshoot.

Pupunta na sana siya pero kinabahan siya nang makita ang nakakunot na noo ni Gel. Mukhang hindi ito good vibes kaya napatigil siya.

"This is not the right place to discuss business. Tara na. May pupuntahan pa ako." Sabi ni Zander. Mukhang nakumbinsi niya si Minzy dahil nagpadala na lang ito habang kanyang hinihila palabas ng gym.

Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon