Three ♥
Gel's P.O.V.
"Pakopya insan." Sabi ni Shaw habang tinatapik ang balikat ko. Ang kulit kulit niya talaga!
"Ssshh. 'Wag ka ngang maingay, bozo." I said at sa wakas tumahimik na rin siya. si Shaw Arandela ang pinsan ko sa father side. Tinatawag ko siyang bozo, kasi bozo talaga siya.
History Class namin ngayon at may individual activity na ipinagawa sa amin ni Mr. Dupas. Umalis siya saglit kaya maingay ang classroom, dumagdag pa itong pinsan kong bozo!
Inangat ko ang ulo ko at nakikita ang mga ibang classmate ko na ginawang group activity ang individual activity. Napailing na lang ako.
Nagtataka talaga ako kung bakit kailangan pa nilang mangopya, eh magagawa naman nila iyon all by their self. May sinabi sa akin si Mom na dapat ay magsikap ka sa lahat, hindi dapat palagi ay nakadepende ka sa ibang tao. Kwento rin ni Dad sa akin na dapat high school pa lang ay iwas-iwasan ang pangongopya at sariling sikap ang gagawin dahil kung hindi ay mangungulelat ka daw sa college.
Oo, nangongopya rin naman ako pero minsan lang, 'pag kailangan na talaga. Nagpapakopya rin naman ako minsan pero sa minsan ay hindi, gusto ko lang naman na matuto sila.
Natapos ko na kaagad ang activity at bigla namang lumapit sa akin si Shaw. Ibinigay ko na kaagad ang papel ko, nakukulitan na ako sa kanya eh. Napansin ko rin na may lumalapit na kay Shaw, siguro mangongopya rin. Haaays. Bahala na nga.
-----------
Lunchtime, pagkatapos naming kumain ay pumunta kaagad ako sa library. Kukuha ako ng libro para sa book club. Requirement kasi talaga sa club.
Pagpasok ko pa lang ay gwapo na agad ang nakita ko. Shet! Si Avix! Student librarian siya ngayon?! Fudge! Lalapitan ko ba siya o hindi? Hindi na ako mapakali kaya nadapa ako. Nakakahiya! Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Avix. Buti nga 'di niya agad ako nakita. Tumayo kaagad ako at naglakad patungo sa pwesto niya.
Nag-aayos siya ng libro. Nakita ko ang student librarian na name plate sa kaliwang parte ng polo niya.
Huminga ako ng malalim bago siya kausapin. "Hi Avix! Student librarian ka pala dito?" Sabi ko at nakangiti pa.
Hinarap niya ako na nakakunot ang noo. "What makes you think na pwede mo akong kausapin?" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. What the? May dalaw ba siya ngayon? Ang sungit ah!! "'Wag mo nga akong kausapin. Kung sa tingin mo close na tayo dahil close lang kayo ni Red, nagkakamali ka." Dugtong niya at umalis.
Naiwan akong nakanganga at gulat na gulat sa pangyayari. Masungit, suplado siya, alam ko. Pero parang nasaktan ako sa pananalita niya. Nasobrahan na siya sa pananalita. Sana naman dinahan-dahan niya at sinabi niya in a nice way.
Kinagat ko ang labi ko, pinipigilan na umiyak. Nakakainis, ba't siya ganoon?
May isang luhang nakatakas sa mata ko kaya agad ko iyong pinunasan. It's my fault anyway, ba't ko nga ba siya kinausap, eh hindi niya nga ako kinausap noong nasa bahay kami ni Red. So stupid.
Kumuha ako ng libro at dumiretso sa main desk. Nilapag ko ang libro doon ng medyo...malakas. Buong minuto ay diretso lang ang tingin ko sa libro, ni hindi ko siya tiningnan. Ang sama niya, bwisit! Hindi ko na siya crush, si Red or si Howard na lang nga crush ko. Tss.
"Next week ko pa ibabalik ang libro." Paalam ko. Mostly kasi ay hanggang three or four days lang pwedeng hiramin ang libro, hindi naman ako fast reader, kaya kailangan ko ng mahaba-habang oras.

BINABASA MO ANG
Cold-Hearted
RomantizmKapag ang puso nasaktan, hindi ba pwedeng ipatuloy kung sino at ano ka? Kailangan ba talagang magbago? Gaano nga ba kasakit? Gaano nga ba kabigat? na naging malamig ang pusong minsan nang nagmahal at nasaktan. Dalawang tao, dalawang buhay na minsan...