Four ♥

40 1 0
                                    

Four ♥

Gel's P.O.V.

"Hi Gel!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Red lang pala. Mula noong nagkagrupo kami ni Red ay naging magkaibigan na kami, at medyo close na. Pinapansin niya ako araw-araw, pati na rin si Joe Yael. Kumaway lang ako sa kanya, baka sabihan pa akong malandi ng mga fans niya kapag binati ko siya.

"English class?" Tanong niya. Tumango ako. Paano kaya niya nalaman iyon?? Boring ang english class para sa akin. Wala kasi akong kaclose na classmate eh. Walang Olivia, Bozo, Red o Joey Yael. Wala ring...Avix. haays. Hindi ko dapat siya iniisip.

Umupo kaagad ako sa aking upuan pagdating ko sa classroom. As usual, tahimik lang ako at nagdedesign ng mga damit. Basta bored plus may pen plus may paper equals to dress.

Nagulat ako nang may humawak sa aking balikat. Nilingon ko kung sino iyon at bumungad sa akin ang isang babaeng nakangiti.

"Hi! You design dresses too?" Tanong ng babae. Umupo siya sa aking tabi. Ba't niya kaya ako kinakausap?

"Uhh...yes."

"Me too! Gustong-gusto ko talaga ang fashion designing. Noon hobby ko lang, ngayon passion na." Masaya niyang sabi.

"Talaga?" 'Di ako makapaniwala na bukod sa aming dalawa ni Olivia ay may interested pa din pala sa fashion designing. "I'm Gelamine Arandela. Gel na lang."

"Hi Gel! Honestly, I really want to be your friend. I'm Emma Lucien Garcia. Call me Lucien na lang." Lucien. Nice name. Nginitian ko siya at ganoon din ang ginawa niya. Englishera rin siya, medyo conyo pero ganun pa man ay masarap siyang kasama. Nakakatuwa, mukhang hindi na boring ang english class basta kasama ko siya.

"Is it okay for you to be my friend? Baka napipilitan ka lang."

"Yes. Okay lang noh. Pwede ko bang makita iyong mga gawa mo?" Tanong ko. Kumislap ang kanyang mata at agad na kinuha ang kanyang sketchbook at ipinakita sa akin ang mga designs niya. It was..beautiful.

-----

Lunch time. Nagkita ulit kami ni Lucien. Inimbitahan ko rin siya na sumabay nang maglunch sa amin. She gladly accepted it.

"Oli! Si Lucien nga pala. New found friend, and guess what! She also likes fashion designing. Isn't it amazing?" Tuwang sabi ko kay Olivia. Ngumiti lang siya at kumaway kay Lucien.

"Olivia. Nice meeting you." Simpleng sabi nito. Mukhang may kakaiba kay Olivia ngayong araw ah. Matamlay siya ngayon at mukhang pagod.

"Nice meeting you too! You're into fashion designing, too?" Tanong ni Lucien. Tumango lang si Olivia at ngumiti. She seems stressed. Napansin din iyon ni Lucien dahil napatigil siya at napatahimik.

"Are you okay Oli?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin at tumango.

"Yeah. Why not?" She said and smiled. Magsasalita pa sana ako pero... "Marami kasing projects eh kaya hindi ako nakakatulog ng maaga."

"Ganun ba?" Ba't sa tingin ko ay may iba pang rason ba't siya ganoon. I want to ask her about Klyde pero sa tingin ko ay hindi ito ang tamang oras.

Tumango siya at ngumiti ulit. "Pupunta ba kayo sa foam party mamaya ni Anna?" Tanong niya. Wait..Anna?? Siya ba 'yong girlfriend ni Klyde ngayon? Ba't siya pupunta?

"Anna? Klyde's girlfriend?" Panigurado ko. Napakunot ang noo ko nang tumango si Olivia. "Pupunta ka doon? It's his girlfriend's party!"

"Yep. I was invited by Klyde."

Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon