Four

37 1 0
                                    

Four

Ngayon na ang gothic themed fashion show. Kinakabahan ang GOLD, pati na rin ang ibang clothing line. Nasa kani-kanilang pwesto na ang bawat company. Sampung clothing line company ang sumali ngayon sa fashion show. Usually ay mga 15-20 ito pero mukhang may mga ibang clothing line na hindi sumali. As for the Gold company, wala silang show na hindi sinasalihan mula noong nabuo ang company.

"You look agitated." Sabi ni Olivia kay Gel. Hindi naman gaano kinakabahan si Gel sa mga fashion show noon pero ngayon, halata sa kanyang mukha na kinakabahan siya.

"I hope we win." Gel said. Olivia took her hand at hinawakan ito. She smiled at her friend.

"We want to win. We did our best, Gel. Kung hindi man tayo manalo, okay lang. Hindi naman iyon first time diba? Atsaka 'di gaanong kawalan iyon. We can always make an explosive comeback when we're dragged to the bottom." Olivia said. Napayakap si Gel sa kaibigan. Palagi siyang nagpapasalamat na andiyan si Olivia sa tabi niya as well as Lucien and Danger para suportahan siya at ang isa't-isa. Hindi mabubuo ang Gold kung wala sila.

"Gezel!" Napalingon silang dalawa kay Danger na tumatakbo patungo sa kanila. "There's a problem. May isang babaeng model na hindi sumipot and we found one of the dresses na may punit."

"What the hell?!" Biglang sigaw ni Gel. Napatigil ang lahat ng staff ng Gold at napatingin kay Gel.

"I think kagagawan 'to ng Mercedes. They never play fair." Olivia said. Naalala ulit nila ang nangyari noon. Natagpuan nila ang isang dress na punong-puno ng ketchup at toyo. Nagwala si Gel dahil doon at ang resulta, napaskil ang galit niyang mukha sa newspaper.

"Which dress?" Tanong kaagad ni Gel. Sinabi naman ni Danger kung anong dress iyon and it turns out na isa ito sa mga magagandang gawa nila. They have a few good designs.

"Fckng sht." Napamura si Gel at agad na tinapon ang dala-dala niyang mug. Nabasag pa ito. Katahimikan ang bumalot sa paligid. Kinakabahan ang lahat ng staff at modelo sa ginawa ni Gel. "Sumosobra na sila." Aalis na sana si Gel para sumalakay sa Mercedes nang pinigilan siya ni Danger at Olivia. Sinenyasan naman ni Olivia si Hethy na bumili ng kape.

"Calm down, Gezel. Kung susugurin mo sila ay magmumukha kang warfreak. Just breathe and calm down." Sabi ni Olivia. Pinaupo nila si Gel at pilit na kinakalma. Dumating naman kaagad si Hethy dala-dala ang kape. Agad niya itong ibinigay kay Gel. Kinuha naman agad ito ni Gel at dali-daling ininom.

Huminga ng malalim si Gel. She needs to calm down and think of a solution. The dress that was cut was one of the best dresses they made.

"Danger, show me the dress." Mahinahong sabi ni Gel kay Dane. Agad namang kinuha ito ni Dane at ipinakita kay Gel.

May malaking hiwa ito sa upper right part ng dress. Napailing si Olivia. "Damn."

"Get me the scissors." Utos ni Gel. Nataranta namang hinanap ni Hethy ang gunting at nang makita niya ito ay agad niyang ibinigay kay Gel. Napatingin si Gel sa damit at inisip kung saang banda pwede niyang guntingin ang damit para matakpan ang hiwa at the same time magiging fashionable.

Kinakabahan naman si Olivia, Dane at Hethy habang tinitingnan si Gel na ginugupit ang damit. It's a good idea pero hindi nila maalis ang kaba. Agad silang lumapit nang tumayo si Gel, nangangahulugang tapos niya nang ayusin ang problema.

Nakita nila ang damit at agad silang namangha. What happened added beauty to the dress, mas umangat ito at mas naging maganda. Napatili at napayakap si Dane at Olivia kay Gel.

"You're the best!!" Tili ni Dane. Napangiti naman si Gel dahil doon. Namangha rin ang mga staff sa kanyang ginawa at ngumiti rin.

"There's still one problem. We don't have a model!" Napatigil sila.

Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon