Six

31 1 0
                                    


Wala pang 1:00 pm ay nasa labas na ng building si Minzy. Ayaw niyang malate sa kanilang appointment knowing na GOLD at The Kix ang makakasama niya. She must make a good first impression, kahit sa The Kix man lang. Pero hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya kung paano haharapin si Olivia pagkatapos noong vomit accident.

Nakasuot si Minzy ng isang puting dress, nakaitim na blazer at heels. For 2 hours, she was busy rummaging her closet, finding a perfect dress. Habang naglalakad siya ay ang nasa isip niya ay kung anong magiging komento nila sa kanyang damit. Of course, they're fashion designers, they'll always judge on how you dress.

Saktong pagpasok niya ay nakasalubong niya ang secretary ni Gel, si Hethy. Nagulat naman si Hethy dahil maaga ang babae, last time she went to the company she was late. Maybe she learned her lesson.

"Hi!" Masiglang bati ni Minzy kay Hethy. "Si Miss Gel?"

"She's with the Kix at Gel's office. Let's go? They're waiting for you." Sagot ni Hethy. Akala ni Minzy na maaga siya ngayon, mukhang mas maaga pa sila.

Habang nasa elevator ay ramdam na ni Minzy ang kaba sa kanyang dibdib. Although ilang beses niya nang nakaharap si Gel ay kinakabahan pa rin siya, lalo na ngayon na naroon ang The Kix at ang Gold. At naroon si Red. She wish that she wouldn't embarass herself.

Nang makarating sila sa opisina ni Gel ay nagulat sila sa kanilang nadatnan. Nanlaki ang mata nila sa nakita, tila 'di makapaniwala. Naglalaro ng pillow fight ang Gold at ang Kix! Tumatalon pa sa sofa si Red at Joey habang pinapalo ng unan si Gel at Olivia. Si Danger at Lucien naman ay kaaway si Harold at Jack na ngayo'y tumatakbo. Napuno ng tawanan at tili ang buong opisina dahil dito.

They never expect this scene, kahit si Hethy. She was the one who bought those pillows at akala niya ay para lang iyon sa sofa. Clearly, she was wrong. Napatakip siya ng mukha nang makita ang kalat sa opisina. It was like a disaster, the eight people didn't mind the mess, they were enjoying it to the highest level.

"Minzy!! Join us!" Natatawang sabi ni Gel. Napakusot ng mata si Minzy. It was almost like a dream. She didn't expect to see Gel to smile and laugh like that. She looks so beautiful that way.

Tatanggi pa sana siya pero hinigit na kaagad ni Gel ang kamay niya at binigyan ng unan. Pag-angat niya ng ulo ay nakita niya ang The Kix na papalapit sa kanya at mukhang papaluin siya kaya, sa ayaw niya o sa hindi, inunahan niya sa pagpalo ang The Kix. Sakto namang tumama ito sa mukha ni Red kaya gulat na gulat si Minzy, pero ang iba ay tawa nang tawa.

"Sorry!" Sigaw niya. Ilang segundo pa ay tili siya nang tili habang pinagkakaisahan siya ng The Kix. Nahagip niya ang mga mata ni Olivia na nakatingin sa kanya. Misteryoso ang mga tingin nito at hindi niya malaman kung anong kahulugan ng mga titig niya.

Napatigil lang silang lahat ng bumukas ang pinto at nagpakita ang dalawang lalake. Napakunot ng noo si Minzy dahil unang-una, hindi niya kilala ang mga lalake, may dala pa itong bulaklak at katahimikan ang bumalot sa buong paligid.

"Hi Tom!!" Rinig niyang sigaw ni Gel at agad nilapitan ang lalakeng nakablack skinny jeans, white v-neck shirt, sneakers at may kwintas itong cross. Simpleng-simple ang pananamit nito at ibang-iba sa isang lalake na nakabusiness attire.

"Hi Gel. Hi Guys. Hi Olive!" Nakangiting sabi ni Tom. Agad naman siyang pumunta kay Olivia at ibinigay ang bulaklak.

"Good Afternoon." Pormal na bati ng isang lalake at pumunta rin kay Olivia para ibigay ang mga bulaklak. "For you, Raz."

Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon