Eight ♥

23 1 0
                                    

Eight

Isa iyon sa mga araw na hindi ko makakalimutan. Dahil doon ay mas nakilala ko pa si Avix. I thought na masungit, suplado o kung ano pang negative attitudes lang ang meron siya, hindi ko aakalain na sobra sobra ang ginagawa niya para sa kanyang pamilya.

Nasa gym kami ngayon dahil may band practice ang The Kix. Sasali pala sila sa Battle of the Bands, and they're going to represent the school. Ang pinagtataka ko ay band practice ang gagawin nila, pero bakit andito sila nagprapractice. Why so? Maybe gusto nilang maexpose sa mga tao.

"Sikat nga sila sa school." Patangong sabi ni Olivia. I looked around, no wonder ang puno ng gym.

Mabuti nga na nasa harapan kami kaya hindi na namin kailangang makipagsiksikan pa. Red invited us kaya nauna kaming pumwesto.

"Package na kasi eh." Komento ni Lucien. "It's true, they have the voice, the looks and the confidence."

"And personality." Bulong ko sa aking sarili. Ever since nung araw na nakilala ko ang pamilya ni Avix ay nabago ang pananaw ko. Hindi lahat ng nakikita mo sa isang tao ay sumisimbolo sa buong pagkatao niya. His one side doesn't represent his whole.

Natigil lang ang aming pag-uusap nang tumili ang mga tao sa pag-akyat ni Avix sa stage. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nagkatitigan kami. I smiled at him. Akala ko ay papanatilihin niya ang sungit slash poker emotion niya pero, nginitian niya ako. Narinig ko ang malakas na tili ng tao kasabay non.

He looks so handsome smiling. "Gel!! Anong ibig sabihin ng titigan niyong iyan!? Kayo ha!" Rinig ko pang sabi ni Olivia but my eyes were still focused on Avix.

Nang nagsalita na si Red ay doon pa lang naputol ang titigan namin.

"Good afternoon to everyone! Mukhang love is in the air na ah! Matagal pa ang Valentines Day. Speaking of love, we're going to sing a love song. This is dedicated to all students, teachers..." Sabi niya at tumingin kay Avix na may makahulugang ngiti sa kanyang labi.

"This is for someone that I truly care for and...love" sabi ni Avix. I smiled. Must be his family.

The music started and the place became peaceful. Natahimik ang lahat, waiting for them to sing.

What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive

Ayan nanaman. Naririnig ko nanaman ang magandang boses niya. Nakatutok lang kami sa kanya habang kumakanta siya nang nakapikit. Ramdam na ramdam niya ang bawat tono at liriko ng kanta.

I can't keep up and I can't back down
I've been losing so much time

Napatalon ang puso ko nang bumukas ang kanyang mata at diretso sa akin ang kanyang tingin.

'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose

Akala ko namamalikmata lang ako pero kinurot ako ni Olivia at sinasabing tinitingnan nga ako ni Avix. Parang may kung anong kiti-kiti ang nasa tiyan ko, hindi ko na rin alam kung anong nangyayari sa sistema ko.

And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you

Nakakainis. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kaya. At hindi ko alam kung bakit siya lang ang focus ng aking mga mata.

All of the things that I want to say just aren't coming out right
I'm tripping on words

Ngumiti siya...sa akin. Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya ng pabalik, because I realized something just now. Gusto ko na siya, gusto ko na si Avix and I feel like I'm starting to fall.

Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon