Three

34 1 0
                                    

Napagusapan na nila thru email na magaganap ang lunch meeting nila sa Hukad. One of Gel's favorite restaurant ever since she's a child. Dito sila madalas kumakain ng kanyang pamilya at kaibigan. Ang pinakapaborito at pinakainaabangan niya talaga dito ay ang budbud with tsokolate.

12:00 pm ang usapan nilang oras. Andoon naman kaagad si Red at Joey kasama ang dalawang miyembro ng The Kix. Para hindi mainip ay nag-order na sila kaagad ng maiinom. Andoon rin and dalawa nilang bodyguards para 'di makaistorbo ang mga fans nila kung sakaling meron.

Habang si Gel at ang kanyang kaibigan ay nag-aayos pa lang sa opisina. Matagal silang natapos dahil marami silang inaasikaso, pero kahit ganoon ay naisingit pa nila na makipaglunch meeting kasama ang mga dating kaibigan.

Nakarating sila sa Hukad 12:25pm. Naabutan nilang nagkakatuwaan ang apat na lalake. Nang makita sila nito ay agad silang sinalubong. Halata sa mga mukha nila na masaya silang makita ang isa't-isa.

"Gel! I miss you!" Bungad ni Red at open arms pang napatakbo papunta kay Gel. Kumikinang ang mata nito sa muling pagkikita nila ni Gel. Mahigpit ang yakap nito sa babae at ang nasa isip ni Gel ay hindi talaga nagbago o nawala ang kakulitan ng kaibigan.

"What the hell Red?!" Bulong ni Gel dahil sa sobrang higpit ng yakap ni Red. Kinurot pa nga ni Gel si Red sa tagiliran para tumigil. Panay ang ngiti niya kay Gel at halatang miss na miss niya ito.

Habang si Gel naman ay tipid na ngiti lang ang ibinigay. Nasa public kasi sila at ayaw niya rin kasing makaattract ng atensyon. Pero sa kaloob-looban nito ay talagang miss niya ang dalawa, lalo na si Red.

"Sus! Aminin mo na kasi na namiss mo ang gwapong tulad ko!" Masiglang sabi ni Red. Napailing na kang si Gel at napairap naman si Olivia.

"'Di ah! Ang dami kayang gwapong models sa company." Sabi ni Gel at nag-apir sila ni Joey. Pagdating sa pang-aasar kay Red, partners in crime talaga si Joey at Gel.

"Walang-wala ka sa kanila." Hirit pa ni Olivia kaya napasimangot lalo si Red.

"Hanggang ngayon ay pinagkakaisahan niyo ako. Kalaban na tayo! Ayoko ko na sa inyo!" Maarteng sabi ni Red kaya mas lumakas ang tawa nila.

"Hoy, tama na ang drama. Gutom na kami!" Singit ni Lucien at pilit na pinipigilang tumawa. Kaya nag-order na sila ng makakain. Nagpresenta na si Red at Joey na sila na ang magbabayad kaya marami-rami ang inorder ni Gel.

"Gel naman! Mamumulubi kami niyan sa dami ng inorder mo!" Reklamo ni Red at napakamot pa ng ulo. Umirap lang si Gel at ngumiti.

"Mayaman naman kayo ah." Alam naman ni Gel na mayaman na si Red at Joey noon pa lang pero mas yumaman sila dahil sa kanilang banda.

"Ilang concert na nagawa ninyo tapos mamumulubi pa kayo?" Pasimangot na sabi ni Olivia.

"Ohoi! Stalker kayo noh?" Biro ni Red. Sabay namang napairap ang apat na babae at saka tinapunan ng tissue. "Ang sama niyo talaga sa akin." Hindi na nila iyon pinansin at tumawa na lang.

"Hindi niyo ba kami ipapakilala sa bago niyong members?" Singit ni Dane dahil kanina pa niya napapansin na tahimik lang ang dalawang lalakeng nasa tabi ni Joey.

Magsasalita pa lang sana si Joey nang sumabat si Red "Bakit Danger? Type mo sila? Uyyy." Sabi ni Red. Kinuha naman ni Dane ang kutsara nasa harapan niya at pinukpok sa ulo ni Red. "Aray ko!!"

"Buti nga't mabait ako at kutsara lang ang ginamit ko!"

"Mabait ka na sa lagay na iyon?!"

"Gusto mo tinidor?" Banta ni Dane at kinuha niya ang tinidor at itinapat sa mukha ni Red. Habang si Gel at ang iba ay natutuwa sa nakikita.

Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon