Two ♥

53 2 0
                                    

Two ♥

Gel's P.O.V.

"Totoo ba 'yan? O panaginip lang?" Tanong ni Oli sa akin pagkatapos kong ikwento ang nangyari. Sana naging artwork na lang ako. Kunin ko kaya artwork ko? Tapos ipapaframe ko, ilalagay ko sa kwarto para araw-araw inspirasyon.

"Oo nga! Ano ka ba Oli! Hindi ka supportive na kaibigan!" Sabi ko at hinampas ko siya ng dala-dala kong notebook.

"Gezel, ayoko lang naman na umasa ka sa wala. Masakit 'yon." Seryosong sabi ni Oli. Napatigil ako sa pag-ngiti. Hindi naman sa umaasa ako na magiging kami, umaasa lang ako na maging kaibigan ko siya. Na makakausap ko siya. Hindi din ako umaasa na mamahalin niya ako, hello? Crush lang naman 'tong nararamdaman ko eh. Physical attraction. No more, no less.

"Crush lang naman. At saka bakit? Naranasan mo na ba 'yon?" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin, ngumiti at saka tumango. Ahhh. Si Klyde ba ang tinutukoy niya? Ang alam ko matagal na silang break, o baka naman may kaloveteam siyang bago?

"Crush lang ha? At saka kung masaya ka, masaya rin naman ako." Sabi niya. Awww. Niyakap ko siya at nagpasalamat na rin ako. Olivia has been my bestfriend since first year high school. She's like family to me.

"Yep! Ano? Tara na! Magsisimula na ang performance nila sa Music Class!" Sabi ako at hinila na siya papuntang classroom. Maririnig ko nanaman ang boses ni Avixmyloves! Pagpasok namin sa classroom ay nakapwesto na ang iba naming kaklase at halatang excited.

May schedule kasi ang banda ni Avix which is called the Kix sa mga Music Class. Once ang week silang nagpeperform before magsisimula ang klase, kaya inspired din akong pumasok sa music class every friday.

Umupo na kami kaagad. Humiyaw ang karamihan sa amin nang pumasok ang The Kix. Shet! Ang gwapo talaga ni Avix. Gwapo rin naman ang iba niyang miyembro pero iba talaga si Avix. Siya at si Red ay ang vocalist at basist ng banda, nagswiswitch places lang sila kung kailan nila trip, habang si Joey ang drummer at si Howard ang guitarist.

Nang medyo kumalma na kami ay nagsimula na sila.

Kung ako ang may-ari ng mundo,
Ibibigay ang lahat ng gusto mo

Shet! Ba't ang ganda ng boses niya?! Nang kumanta siya ay lahat kami ay natahimik at napatitig sa kanya.

Nakapikit siya habang kumakanta at ang gwapo niya pa ring tingnan. Medyo magulo ang buhok niya at medyo natatakpan ang mga mata niya. Makikita ko mula sa aking kinauupuan ang matangos niya ilong. Bakit parang ang perpekto niya?

Hindi ko iwasang mapangiti. Napatalon ang puso ko nang biglang bumukas ang kanyang mata at nagkatitigan kami.

Susungkitin mga bituin, para lang makahiling,
Na sana'y maging akin,
Puso mo at damdamin,

Napaawang ang bibig ko nang habang kumakanta siya ay tinititigan niya pa rin ako. Gusto ko nang mahimatay! Mabilis ang tibok ng puso ko at may naramdaman akong kiliti sa katawan ko.

Umiwas kaagad ako ng tingin. I look stupid already. Nanaginip ata ako. Kinurot ko ang sarili ko at nakaramdam naman ako ng sakit. So, totoo nga ito?!

Sumulyap ako sa kanya at mas bumilis pa ang tibok ng puso ko nang malaman kong nakatingin pa rin siya. Napakagat ko ang aking labi at umiwas ulit ng tingin. Iginala ko na lang ang paningin ko sa may bintana at tumingin-tingin doon. Sheeeeeeeeeeeet! Gusto ko nang tumili!

'Di ko na ata kayang tingnan siya. Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko at agad ko naman iyong hinawakan. Don't blush, no, no.

Natapos na ang kanilang performance at napatingin ako kay Avix. 'Di na siya nakatingin at nakablanko na ang kanyang mukha. Haays, guni-guni ko lang ata iyon. Habang nagpapasalamat sila Red, Joey at Howard, siya naman ay tahimik lang at nakakunot ang noo.

Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon