Two

55 2 0
                                    

"Did you recieve the details of the fashion show?" tanong ni Gel sa kanyang mga kaibigan. Next week na ang fashion show kaya dapat na silang maghanda. Sobrang naging busy nila sa nakaraang mga linggo kaya't di kaagad maasikaso ito. Pero alam naman nila na kaya nila itong matapos. Ganyan sila kaconfident sa kanilang mga kakayahan.


"Yes. Kahapon lang dumating ang email. I asked our rivals, ganoon din daw sa kanila." sabi ni Olivia. Nilapag niya ang isang brown envelope sa gitna ng mesa.


Si Olivia Ferazz Concepcion ang isa sa mga kaibigan ni Gel at isa sa mga namamahala ng companyang Gold. Olivia has a fair skin and a long black straight hair. Isa sa mga pinakainaalagaan niya ay ang kanyang buhok. She has that pinkish lips and expressive eyes that makes her beautiful in a natural way. 'Di niya na kailangang mag-make up para maging mas maganda ang kanyang mukha.


"Oh? So the game is fair pala! What if ang theme ay gothic then ang nadesign nila ay pangsummer, edi back to zero sila. Buti na lang nga hindi pa tayo nakakapagsimula." Komento naman ni Emma. Tumango naman silang lahat. Si Emma Lucien Garcia ay isa rin sa mga designers ng Gold. Siya ang pinakakakaiba sa kanila dahil sa kanyang pulang buhok. Bumagay naman ito sa kanyang matangos na ilong at maputing kutis.


"Ano nga ba ang theme?" Tanong ni Dane na isa rin sa mga designers. Nagkatinginan silang lahat at sabay tumitig sa envelope na nasa gitna. Si Dane Gella Ruiz ay isang babaeng mala-anghel na mukha katulad ni Gel. Maamo ang mukha nito at mapula-pula ang pisngi. Palangiti ito at tahimik paminsan-minsan.


Lahat sila ay may angking ganda at talento lalo na sa pagdedesign ng mga damit. Basta all about fashion, sila ang sikat at iniidolo ng karamihan.


"Shit! May psychic powers ka ba Lucien?!" Biglang sigaw ni Olivia nang mabasa niya ang nasa loob ng envelope. Nanlaki pa ang mga mata nito at di makapaniwala.


"'Wag kang magmura, nasa opisina tayo." Sabi ni Gel at tinapik sa balikat si Olivia. "Atsaka, 'di naman siya si Professor X para magkaroon ng ganyang powers." Napairap silang tatlo sabay tawa. Sanay na sanay na sila sa ganyang salita ni Gel. Isang bagay na hindi-hinding magbabago sa kanya ay ang pagiging fan ng X-men series.


"Gothic ang theme?" Tanong ni Dane. Tumango si Olivia at napawoah naman si Emma. Napamura silang lahat ng sabay. Even though sanay na silang magdisenyo, kinakabahan pa rin sila. Kahit may mga naexperience silang dark moments, hindi 'yun sapat sa kanila para makadisenyo ng gothic themed clothes. They always design with fun, flirty and fresh colors.


Napatingin silang tatlo kay Gel. Huminga ng malalim si Gel saka nagsalita "There's a lot of things to do. Let's start the work. We can do this."


Ibinigay na ni Gel ang mga paunang instructions para sa kanilang plano at agad naman siyang pumunta sa kaniyang office. Bumungad sa kanya si Hethy na pawis na pawis at may dalang kape.


Napakunot ang noo niya sa nakita. "Baka nalagyan ng pawis ang kape ko." Sabi ni Gel sa seryosong tono. Pero sa kaloob-looban nito ay biro lang ito sa kanyang sekretarya. Gusto kasi ni Gel na ipakita sa mga tao na hindi siya madaling masaktan, na siya'y matapang. Pinapakita lang niya ang kanyang ngiti sa kanyang mga kaibigan, pamilya at sa kanyang sarili.


"H-ha? B-bibili na lang ako ng bago ma'am." Sabi ni Hethy at akmang aalis na nang pinigilan siya ni Gel.


"'Wag na. Gusto ko na talagang magkape." Sabi ni Gel kaya ibinigay kaagad ni Hethy ang kape sa kanyang amo. Ang kape para kay Gel ay isang stress reliever at parte na ng kanyang everyday life. Kapag stress, wala sa mood, galit o naiinis siya, napapaalis o napababa ito ng kape.


Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon