One

130 3 0
                                    

One

Grabe! Gwapo siguro iyong lalake kaya nagkaganoon si Gel! iyon ang nasa isip ni Minzy. Totoo nga pala ang ibang story na nagbabago ang babae dahil sa lalake and vice versa. Hindi niya aakalaing si Gel ay isa sa mga babaeng iyon. Gusto niyang isumpa ang lalakeng gumawa nun. Siguro kung hindi siya sinaktan ng lalakeng iyon ay mabait ang Gel na makakausap niya.

Nakarating na sa kanilang bahay si Minzy. Agad naman siyang tumalon sa sofa at napabuntong-hininga. She survived! Pero hindi niya pa rin mapunta sa kanyang utak ang lahat ng nalaman niya.

"Grabe, ang laki pala ng nagagawa ng lalake sa buhay ng tao." bulong niya.

"Anong sinasabi mo diyan?" napalingon siya sa pinsan niyang 'di niya alam na nasa tabi niya pala. Masyado siyang preoccupied sa mga revelations na hindi niya napansin ang kanyang pinsan.

"Wala." sabi ni Minzy at napahilamos ng mukha. Ba't ba niya pinoproblema ang nalaman niya, eh buhay naman 'yon ni Gel. Pero hindi niya pa rin maalis ito sa kanyang isip. Naalala din niya ang sinabi ng pinsan. "Oy! Sabi mo makulit o mabait 'yong si Gel na iyon. Hindi naman ah. Boring din at saka, nakakatakot minsan." pagsumbong ni Minzy sa pinsan at pinalo pa niya ng unan ang pinsan.

"Mabait naman 'yon at makulit noon." Mahinang sabi ng kanyang pinsan. Malungkot ang tono ng kanyang pagkabigkas kaya nagtaka si Minzy.

Napataas siya ng kilay. "Hello kuya!? Ilang taon ka sa Canada, malamang may magbabago. Sana hindi mo na lang sinabi na mabait siya kasi sheeet! Grabe ang kaba ko kanina, mabuti na lang nga at hindi ako nahimatay. Naku!"

"Siguro sa 'yo lang iyon hindi mabait. Pero mabait talaga iyon."

"Hindi nga eh! Puntahan pa natin ngayon. Hindi! Capital H!"

"Mabait nga 'yon. May kabaitan 'yon, 'wag kang mag-alala. Lahat namang tao may kabaitan sa loob."

"Paano mo ba nasasabi iyan? Close kayo ha? Close kayo?"

"H-hindi. Pero schoolmate ko kasi siya dati. Alam ko mabait siya eh."

"Dati kuya, DATI. Alam mo, mas mabuti pa kung magluluto ka. Gutom na ako. Parang kinuha niya ata lahat ng kinain ko. Ayoko ng bumalik doon. Eeeeh."

-------------------

"Gezel, Narinig ko na may nag-interview sa iyo. Did it go well?" tanong ni Madam Regiele kay Gel. Gezel ang tawag ng kanyang pamilya, pero kilala siyang Gel sa industriya.

Si Madam Regiele Vanx Arandela ang mommy ni Gel. Maputi rin ito, kasingkulay sa balat ni Gel. Kung titingnan mo ang kanilang mata, ilong at mukha ay mahihinuha mo talagang sila'y mag-ina. Siya'y palaging nakataas ang noo at seryoso kung magsalita't kumilos. Minsan lang siya nakikita na ngumiti.

"Yes, mom." tipid na sagot ni Gel. She was never very close with her mom. Casual lang, walang storytime. Hello, How are you, How is it? at Goodbye lang ang kanilang napag-uusapan.

"Baka tinakot mo ang nag-interview ah?" mapagbirong sabi ni Sir Keith, ang daddy ni Gel, sa phone. Siya ay total opposite ni Madam Regiele. Si Sir Keith ay pala-ngiti, mapagbiro at siya ang palahing nagpapasaya sa mood ng pamilya.

Napangiti si Gel. "Hindi dad noh. Pero halatang kinakabahan 'yong babae." kwento ni Gel. Mas close si Gel at ang kanyang dad. Sa kanya nagkwekwento si Gel ng mga nangyari noong elementary hanggang high school. Dito rin niya naman ang kanyang pagiging palangiti at ang pagiging makulit noon. Noon.

"Kailan naman ang susunod niyong fashion show? The people are expecting something fabulous and new. Are you preparing?" tanong ni Sir Keith kay Gel. Gel and her friends' business is called Gold. Hindi lang si Gel ang nagdedesign kundi ang kanyang mga bestfriends.

Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon