Seven ♥
Back to normal days, meaning, back to school again. Kasalukuyan kaming nasa canteen at hindi pa rin tumitigil sa pagtili si Olivia dahil sa kinuwento ko sa kanya na nangyari noong nasa Davao kami. Hindi raw siya makapaniwala, pati nga rin ako eh. I never expected for just three days, something like that would happen. Hindi ko tuloy alam kung papaano siya harapin. Speaking of haharapin, Chemistry class na any susunod. Ngayon lang ata ako papasok doon na kinakabahan.
"Ano ba dapat ang sasabihin ko kapag magkita kami?" Tanong ko kay Olivia. Because I really don't know kung ano nga ba talaga. It was cool between us the last time. Masyado kasing unpredictable minsan si Avix eh, 'di mo alam kung magsusungit o hindi.
"Technically in movies, ang sasabihin ng bida ay Thanks, I really enjoyed the trip because of you." Napasimangot ako sa sagot ni Olivia.
"Ew." Was all that I can say. Never in my mind that I thought of those words. Hindi kasi siya fit kung ganoon ang sasabihin kay Avix. I think I'll end up embarassing myself. "I guess I'll ignore Avix."
"Crush mo si Avix?" Napatalon kami sa gulat dahil sa pagsingit ni Lucien. Sht. Almost had a heart attack! Napatingin ako sa paligid at mukhang normal naman. I guess no one heard what she said. What a relief!
"Ex." Nakangising sabi ni Oli. I rolld my eyes. Ex-crush or crush, I really don't know. I can't define what I feel for him for now. "And mukhang hindi na ex, crush na ulit." Hinayaan ko na lang si Oli sa pinagsasabi niya kay Lucien. I hope hindi malason ang utak ni Lucien para isipin na head over heels na ako kay Avix.
Kasabay nang pagtunog ng bell ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. What should I do?
Pagpasok ko palang sa classroom ay bumungad na sa akin si Avix na nakangiti. Natigilan ako saglit at kumurap. Narinig ko pa siya na sinabing "Hey." Ugh.
Pwede na bang mahimatay? Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking ngiti sa labi. Can't help to be in a good mood, lalong-lalo na nasa good mood rin siya. Naramdaman ko ang kurot ni Olivia na nasa likod ko.
Tila gulat pa ako sa nangyari kaya I waved my hands as a way to say hello.
"Hi!" Rinig kong sabi ni Oli. Akala ko ay susungitan niya si Olivia but he just nodded! Ano bang nakain niya? Nagkatinginan pa kami ni Oli dahil pati siya ay nagtaka.
Dumating na si Ms. Suarez kaya't napaupo na kami. Lumingon ako sa aking kanan at nagtagpo nanaman ang mga mata namin ni Avix. Sadly, he looked away. Naaalala ko pa 'yong araw na halos gusto ko ng gumulong dahil nagtama ang aming mga mata. Pero ngayon, aaminin ko andito pa rin ang kilig pero may iba pa akong nararamdaman. Hindi ko alam kung dahil ito sa gutom or what but, i feel something unusual.
"Okay class, your final project for this year is an atomic model of a compound. Madali lang naman ito kaya you will do it by pair." Nagkatinginan kami ni Olivia. Pairs! "But I'll be the one to choose your pairs." Sabay kaming napasimangot ni Olivia. We always like pairings dahil alam namin na kami talaga ang ipapares. Pinaliwanag pa ni ma'am ang mga instructions at saka ibinigay ang pairings. Napabuntong hininga ako nang marinig ang pangalan ni Oli at ng kanyang partner. Hindi kasi ako sanay na gagawa ng projects na may kapair, other than Olivia.
"Arandela and Gonzaga." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan namin ni Avix. Naramdaman ko ang kurot ni Olivia sa aking braso. Sht? Ba't ba ganito ang nangyayari ngayon?
Sumulyap ako sa kanya at saktong nakatingin rin siya sa akin. He seems to be shocked too. I smile awkwardly pero binawi ko rin ito dahil baka nagmumukha akong tanga. Natapos na ang klase at agad na akong nagligpit ng gamit habang iniisip kung anong unang sasabihin ko kay Avix tungkol sa project namin.

BINABASA MO ANG
Cold-Hearted
RomanceKapag ang puso nasaktan, hindi ba pwedeng ipatuloy kung sino at ano ka? Kailangan ba talagang magbago? Gaano nga ba kasakit? Gaano nga ba kabigat? na naging malamig ang pusong minsan nang nagmahal at nasaktan. Dalawang tao, dalawang buhay na minsan...