One ♥

76 1 0
                                    

One ♥

(Author's Note: Please read para hindi po malito. Sa bawat chapter po na may Heart sign sa gilid, example: One ♥, Eto po ang mga chapters na nangyari noon. Bale PAST po siya. So ipinapakita rito yung mga nangyari noon kay Gel and sa other characters. Okay? Okay. Enjoy reading!)


Gel's P.O.V.


"Wow! Ang ganda naman 'yan!" pagcocompliment ni Olivia sa drawing ko. Ngumiti lang ako sa kanya dahil busy ako sa pagguhit ng mga disenyo ng gown. This is my passion and my skill. Elementary pa lang ako ay nahihilig na ako sa fashion designing, pati na rin si Olivia. . "I think, you should color the gown with gold then yung belt ay pwedeng silver or black." pagsusuggest ni Olivia. Hmm, oo nga no. Isa din sa pinupuri ko sa kanya ay ang husay niya sa pagpili ng mga kulay.


"Nakuha mo na ba?" Excited kong tanong sa kanya. Binigyan niya ako ng isang malawak na ngiti. Oh my gosh! Nakuha niya!


"Oo naman!" proud na sabi niya at ipinakita ang isang pirasong papel. Kuminang naman ang mga mata ko dahil dito. Ohmygosh to the power of 10!! Nakuha niya! At last! I can have my chance!


"Oh my gosssh! Thank you!!" tili ko sabay yakap sa kanyang kaibigan. Humingi kasi ako ng favor kay Olivia na kung pwede ba niyang makuha ang number ng pinakamamahal kong si Avix-beybeh. Barkada kasi si Avix at ang kuya ni Olivia, at dahil gusto rin ni Olivia ang fashion designing, tinanggap niya ang favor ko na kapalit sa pagtuturo sa kanya ng mga konting tips tungkol sa fashion designing.


Kaagad kong kinuha ang papel at tiningnan ang numero dito. Hindi mawala ang malapad na ngiti ko sa aking labi. This is it! Kyaaa!! This is my time to shine! At mas lalo pa akong naexcite nang tumunog ang alarm ko! It means it's Chemistry time!


"Ohmygooossshh! Makikita ko na ulit siya! Tara let's go!" excited kong sabi at saka hinila si Olivia papunta sa chemistry laboratory. Nang pumasok ako ay agad na nahagip ng aking mga precious eyes si Avix. "Ohmygosh! Ayun siya! Kyaaaa." mahina kong tili. Hindi mawala ang ngiti ko sa aking mga labi. 'Ang gwaaaapooo niya talagaa. Haaaay.' ang nasa isip ko nang dumaan siya sa harapan ni Avix.


Si Avix naman ay nakaearphones at busy sa kanyang cellphone pero shet, ang gwapo gwapo niya talaga. Oh my! Si Avix ang kinababaliwan ko-este ang aking one and only super love, Gwapo. Chinito. Maputi. Matangkad. Artistic. Maganda ang Boses. Tahimik. Supla-do, well, konti. Pansin ko sa kanya na palagi siyang nakaearphones at sumusuot ng dogtag.


Panay naman ang lingon ko sa kanya pero mukhang busy nga siya eh. PERO DON'T WORRY! I WON'T GIVE UP ON US even if the skies-ayy teka, kanta iyon.

Dalawang upuan lang ang pagitan namin. Oh diba? Tadhana ang nagpapalapit sa amin. 'Okay na 'to kaysa sa mas malayong pwesto' 'yon ang nasa isip ko kaya lubos-lubusin ko na! Kaya nagtitiis akongg lumingon kay Avix kahit magkastiff neck pa ako ng isang linggo!


"Lumingon ka naman, please oh." bulong ko. Please please please. "Isang lingon lang." O.M.G. Parang naestatwa ako sa aking inuupuan nang biglang lumingon si Avix sa akin at nagtama ang aming mata. Literal na hindi ako makagalaw. Masyadong mabilis ang pagtibok ng aking puso at tila tumigil ang aking paghinga.


OHMYGOSSSSH!!! HE LOOKED AT ME! HE LOOKED AT ME!! KITANG-KITA KO! OMG!! PWEDE NA BA AKONG MAHIMATAY!!?

Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon