Five ♥

35 1 0
                                    

Five ♥

Gel's P.O.V.

It's been two days, pero nagtataka pa rin ako sa ikinilos ni Avix sa cafe. Mukhang may problema ata siya? I really want to help him, and I assure him na malaking tulong si Tito. Hindi ko na siya pinilit, baka mas lalong magalit o mainis pa siya sa akin, enemy na talaga ang magiging tingin niya sa akin. Stranger's better.

"How's the party? Sorry talaga hindi ako nakapunta. Mom said no." I said to Olivia. Tiningnan ko siyang maigi at mukhang wala namang malungkot na nangyari sa party. She was smiling, and she looks happy. Ano nga bang nangyari?

"It's okay. The party's good." Nakangiting sabi ni Oli. Napatango na lang ako at ngumiti na rin.

Nakarating kami sa gymnasium at punong-puno ito ng mga makukulay na booths at mga students. Science Month ngayon and this is just an opening program, I'm sure mas bongga ang activities na magaganap later this week.

"Magpeperform ang The Kix mamaya. Want to watch? Andoon ang crush mo."

"Oh please, I uncrush him weeks ago. Saan nga ba si Lucien? Kumusta naman ang bonding niyo sa party?" Napairap pa ako habang sinasabi kay Oli na 'di ko na crush si Avix. He's more than a sungit slash suplado boy. He's such a cold-hearted person, he might as well think how his choice of words can affect someone.

"Lucien's such a great person. I had a good time with her, sayang nga lang at umalis siya kaagad." Pagkwekwento ni Oli. I want to know what happened between Klyde and her but I hate the sound of his name. I don't like jerks. "Klyde's a great company too. Why don't you know him more so you won't hate him?"

Bad Idea, Oli. "I'd rather stay at home whole day."

"Come on. For me? Please?" Pagpapacute ni Olivia sa akin. Napabuntong-hininga na nga lang ako. Wala na akong magagawa. I can't say no to my bestfriend.

"Are you really happy with him?" I asked her. If she's happy, then I'm okay with it. I saw her nod. "Okay, I'll talk to him." No, I'll strangle him. Uhh..joke? Haays. Kakausapin ko na lang siya at sasabihin na 'wag saktan si Oli.

I can see the joy in Oli's eyes. She's really happy huh? Maybe I'll give Klyde the jerk a chance.

"Sila na!" Tili ni Oli at tinuro ang stage. Nilingon ko 'yon at nakita ko na nakapwesto na doon ang The Kix. Kitang-kita ko rin si Avix na nakasuot ng black jeans at plain blue v-neck shirt, magulo ang buhok niya at 'yon ata ang nakakadagdag ng charisma niya.

Ang gwapo nga niya. Pinukpok ko ang ulo ko. Ano ba? Ayoko na siya maging crush. Napakasungit.

"What's up Rippleston students?!" Sigaw ni Red sa mic kaya humiyaw din ang mga students. Nakita ko pang kumaway si Red sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. May ibinulong pa siya kay Avix at nagtama pa ang mga mata namin. Una na akong umiwas ng tingin, para sabihin na ayoko sa kanya.

Ibinalik ko ang tingin ako sa stage pero nakatingin pa rin sa akin si Avix, teka, sa akin ba? Napatingin ako sa likod ko at may mga babaeng nagtitilian din doon. Sila ba o ako? Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa stage at nakatingin na sa kanyang gitara si Avix.

"Happy Science Month guys! Let's enjoy, have fun and learn something new!" Rinig na rinig ko ang tilian mga babae nang magsalita si Red. Aba, mukhang benta rin si Red ah. "For our first song, medyo luma na 'to guys pero gusto itong kantahin ni Avix, may problema ata 'toh sa lovelife."

Lovelife? May girlfriend ba siya?

Tinapik ni Red ang balikat ni Avix, hudyat para magsimula. "This is for...someone." Nagsimulang magtilian ang mga babae at sinasabi nilang sila daw iyon. Sino kaya 'yong babaeng 'yon? Este someone.

Cold-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon