Twelve
Avix Zander Gonzaga
Hindi ko na naibilang kung ilang buntong-hininga ang naigawa ko. Buong hapon akong nakahiga sa kama at tulala. Kabadong-kabado ako ngayong darating na Sabado. Hindi naman ito ang unang beses na makikita ko siya ulit, in fact I've been secretly watching her from afar. Just like how I watched her when we were in High School.
"Avix! Magsisimula na ang klase!" Narinig ko ang boses ni Red pero hindi ako natinag. Nakatitig lang ako sa kaniya. "Hoy! Sino bang tinititigan mo? Ayy! Si Arandela! ang ganda niya diba? Crush ko rin iyan noon, snob nga lang paminsan. Mukhang anti-boy."
I don't believe in Love at first sight, ang bakla kasing pakinggan. Pero, the first time I saw her, parang kuhang-kuha niya na ang lahat ng atensyon ko. 'Yong parang biglang nawala ang mga tao sa paligid at siya ang naiwan. Kinagabihan non ay hindi ko pa rin siya makalimutan. Her smile while she talked to her friend, her eyes, it might be just physical attraction. Oo, physical attraction lang, wala ng iba.
Pero hindi ko aakalain na mas lalalim pa 'to. Two years, imposible na hanggang crush lang to. I like her, I really do. Okay na sana eh. I was contented by looking and watching her from afar, pero sabi nga nila, mapaglaro si tadhana. Alam kong malayong-malayo kami sa isa't isa. Langit siya, lupa ako...literally, mahirap kami pero dahil gusto ko pang makita siya sa paaralan ay nagsikap at nagtrabaho ako para makapag-ipon ng pera pang-tuition. Siya ang inspirasyon ko.
"Baliw ka na ata sa kaniya ah." Natatawang sabi ni Red habang tinatapik ang balikat ko.
"Hindi pa naman." Pabiro ko ring sabi. "Okay lang naman sa aking magtrabaho."
"Lugi ka naman diyan sa pinagtratrabahuan ko. Ang liit ng sweldo. May cafe si Tita Michelle ko, mostly nga mga working students rin ang nagtratrabaho roon. Medyo malaki rin ang sweldo dahil marami ang dumadayo doon. Baka gusto mo?"
"Kung pwede. Salamat, Red."
Dahil sa estado ng buhay ko ay sapat na para sa akin ang makita lang siya araw-araw, kasi alam kong wala naman akong pag-asa. Until the time when Red encouraged me to be the vocalist of their band, at ginamit pa niya si Gel para pumayag ako. He said that girls mostly like vocalists. Ayoko sana pero naisip ko rin na isa yong paraan para makakita ako ng pera kaya naman ay pumayag ako.
And the day I've been waiting for came. Gel seems to like me. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Pero natatakot ako, kasi mukhang pansamantala lang ang lahat ng ito. Na ang kasiyahan na mararamdaman ko ay mawawala rin.
Chemistry Time, makikita ko naman siya ng malapitan. Kahit maraming babae ang lumalapit sa akin, sa kaniya pa rin dumadapo ang mata ko. Habang nagklaklase ay hindi ko maiwasan na tingnan siya sa gilid ng aking mga mata. Tipid akong ngumiti, nababaliw na ata ako. Minsan kasi nararamdaman kong tinititigan niya ako. Assuming talaga ako. Sige lang, Avix, umasa ka lang. Masasaktan ka talaga.
Lumingon ako sa kaniyang banda at nagtama ang aming mga mata. Mukhang tumigil ang puso ko dahil doon, at natigilan rin siya. Namula siya kaya napakunot ang noo ko, why would she blush? Umiwas ako ng tingin at tumingin sa kung anong nasa likod ko. Sinigurado ko munang ako ang tinitigan niya. Wala namang iba. Napangiti ako. I made her blush and she's so cute when's at it.
That made my day. At simula non ay sunod na sunod na ata ang natatamo kong swerte. Nagpapasalamat nga ako kay Red dahil inimbitahan niya kami nina Howard sa kaniyang bahay, the same day na pupunta sila Gel para sa kanilang proyekto.
BINABASA MO ANG
Cold-Hearted
RomansaKapag ang puso nasaktan, hindi ba pwedeng ipatuloy kung sino at ano ka? Kailangan ba talagang magbago? Gaano nga ba kasakit? Gaano nga ba kabigat? na naging malamig ang pusong minsan nang nagmahal at nasaktan. Dalawang tao, dalawang buhay na minsan...