Kabanata 21
TAHIMIK lang akong naka upo sa hospital bed habang si, Dad naman ay kanina pa pabalik balik sa kinatatayuan niya. He look so frustrated at ang lalim ng iniisip niya habang ako naman ay naka tingin lang sa kanya. Para tuloy akong mas mahihilo habang pinag mamasdan siyang pabalik-balik sa kaniyang nilalakaran. Kulang nalang mahimatay siya dahil di na naman siya mapakali.
"So you're pregnant again?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. "And who's the father?"
Alam ko kung bakit ganito nalang siya ka balisa dahil kagaya noon ay kasama ko siyang na trauma nong sinabi sakin ng doktor na nakunan ako. Pero thankfully ngayon nararamdaman ko parin ang sanggol saking sinapupunan.
Tumahimik lang ako at di sumagot. Naalala ko iyong nangyari sa bar, parang naulit ang naging nangyari nong nagsimulang nagbago ang ikot ng mundo namin ni Lander.
It's look like the history repeat itself.
"Is it, Lander?" Tumango lang ako ng kaunti bilang tugon sa kaniyang katanungan. Hinding hindi ako makaka tanggi pa sa mga tanong ni Dad lalo na't si, Lander lang ang alam niyang lalakeng kasama ko. Otherwise, he also deserve to know everything now. "Does he know about this?"
Umiling na naman ako sa kaniyang naging katanungan ng ikina salubong naman ng kaniyang kilay. Hindi ako maka sagot kasi parang nanghihina ako kahit pa ulit-ulit kong naaalala ang nangyari kagabi. Di ako maka move on sa mga nakita ko. Para na naman akong nadudurog isipin na may ibang humahawak at humahalik sa taong mahal ko.
Gusto kong isipin na baka lasing lang siya at hindi niya sinadadya. Pero kailangan pa niyang mag lasing na hindi man lang nagpapa alam o inisip na merong taong naghihintay sa kaniya pauwi. Ang sakit lang isipin na hindi niya man lang ako naisip sa panahong iyon.
Kung hindi pa ako tinawagan ni Levi hindi ko malalaman. Tapos makikita ko lang siyang merong babaeng kasama at kahalikan. Sana lang talaga na mali itong pag aakusa ko. Na hindi niya alam ang nangyayari kagabi. But I can't help it, nasasaktan pa rin ako.
"Levi told me what happened last night!" Napatingin naman ako kay, Dad. Anong sinabi ni, Levi sa kaniya. "He told me that na sinusundan mo raw si Lander and you caught him with another woman. Is he cheating on you? Tell me anak ng masimulan ko ng turuan ng leksyon ang lalakeng 'yan!" Galit niyang sambit.
"D-Dad, please don't! Hayaan mo akong ayusin 'to!" Nagmamaka-awa ako sa kaniya kasi alam ko kung paano si Dad gumalaw lalo na't marami siyang kakilala at koneksyon. Maaring meron siyang magawang masama kay Lander kung sakali.
"Siya din ba ang ama nong una mong pinag bubuntis?" Galit na sigaw ni, Dad.
Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang, dahil kailangan niya na talagang malaman ang lahat-lahat pagod na akong kimkimin ang mga sekretong matagal ng nakabaon. Para na akong sasabog sa sitwasyon ko ngayon.
"D*mn that son of a b*tch! From now on you must stay away from him. Di na siya makaka lapit pa sa'yo! Hinding-hindi ako makaka-payag na siya ang mamanugangin ko, Kester!" Tiyaka siya umalis at lumabas na ng silid.
Napatingin nalang ako sa aking mga kamay habang lumuluha. Dahil sa galit ni, Dad naglagay siya ng gwardya dito sa labas ng kwarto ko at gaya ng sabi niya, Lander was not allowed to enter this room ni kahit isang silip lang mula sa pintuan ay pinagbabawalan. Kaninang umaga pa siya sigaw ng sigaw sa labas para lang maka usap ako dinig na dinig tuloy sa buong hospital ang aking pangalan.
Pero hinding hindi ko pa siya kayang harapin. I deserve explaination but I don't need it for now. Masama parin ang loob ko and I need some time para magpa lamig. Pero di ko iyon magawa kung patuloy kong naririnig ang lalakeng patuloy na sumisigaw sa labas at pilit akong kinakusap.
BINABASA MO ANG
Childhood Lust (MB #1- REVAMPED)
General FictionSynopsis "CHILD HOOD LUST" -Lander Montiguido [Mpreg] Kester had always been receptive to people, especially since his own family had neglected him as a child. He believes that fighting alone is vital, thus he must do all of it, not until he meets s...