Kabanata 29
MABIBIGAT ang bawat talukap ng aking mga mata. Kumikirot parin ang ulo ko, di ko alam kung nasaan ako ngayon basta ang huli ko lang na naalala ay nasa mansion kami ng pamilya ni Lander. Teka nasaan si Lander?
Agad napamulat at tyaka dumaloy ang pangamba sa aking buong katawan, lalo na sa batang nasa sinapupunan ko, kinapa ko ang aking tyan at hinimas-himas. Kailangan 'kong magpakatatag, isang mabigat na suliranin ang kahaharapin ko ngayon at sa amin ni Lander.
Unti-unti akong gumagalaw para bumangon at kinusot ko ang mga mata ko dahil medyo malabo ito. Nanghihina ang buo kong katawan dahil sa nangyari nong tinakpan ng isang hayop na si Levi. Nang medyo bumuti na ang aking pananaw, bumungad sa akin ang madilim na kwarto at tanging ilaw ng bombilya lamang ang nagsisilbing ilaw sa buong silid.
"M-May tao ba diyan!" Naririnig ko ang aking malalim na hininga. "Levi, hayop ka. Magpakita ka!"
Di ko alam kung nasaan ako ngayon, saang lupalop kaya ako dinala ng lintek na Levi. I don't even know kung gabi na ba or umaga na di ko alam kung anong oras na. Ang nasa isip ko lang kailangan kong mahimas masan.
"Pakawalan niyoko!" Ngunit ni isa ay walang sumagot o isang ingay man lang akong narinig. Sobrang hina din ng katawan ko. "Parang awa niyo na!" Kulang nalang umiyak na ako ngayon.
Kinakabahan na ako. I know pakana to lahat ni, Levi. Simula pa noon alam ko nang mayroon siyang hindi mabuting gagawin. Dapat pala noon palang nilubayan ko na ito. Tanging siya lang ang huli kong nahagilap bago pa ako nawalan ng malay kagabi at sigurado akong siya talaga iyon.
Hinimas ko ulit ang aking tyan at sa kabutihang palad hindi naman ito kumikirot, wala akong naramdamang sakit at ramdam ko na nasa loob parin ang anak ko.
Pilit akong umuupo sa kama dahil nanginginig pa aking katawan ng biglang mayroon akong narinig na mga mabibigat na yapak patungo sa silid kung saan ako ngayon naroroon. Napamura ako sa aking isipan, I know It's him. Siya na ito dahil nararamdam ko ang madilim niyang presenya.
Levi's face appeared after he entered the room, he immediately smiled so wide when he saw me. Ang tamis ng kanyang ngiti na wariy malilinlang ka talaga na isa itong mabuting tao. Ngayon alam ko na ang tunay niyang paguugali pakana niya itong lahat at pati ang aking ama ay napaikot niya. Akala ko si Lander na ang pinakabaliw na taong nakilala ko hindi pala. This one is a psychopath, malala na ang sira niya sa utak.
"What's with that bothered face my love?" Humakbang siya patungo sa gawi ko. "Don't be bothered I am here now."
Umatras ako ng mga ilang sandali at pilit lumalayo sa kaniyang tapat. Umupo siya kama habang ako naman ay napaatras habang tinatakpan ang katawan. Humarap siya sa gawi ko. Hinawakan niya ang aking hita at tinapik ko naman agad ito. Nandidiri ako, hinding-hindi ko padadapuhin ang madumi niyang balat sa akin.
Hinawakan niya akong muli pero sa pagkakataong ito hindi ako makapumiglas. Masyadong mahina ang aking katawan dulot ng aking naamoy kagabi, kaya wala akong lakas na manlaban, tumakas o tumakbo man lang. Isa pa hindi ko rin naman alam kung saan ba dapat ako tutungo.
"Huwag mo ng subukan pang lumaban—"
"Don't touch me!" Matapang kong angal.
Tumayo siya at namulsa at tinitigan ako ng maigi, nawala ang kanyang matamis na ngiti. "I'm looking forward how good in bed you are. You look gorgeous right now by the way." Lumapit ulit ito saken at hinimas ang pisnge ko. Umiling ako para umiwas pero pwersahan niya itong kinuha paharap sa mukha niya. "Ang ganda mo talaga, Kester. Damn that Montiguido is so lucky."
BINABASA MO ANG
Childhood Lust (MB #1- REVAMPED)
Fiksi UmumSynopsis "CHILD HOOD LUST" -Lander Montiguido [Mpreg] Kester had always been receptive to people, especially since his own family had neglected him as a child. He believes that fighting alone is vital, thus he must do all of it, not until he meets s...