Kabanata 18
KINAKABAHAN ako habang naka harap sa pintuan at nag dadalawang isip kung bubuksan ko ba ito o hindi. Kanina pa kasi kumakatok si Dad sa labas nitong pintuan at kanina ko lang din naa pinag sasabihan si Lander na mag tago at huwag na huwag magpapakita pero ayaw talagang sumunod.
Naisip ko nalang na pag buksan si Dad ng pinto ayaw ko rin naman pag hintayin ito sa labas. Nang nabuksan ko na ang pinto bumungad sakin ang pagod na mukha ni, Dad. Yumakap siya sakin at hinalikan ako sa noo.
"How's the flight, Dad?" Kakauwi lang kasi dito ni papa sa Pilipinas galing sa kompanya niya doon sa Canada. Siguro pagod na pagod siya at merong jetlag.
"It was fine but I'm kinda tired!"
Pumasok na siya ng tuluyan at kinuha ko naman yong mga dala niya at inilagay ito sa lamesa ng sala. Tinignan niya ang buong bahay ko ay sinusuri ito tila may hinahanap.
"Uhm, Dad may kailangan po ba kayo?" Kinakabahan kong tanong habang naka harap sa kanya.
Napahawak siya sa kaniyang baba at hinimas himas ang mga maiksing bigote nito. Tinignan niya ako na may pagtataka habang ako naman ay kinakabahan. Hinimas ko ang tiyan ko at pinakalma ang mga maliliit ng bagay na kumakalikot sa aking tiyan.
"May kasama ka ba dito?" Tanong niya. Napansin siya siguro ang pagbabago. Napansin niya kasi ang isang pares ng sapatos sa ilalim ng lamesa nitong sala. Lintek na Lander dito pa talaga nilagay. "That's not yours right? Kanino 'yan?" Malaki kasi ang size ng sapatos kaya di kapani-paniwala na sa akin iyon dahil maliit naman ang size ng mga paa ko.
"Actually, Dad-" sasagot pa sana ako ng may tumawag sakin.
"Kester!" Tawag ni, Lander mula sa kusina.
Napatingin naman ako kay, Dad ng deretso. Tinignan niya ako na may halong nakakalokong ngiti na may halong pagtataka. Tila ang pagod niyang ekpresyon kanina ay biglang naging hyper at excited.
"That voice sound familiar? Siya na ba napili mo nak? Ba't di mo sinabi sakin na mag live in partner na pala kayo!?"
Nabuntong hininga nalang ako at napakibit balikat. Pumunta siya sa bandang bukana papuntang kusina mabilis ang mga hakbang niya papunta roon, tila excited na makita ang lalaking kinakasama ko dito sa bahay.
"Dad, you want something to drink?" Tanong ko at lumapit dito. Ngunit nang nakalapit ako narinig ko pa ang usapan nilang dalawa.
"Yup! Give me one cup of brewed coffee. I want handmade without using machine iyong puro ang pagkakagawa. Make it the best coffee in the world." Sabi ni papa na tila naghahamon habang naka titig kay, Lander. Na may mga kinakalikot sa kusina. Nagluluto pala siya ng uulamin namin. Pero siya pa ata ang nautusan na gawan siya ng kape.
Ang oa naman ni Dad. Dati naman na ako 'yong nag titimpla sa kaniya ng kape wala na siyang mga sinasabi pa hinahayaan nalang akong ipag timpla siya dahil sigurado siyang sinasarapan ko ang pag gawa nito. Pero ba't dito kay Lander nagkaroon agad siya ng standard.
"Just give me a minute to do your coffee, Sir. I'm gonna make it special for a special employee!" Sabi ni, Lander at sumaludo pa sa ama ko, di ko mapigilan ang matawa 'apaka oa nila kala mo talaga ang seseryoso may pa 'special employee' pang nalalaman kala mo nag ne-negosyo. Feeling close? "Pag ba sinarapan ko 'to papayag na ba kayo na pakakasalan ko ang anak ninyo?"
Napiling nalang ako sa sinabi niya. Natawa naman ng kunti si, Dad sa sinabi nito.
"You're funny and silly youngman, pag may nagawa ka talagang masama rito sa anak ko. Baka sa hukay ka nalang matatagpuan ng pamilya mo!" Sagot ng aking ama na may panghahamon.
BINABASA MO ANG
Childhood Lust (MB #1- REVAMPED)
Ficção GeralSynopsis "CHILD HOOD LUST" -Lander Montiguido [Mpreg] Kester had always been receptive to people, especially since his own family had neglected him as a child. He believes that fighting alone is vital, thus he must do all of it, not until he meets s...