Kabanata 3

10.7K 388 21
                                    

Kabanata 3

Adonis G Bar

HABANG nakikinig ako sa mga kalokohang pinagsasabi ni Matilda, iyong mga naiisip ko naman parang nawawala nalang bigla. Dulot lang siguro ito ng aking matinding antok.

Masyado kasi akong nag paka busy kagabi sa pag a-assign ng new products sa aking shop. Kailangan kong maka isip agad-agaran ng mga ibebenta na papatok sa panlasa ng mga magiging costumer lalo na sa mga estudyanteng napapadaan dito. Karamihan kasi sa mga nagiging costumer ay mga kabataan. Kaya dapat makaisip ako agad ng bagong produkto at flavors ng mga kape at desserts dahil hindi naman always mabilis ang benta kailangan din may update para naman hindi nakaka umay. We need to do some innovations incomes to business.

"Kester, ayos kalang ba?"  Narinig ko ang boses ni Matilda sa kanyang naging tanong. Kahit parang gusto ko ng humiga't tumihaya at matulog nalang ng payapa dahilan sa pag pagod sa trabaho.

"Huh? Oo, inaantok lang ako bakit?"

"Tamang tama." Pumalakpak pa siya sa tuwa kaya tumaas bigla ang kaliwa kong kilay sa pagtataka. "Para magising ka, let's have some drink mag ba-bar tayo. "

Parang ang saya-saya pa niya sa kanyang naging suggestion na akala niya ikinatuwa ko naman sobrang excited pa niya sa kanyang naiisip. By the way nag mamaneho kami ngayon ewan ko ba kung saan kami patutungo sinusundan ko lang naman ang babaing 'to sa gusto niya o sa kung ano mang trip na naiisip niya. At di ko din alam ba't ako sumama. Wala din naman akong magawa tiyaka boring kung mag isa lang ako dun sa apartment baka mabaliw nalang ako bigla sa sobrang nakakabinging katahimikan.

Minsan kailangan din natin ng maiingay na kaibigan. They're also like our vitamins , kailangan din natin ng mga taong kalog na magpapa tawa sayo bigla, dahil kapag ang mga ganitong klaseng tao ay mawawala sa buhay mo parang nawalan ka na din ng companion.

"Kalokohan mo na naman!" Sabi ko at bumalik na sa ginagawa. Nag ngising aso siya. Actually, wala naman akong balak tanggihan ang gusto niya. She also has a point. Maybe makakatulong ang alak para maibsan itong antok. Iinom lang naman ako wala ng ibang gagawin. Tinignan ko siya muli pero di ko pala namalayan na sa akin na pala din siya nakatingin. Alam ko ang tingin na 'yan may naiisip na naman ang gaga.

"Ano?" Taas kilay kong tanong.

"Sungit, G naba?" Sabi niya tyaka siya ngumuso. Muli ko na namang sinandal ang ulo ko sa bintana ng sasakyan.

"Sasamahan na nga lang kita!" Umiiling iling lang ako habang siya naman ay nagmamaneho. "Sa'ang bar tayo?" 

Tanging kami lang dalawa  ni Matilda ang tandem as always dahil siya lang din naman ang taong ka close ko simula po noong panahong lugmok ako. Siya ang naging karamay ko 'nong pumunta ako ng ibang bansa. Nakilala ko siya sa nilipatan 'kong paaralan overseas buti nalang talaga pinay ito.

Tumawag din si Dad kanina hindi muna niya daw ako ma bibisita dahil may schedule siya sa kanyang ka business partner. Kaya wala ng ikakabahala. Free ako hanggang gabi, walang maghahanap wala ding magagalit.

"Ano kasi, Kester. Alam mo yong bar na sikat ngayon dahil sa malaking pasahod?" Tila tuwang tuwa pa siya. At hindi naman ako interesado kung ano ba ang gusto niyang sabihin. "Iyong uso ngayon sa socmed madaming chupapi dun bhie."

"Hindi, at wala akong balak alamin."

Medyo tinatamad ako ngayon at kung ano man iyong pinaplano niya I hope naman makatulong iyon na mawala itong kaantokan ko. Baka mamaya niyan I-rereto na naman ako sa kung sino sino iyon ang part na pinaka hate ko sa kanya ang pagiging mahilig maghanap ng lalake para ibigay sakin. Nong nasa ibang bansa pa ako binibigyan niya ako ng ka blind date pero ni isa walang nagtagumpay.

Childhood Lust (MB #1- REVAMPED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon