Samara

36 1 0
                                    

Liriko 2 - The Knockouts Entry

__________

SAMARA

DUMAGUNDONG ang pagsara ng pintuan sa silid ni Reyna Samara nang umalis ang isa sa kaniyang tapat na tagapaglingkod pagkatapos maghatid sa kaniya ng isang 'di magandang balita. Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang pinakamamahal na trono at pumunta sa gitna ng malaking silid kung saan naroroon ang isang malaking palayok.

Sinilip niya ang laman noon at nakita niya sa malinaw na tubig ang sariling repleksyon. Mahahabang itim na buhok, mapupulang mga labi, matangos na ilong at nanlilisik na mga mata. Ang hitsurang ginagalang at kinatatakutan ng bawat nilalang sa buong kaharian. Ang reynang handang parusahan ang lahat ng lumabag sa kaniyang kagustuhan at kautusan – walang sinuman ang maaaring gumawa ng kabutihan.

Inihulog niya sa malaking palayok ang kapirasong telang nakuha ng kaniyang tagapaglingkod mula sa damit ng nilalang na sinasabi nitong lumabag sa kaniyang kautusan, at kaagad na lumutang sa malinaw na tubig ang larawan ng isang lalaki kasama ang isang pamilyar na dalaga. Si Arabella ang dalagang iyon, ang kaniyang nag-iisang anak. Nakita niya ang buong pangyayari mula sa kaniyang palayok. Nakita niya kung paano iniligtas ng lalaki si Arabella mula sa mabangis na leon sa gitna ng kagubatan.

Naiyukom niya ang kaniyang kamao. Isang dayo... isang dayo pa ang sumusubok sa kaniyang kapangyarihan at hinding hindi niya ito palalampasin. Kinuha niya ang libro ng salamangka at binuksan ito sa pahinang nais niya. Hindi na siya nagdalawang isip pa't binasa kaagad ang mga nakasulat doon.

Eleka nahmen nahmen Ah tum ah tum eleka nahmen...” Hindi alam ni Samara kung paano niya nababasa ang mga iyon. Simula nang ibigay ang librong iyon sa kaniya ng isang ermitanyo ay siya lang ang nakakabasa ng mga nakasulat doon. Marami na siyang nahuling nagtangkang basahin ito ngunit walang ni isa sa mga ito ang nagtagumpay. Nakapagtataka man ay hindi na niya ito pinansin pa. Ang mahalaga, dahil do'n ay siya ang naging pinakamakapangyarihang nilalang sa kanilang kaharian.

Matapos basahin ang kakaibang mga salita, dalawang mababangis na leon ang lumantad sa kaniyang harapan. Mas malalaki ang mga ito kumpara sa mga orinaryong leon sa kagubatan. Sa laki nito'y maaari na itong lumulon ng isang tao o higit pa. Ang nakasimangot na bibig ni Samara'y napalitan ng isang mataas na ngisi. Perpektong perpekto, ang sambit nito sa kaniyang isipan.

“Humayo kayo't parusahan ang hangal na lalaking lumabag sa aking kautusan. Siguraduhin niyong mapupunit ang mga balat nito, maliligo sa kaniyang sariling dugo, at dadaan muna sa matinding sakit at paghihirap bago bawian ng buhay.” Parang taong tumango ang mga leon na tila ba'y naintindihan ng mga ito ang lahat ng sinabi niya at mabilis na tumakbo palabas ng kaniyang silid.

Sa paglabas ng mga ito ay ang pagpasok naman ni Arabella. Nakakunot ang noo nito at tuloy-tuloy na lumakad patungo sa ina nang hindi man lang bumati. Sinilip nito ang laman ng malaking palayok nang tuluyan itong makalapit, at napababa ang balikat sa nakita.

“Tama nga ang hinala ko,” mahinang usal nito at tiningnan ang ina nang puno ng hinanakit. Hindi ito makapaniwala sa kalupitan niya. “Dapat talaga'y hindi ko na siya hinayaang ihatid ako sa palasyo dahil alam kong makakarating kaagad sa 'yo ang balita,” dugtong nito na may diin sa bawat salitang binigkas.

Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon