Survivor Wattpad - Round 3 Entry
__________
Tenacious Ynna
“Hindi na kita kailangan dito, makakaalis ka na. You're fired!” Napasapo ako sa noo ko matapos kong sabihin ang mga katagang hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko nang sinabi sa iba't ibang empleyado ko.
“Pero Miss Ynna--” Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya. Tumayo na ako't lumabas ng opisina, ayaw ko nang marinig pa ang pagmamakaawa niya. Ilang ulit ko na rin kasing narinig ang mga 'yon, kesyo mahalaga raw sa kanila ang trabaho nila, kesyo mahirap na raw makahanap ng ibang trabaho, kesyo kailangan nila ng pera para sa pamilya nila, at marami pang ibang dahilan na paulit-ulit ko nang naririnig.
Sari-saring bulungan ang narinig ko sa paglalakad ko palabas ng building ng sarili kong kumpanya. Inaasahan ko na 'to kaya nagkunwari na lang akong wala akong naririnig.
“Grabe. Last week lang si Sir Dave ang tinanggal niya, ngayon naman ang kawawang si Karen.”
“Hindi naman mabigat 'yung maling nagawa nila 'di ba?”
“Nako, mabigat man o hindi ay matakot ka na! Walang puso 'yang si Miss Ynna e.”
“Witch talaga!”
Tuluyan ko nang hindi narinig ang mga pinagsasabi nila nang makalabas ako. Napatigil ako sa paglalakad at huminga nang malalim. Bakit ba ang hilig nilang manghusga? Akala mo kung sinong mga perpekto. Sila kaya ang lumugar sa lugar ko? Hindi ko naman ginusto 'yon, iniutos lang 'yon sa'kin.
Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy na lamang ang paglalakad. “Aray!” Napatingin ako sa paanan ko. May bato pala? Bakit hindi ko kaagad nakita? Napatid tuloy ako. Tumingin ako sa paligid. May nakakita kaya? Kinuha ko ang shades mula sa bag ko at sinuot ito. E ano naman kung may nakakita? Bakit 'di pa ba sila natalisod sa buong buhay nila?
“Ayos ka lang ba? Kailangan mo ba ng tulong?” Oh my! May nakakita sa'kin? Napalunok ako, bago ko marahang nilingon ang nagsalita. Si Prince pala, emplayado ko.
“Oo naman!” mabilis kong sagot. “Hindi naman ako nadapa e,” dugtong ko pa bago ngumiti.
“'Yun nga e. Hindi mo man lang hinayaang madapa ka, para malaman mong may tao namang tutulong sa'yo para 'di ka bumangon mag-isa.”
“Mahirap din umasa sa tulong Prince, sapat nang may nagtatanong sa'yo kung okay ka lang ba.” Nagtataka man ako sa mga pinagsasabi niya, sinagot ko na lang din siya't umalis na. Stressed na nga ako sa trabaho, stressed pa ako sa mga tao sa paligid ko. Gusto ko nang umuwi, at magpahinga.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama pagkarating ko sa bahay. Ipinikit ko ang mga mata ko, pero bago pa ako tuluyang kainin ng antok ay narinig ko na naman ang boses na pinakaayaw ko. Ang mga boses na wala namang ibang sinabi kundi puro pandidikta. Ang boses ni Reyna Tasya, ang lola ko, at ang boses ni Haring Anton na siya namang lolo ko.
Idinilat ko ang mga mata ko para makita ko sila sa malaking picture frame na nakasabit sa dingding na katapat ng kama ko. Isang hari at reyna na parehong nakasuot ng pula ang nasa loob ng picture frame. Sampung taong gulang ako no'n nang mawala sa'kin ang pinakamamahal kong mga magulang. Naiwan akong mag-isa sa bahay na 'to, luhaan. Noon ko natuklasan ang lihim sa likod ng malaking portrait na nakasabit sa dingding ng kwarto nina Mama at Papa.
BINABASA MO ANG
Contest Entries
De TodoWriting contest entries from different Wattpad writing contests. Some are successful, most are failed.