PAGHIHIGANTI
WALANGbuhay na katawan ni Pearl ang bumulaga sa 'kin nang buksan ko angpintuan ng kwarto niya. Nakabitay ang leeg nito sa isang makapal nataling nakasabit sa kisame habang kita ko pang may tumutulong dugomula sa pulsuhan nito sa kaliwang kamay.
Napasinghapako't napatakip ng bibig. Diyosko, ano'ng ginawa ng kapatid ko? Mabilisakong tumakbo patungo sa direksyon niya't dali-daling tinanggal siyamula sa pagkakasabit. Unti-unti nang nawawalan ng init ang kaniyangkatawan, kailanpa ba siya nakasabit dito? Hindiko na tuloy alam kung paano siya hahawakan nang hindi dumadaloy angmala-kuryenteng sakit sa dibdib ko dahil sa kaniyang sinapit.
"Pearl, bakit? Bakitmo kailangang gawin 'to? Sinabi ko namang kaya mong lampasan anglahat ng pagsubok 'di ba? Bakit hindi ka nakinig sa 'kin?" sambitko sa pagitan ng aking mga paghikbi. Niyakap ko ang walang buhay nakatawan ni Pearl. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit na halos'di ko na siya kayang bitiwan, dahil sa oras na gawin ko ito'y alamkong hindi ko na siya mayayakap nang gano'n muli.
Mahal na mahal ko angkapatid ko dahil siya na lamang ang natitira kong pamilya at ngayonay pati siya'y nawala na sa 'kin. Sino na lang ang gigising sa 'kinsa tuwing male-late na ako sa trabaho? Sino na lang ang magpapaingayng bahay na 'to? Sino na lang ang mag-aalaga sa 'kin kapag may sakitako? Sino ang makakasama ko sa pagkain, pagtawa, at panunuod ngpaborito naming movies? Kanino na lang ako maaring magkwento atmagtago ng mga sikreto?
Isang nakatuping papelang umagaw ng pansin ko na siyang nagpabitaw sa akin sa akingkapatid. Kinuha ko 'yon at hindi na ako nagulat nang makilala angsulat ni Pearl at makita ang pangalan kong nakasulat sa ibabaw nabahagi ng papel.
Sherinne,
Alamkong masasaktan ka sa naging desisyon ko, pero hindi ko na kaya. Satuwing iniisip ko ang bintang sa akin ng mga tao, lalo na ngprosecutor na 'yon, pakiramdam ko'y mamatay na ako sa sama ng loob.Para akong pipe na kahit magsalita ay walang nakikinig. Na kahitmaputol na ang ugat ko sa lalamunan para isigaw na, "wala akongkasalanan at hindi ako mamamatay tao" ay hindi pa rin 'yonmangingibabaw sa makitid na utak ng mga tao.
Masmabuti pa sigurong lumisan na lang sa malupit na mundong ito kaysamabulok sa kulungan kahit na wala akong kasalanan. Kung mapunta manako sa ilalim, at least alam kong deserve ko ito dahil sa malakikong kasalanan sa Diyos.
Sanamabigyan pa ng hustisya 'yung taong ibinibintang nilang pinatay ko.Sa ganoong paraan, mabibigyan na rin ng hustisya ang desisyon kongito. Goodbye, Sherinne. I'm sorry.
~Pearl
Angsakit at lungkot sa puso ko'y napalitan ng poot at galit. Nang dahilsa kanila kaya 'to nagawa ni Pearl. At marami man sila, alam ko kungsino ang numero-unong nagtulak sa kapatid ko para magpakamatay. 'Yungnumero-unong nagdidiin sa kaniya sa kasong kaniyang kinasasangkutan.
Napatingin ako sabangkay ni Pearl na nakahandusay sa sahig. "'Wag kang mag-alala,Pearl. Ipaghihinganti ko ang pagpanaw mo. Hindi maaaring walangmasisi sa sinapit mo dahil hindi ako matatahimik at alam kong ikawrin."
BINABASA MO ANG
Contest Entries
RandomWriting contest entries from different Wattpad writing contests. Some are successful, most are failed.