Que Sera Atesorado

23 0 0
                                    

QueSera Atesorado



"Arteries,check. Pulmonary veins, check. Venae Cavae, check. Aorta, check,"pagbigkas ko sa mga pangalan ng ugat na isa-isa kong pinuputolhanggang sa matagumpay kong makuha ang puso ni Elyssa – ang babaengnakahanduusay na sa harapan ko.


Kakaibang saya angdulot sa akin ng aking ginawa. Parang kinikiliti ang ilong ko dahilsa amoy ng dugo at ang sarap naman sa pakiramdam ng pagkakapatong ngpuso nito sa palad ko, pero wala nang mas sasarap pa sa napakinggankong sigaw ng sakit at pagmamakaawa habang tinatanggalan ko ito ngbuhay.


Iyon lang angnababagay rito. Dapat lang na kinuhanan ko ito ng puso dahil walangpuso itong nilalang. Hindi nito matanggap kung anong klaseng tao ako,kung ano ang mga gawain at paniniwala ko sa kabila ng pagmamahal nainialay ko rito. Kinamuhian ako nito kahit na sinabi kong handa koitong iligtas sa kapahamakan.


Wala na talagang ibangtao ang kayang magmahal sa 'kin, tulad ng pagmamahal na ipinadamaniya sa 'kin. Siya lamang ang nag-iisang taong nakatanggap sa akin.Na masaya sa tuwing nasisiyahan ako sa mga ginagawa ko. Na proud pasa tuwing nagagawa ko ang mga bagay na hindi kayang gawin ng iba.Siya lang at hinding-hindi na ako makakahanap ng katulad niya.


Matapos kong iligpitang bangkay at itapon sa liblib na damuhan ay pinuntahan ko ang lugarkung saan palaging ko siyang binibisita. Sa isang sementeryo kungsaan naroroon ang puntod niya. Isang taon makalipas nang mawala siyasa akin matapos kong magising sa isang ospital dahil sa pagkakabanggasa akin ng isang sasakyan ay nakita na lang namin ang bangkay niya nahalos hindi na makilala sa isang damuhan malayo sa bahay namin.


Ginawa ko ang lahatpara matunton ang taong gumawa no'n sa kaniya, pero hanggang ngayonay bigo ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nabibigyan nghustisya ang pagkamatay ng taong pinakamamahal ko.


Hindi sapat angkapulisan para mahanap ang salarin kaya naman hindi ko na sinayang paang sariling oras at lakas. Ako na mismo ang kumilos at sa huli, akona lang rin ang natira. Ang lahat ay napagod na at ang karamihan aynawalan na ng pag-asa. Sinasabi nilang kikilos sila pero hanggangngayon ay wala pa rin silang naitutulong sa akin.


"Ano na? David?Hindi mo pa rin ba nahahanap ang taong nagdulot nito sa kaniya?"Isang boses ang nagpalingon sa akin sa likuran at nakita ko ang isanglalaking nakasuot ng itim na jacket na mas lalong nagpalitaw sasobrang puti nitong balat kahit na madilim na ang paligid. Lalakingkinamumuhian ko. Lalaking simula pa lang ay karibal ko na sa kaniya.


"Sinabi mong ikawang bahala 'di ba? Sinabi mong 'wag akong mangialam. Mag-iisang taonna, David. Nauubos na ang pasensya ko. Nasaan na ang mgaipinagmamalaki mong kapulisan? Kung hindi mo sila kayang pakilusin,hayaan mo na akong gumalaw," ani nito at umalis na rin kaagad. Nihindi man lang ako binigyan ng pagkakataon para magsalita.


Hindi na lang akopumalag. Siguro nga mas magandang hayaan ko na siya. Mas mapera siyaat kayang-kaya niyang pakilusin ang natenggang kapulisan sapaghahanap ng kriminal. Ganoon naman talaga gumagalaw ang bansangito. Kapag mas mayaman ka, mas makukuha't magagawa mo ang gusto mo.


Umupo na lamang ako satabi ng puntod niya at hinayaang pakalmahin ang sarili ko. Matindinggalit ang nararamdaman ko. Galit para sa mga babaeng sinubukan kongmahalin, pero sa halip na mahalin ako pabalik ay kinasuklaman ako.Galit sa mga walang kwentang pulis. Galit kay Philip na hindi komagawang saktan sa ngayon dahil aminin ko man o hindi ay siya lamangang mamatulong sa akin. Ang huli ay galit para sa sarili ko dahilkahit gawin ko ang lahat ng makakaya ko ay wala naman talaga akongnagagawa. Galit na galit ako sa maraming bagay na gusto kong pumatayng tao.

Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon