Pakpak ng Tagumpay

43 0 0
                                    

Battle of Short Stories (BOSS) Season 2 - Round 2 Entry

__________

Pakpak ng Tagumpay

Teritoryo'y iisa, lahi'y magkaiba,

Kung kaya't hari'y 'di maaaring dalawa.

Laban ng lahi'y sisiklab,

Pagmamahal sa mga kauri'y mag-aalab.

Lobo at agila,

Isa lamang ang matitira.

Lahi ng pangalawa'y malapit nang mawasak,

Mabuti na lamang sila'y may pakpak.

SIKAT na sikat ang tulang ito sa lahat ng uri ng agila, mapa-bata man o matanda. Ito kasi ang palatandaan ng kanilang kahanga-hangang abilidad. Abilidad na dahilan kung bakit patuloy na dumarami ang kanilang lahi at patunay na kailanma'y walang makakapantay sa kanila kahit pa ang mga lobo.

Isa ang lobo sa mortal na kaaway ng mga agila noong unang panahon pa man. Kalaban nila ito sa teritoryo noong mga oras na hindi pa nila alam ang kayang gawin ng kanilang mga pakpak, noong hindi pa nila alam na may kapangyarihan pala silang makalipad.

Lobo rin ang pumatay sa ama ng munting agila na kasalukuyang nakadungaw sa labas ng pugad nito. Sariwa pa sa kaniyang mga alaala nang umuwing umiiyak ang kaniyang ina. “Patay na ang iyong ama, Anak,” ang bungad nito sa kaniya na siyang ikinagulat ng kawawang agila.

Tila gumuho ang mundo ng munting agila sa natanggap na balita. Mahal na mahal niya ang kaniyang ama at hindi niya lubos maisip na hindi na niya makakasama pa itong muli. Lalabas lang upang maghanap ng pagkain ang paalam sa kaniya ng kaniyang ama kaya hindi niya inaasahang hindi na ito makakabalik sa kanila.

Palubog na araw at ang ibang ibon ay malayang lumilipad sa himpapawid. Ang iba nama'y parang tao na pinagmamasdan lang ang paglubong ng araw habang nakapatong sa sanga ng puno. Halos ang lahat ay masaya ngunit hindi ang munting agila.

“Ina, maaari mo na ba akong turuang lumipad?” tanong niya sa kaniyang ina na nasa tabi lamang niya, nanunuod din ng paglubog ng araw. Saglit na nabaling ang tingin ng kaniyang ina sa munting agila ngunit ibinalik din naman kaagad nito ito sa kulay kahel na araw.

“Hindi pa ngayon, Anak. Tsaka na, pagdating tamang oras,” sagot naman sa kaniya ng kaniyang ina. Hindi mapigilan ng munting agila ang pagsama ng kaniyang loob. Noong nabubuhay pa ang kaniyang ama, ito ang nagtuturo sa kaniyang lumipad ngunit hindi pa sapat ang naturo nito sa loob ng maiksing panahon. Hindi ba't dapat lang na ang kaniyang ina ang magturo sa kaniya?

Naiinggit siya sa ibang agila, at sa iba pang ibon na malayang malayang nakakalipad at naglalaro sa himpapawid. Naiinis siya sa sarili niya dahil pakiramdam niya'y wala siyang silbing agila. Na wala siyang silbing anak sa kaniyang ama, dahil hindi man lang niya ito maipaghiganti.

“Kailan ang tamang oras na 'yon, Ina? Bakit si Ama'y nagawang turuan na ako bago pa niya tayong nagawang iwan? Paanong nangyaring hindi pa ngayon ang tamang oras, Ina?” Puno siya ng katanungan. Hindi niya kasi maintindihan ang tumatakbo sa isipan ng kaniyang ina.

Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon