Catharsis: Discovering the Writer Within - Auditions Entry
__________
NAUPOS NA BOSES
SUMAMPAL sa mukha ko ang nagliliparang papel na galing sa kamay ng boss ko na nasa aking harapan. Nakakunot ang noo nito habang umiiling-iling pa na para bang sinasabing, wala na akong pag-asa. Ika-siyam na article ko na 'yung naipasa ko sa kaniya, pero hanggang sa mga oras na 'yon ay wala pa rin siyang tinatanggap ni-isa.
"Isa na naman itong basura, Jemalynn. Kundi tungkol sa sasakyang nagbanggaan na minor accident lang naman, customer at gwardyang nagbangayan, ngayon naman ay tungkol sa batang nawawala na nakita naman kaagad. Balita ba talaga itong isinusulat mo? Wala na bang mas bo-boring pa sa mga ito?
"Masyadong mababaw! Walang impact ito sa mga mambabasa. Hindi mo ba kayang gumawa ng mga mas mabibigat na article? Maghanap ng mas interesting na topic? I-try mo kaya 'yung medyo brutal? Baka sakaling maalarma ang mga mambabasa sa mga isinusulat mo? Halimbawa nakakita ka ng tsinelas sa daan, tapos nalaman mo na may tinapon palang patay doon sa katabing bukid. Mysterious 'di ba? Maaalarma ang mga pulis, at matatakot ang mga tao! Ay basta! Lumayas ka na dito't nag-iinit ang ulo ko sa 'yo!"
Hindi na ako umagal pa at nakababa ang balikat na umalis ng opisina. Gano'n ba talaga ka-walang kwenta ang mga balita ko? Mula bata pa ako, pangarap ko nang magbigay ng balita sa madla, pero sa pagkakataong malapit ko nang makamit ang pangarap ko, nagpagtanto kong mahirap pala. Hindi ko alam kung ano ang balitang kukuha sa atensyon ng mambabasa. Hindi ko alam kung paano nila maaalala ang pangalan ko, na ako ang naglahad ng katotohanan sa madla.
Siguro, kailangan ko na lamang sumuko sa pangarap ko sa buhay. Siguro hindi talaga para sa akin ang larangang napili ko. Siguro kailangan ko na ring isuko ang pangarap kong magkaroon ng sariling bahay at masanay na makasama ang ama ko na wala namang pakialam sa akin, at papansin lamang ako kapag gusto niya akong saktan. Siguro nakatakda akong maging miserable.
Napagpasyahan kong umuwi na lang at mag-muni muni sa buhay kaysa maggala at maghanap ng maaari na namang isulat nang makasalubong ko ang kaibigan kong si Yvette. Malapad ang ngiti niya habang patakbong lumapit sa akin.
"Jemalynn! Grabe, na-miss kita!" sabi niya sabay yakap sa akin nang mahigpit. Napakalas naman ako kaagad dahil natamaan niya ang pasa ko sa braso.
"Bakit? May pasa ka na naman ba? Jemalynn, nagtratrabaho ka na nga, binubugbog ka pa rin ng tatay mo?" Nagkibit-balikat na lamang ako bilang pagsagot at hinila siya sa isang karinderya para doon ipagpatuloy ang pagkakamustahan namin.
Inilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa at dumeretso sa notepad. "Kamusta ka na? Na-miss rin kita. Busy ka sa work?" itinipa ko sa cellpone ko at ipinakita sa kaniya.
"Oo, medyo. Ikaw? Kamusta ang trabaho mo?" sagot naman niya.
"Hindi ko alam. Mali 'ata ang napasok ko, at hindi ko na alam kung ano pa ang pwedeng itrabaho ko na hindi kailangan ng bibig bukod sa pagsusulat." Pinakita kong muli sa kaniya ang bagong mga salitang laman ng cellphone ko at nakita ko namang napakunot siya ng noo. Tila ba nagtataka at nag-aalala.
Hinawakan niya ang isang kamay ko bago sinabing, "Mahirap talaga 'yan sa simula, pero eventually matututunan mo rin kung paano. Tandaan mo lang na walang success kapag walang failure. Don't give up, stand up!"
Kaagad ko namang itinipa ang, "Don't give up, stand up!" sa cellphone ko at muling ipinakita sa kaniya. Motto na namin 'yon simula pa noong college kami at ni minsan ay hindi 'yon pumalya para buhayin ang loob ng kahit sino sa amin.
BINABASA MO ANG
Contest Entries
RandomWriting contest entries from different Wattpad writing contests. Some are successful, most are failed.