May Pag-asa Pa

23 0 0
                                    

Survivor Wattpad - Entry

___________


MAYPAG-ASA PA


Sabinila wala nang pag-asa, pero sabi ko meron pa. Naniniwala akonghangga't may buhay ay may pag-asa. Naniniwala akong lahat ng problemamay solusyon. Hindi pwedeng wala.


Hindimaalis ang titig ko sa mga taong sapilitang ibinababa ng mgakalalakihang binayaran ng gobyerno mula sa isang barkong sinasakyanng mga ito. Karamihan sa kanila ay umiiyak habang nagpupumiglas sapaghila ng mga lalaki sa kanila pababa dito sa isla. Sa islangginawang tambakan ng mga taong tulad nila.


Mgataong sa unang tingin pa lang ay masasabi mo nang, "Wala ng pag-asa'to." At mapapailing. Mga taong halos wala ng dugo sa sobrangkaputlaan at halos wala ng laman sa kapayatan.


Hindiko maiwasang 'di malungkot. Parami nang parami ang itinatapon dito saisla. Parami nang parami ang natatamaan ng epidemia. Parami nangparami ang mga taong nabibilang na lamang ang oras sa mundo.


Kungpagmamasdan mula sa malayo ang islang pinaroroonan namin, makikitaang mapunong bahagi nito sa gitna, at tambak ng mga tao sa gilid. Saisang gilid ay mga buhay habang sa kabila naman ay mga patay. Ang mgamapuputing buhangin ay natakpan na halos ng mga banig ng mga taongnasa isla.


Nakitako ang pag-alis ng barko matapos nitong ibaba ang mga taong bago palamang na natamaan ng epidemia. May pag-asa pa kayang makaalis kamisa islang ito? Hindi naman siguro kami mamatay dito sa isang islakung saan malayo sa kabihasnan 'di ba?


Napayukoako at nakita ang kapatid kong si Jacob na natutulog habangnakapatong ang ulo sa hita ko. Matirik ang araw ngunit malakas anghangin dala ng mga punong katabi namin, kaya nililipad pa ang mgabuhok nito. Limang taong gulang pa lang si Jacob. Napakabata pa niyapara malagyan ng taning ang kanyang buhay. Napakabata pa niya parapagdaanan ang lahat ng ito.


Hindiko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko habang hinahaplos angbuhok ni Jacob. Sobrang bigat na ng dibdib ko. Iniisip ko pa lang namawawala ang kaisa-isa kong pamilya, hindi ko na kaya. Si Jacob nalang ang tanging iniwan sa'kin nina Mama at Papa nang magpaalam silasa mundong ito dahil sa malubhang sakit, hindi ko matatanggap kungpati si Jacob ay kukunin sa'kin. Hindi ko kakayanin.


Hindiako nagdoktor para panuorin ang pagkamatay ng pamilya ko isa-isa.Hindi ako nagdoktor para iyakan lang ang lahat ng pangyayari.Nagdoktor ako para magkaroon ako ng kakayahang isalba ang mga taongmahal ko mula sa kamatayan, para iligtas sila mula sa pagdurusa.Nabigo ako kay Mama at Papa dahil nahuli ako, pero ngayon hindi naako makapapayag na mabigong muli. Isasalba ko ang buhay ni Jacob. Maypag-asa pa. Alam kong may pag-asa pa.


"'Wagka munang bibitaw Jacob ha? Makakahanap din ng solusyon si Ate,"sabi ko sa natutulog na Jacob. Mahina lamang ang pagkakasabi ko, peronagising ko 'ata siya.


"AteGail, umiiyak ka po ba?" tanong ni Jacob sa'kin bago siya bumangonat naupo sa harapan ko. Inabot ng maiiksing kamay niya ang mukha koat pinunasan ang mga luhang patuloy ang pagbagsak sa pisngi ko.Kinuha ko ang dalawang kamay niya at hinalikan ito.


"Jacob,napuwing lang si Ate. Nagising ba kita? Halika matulog ka ulit dito,"sabi ko sa kanya at tinapik ang hita ko. Napakunot ang noo ko nangisang iling ang isinagot ni Jacob sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon