Tried

28 1 2
                                    

Liriko 2 - Playoffs Entry

Inspired by the song Kundiman by Silent Santuary, requested by Kuya Kim. (This is for you. lels)

__________


Tried


NAKAKAPANGHINAYANG ang mga bagay na ipinaglaban mo, pero sa huli ay hindi pa rin napunta sa 'yo. Mas nakakapanghinayang 'yung bagay na nasa iyo na, pinakawalan mo pa? Pero ang mahalaga naman ay sinubukan mo. Kahit na nahirapan ka, kahit na paulit-ulit kang nasaktan, at kahit na umasa ka.


Sheena Joy M. Cruz, ito ang pangalang nakaukit sa lapidang nasa ilalim ng isang willow tree na tinititigan mo noon. Ang pangalan ng kababata't pinakamatalik mong kaibigan. Isang taon na ang nakalipas mula nang mamahinga ito sa kapayapaan. Isang taon na mula nang iwan ka nito. Isang taon mo na ring sinisisi ang sarili mo sa pagkawala nito.


"Sorry," ang paulit-ulit mong sinasabi sa tuwing binibisita mo ang puntod nito. Pakiramdam mo kasi wala kang kwentang kaibigan. Alam mo na ang mangyayari. Nalaman mo ito nang unang beses mong tingnan ang mga mata niya noon. Nakita mo ang kamatayan sa pagitan ng inyong pagtititigan, pero sa tagal ng panahon na nakalaan para paghandaan ang mangyayari ay wala kang nagawa para pigilan ito. Wala kang ginawa. Alam mo kasing hindi mo naman kayang pigilan ang nakatakda.


Nakapikit ka no'n at hinahayaan na lamang na dumaloy ang iyong mga luha sa iyong pisngi. Wala ka namang ibang kasama, kung may makakita man sa 'yo, marahil ay si Sheena lang iyon, kaya naman laking gulat mo nang may magsalita sa tabi mo.


"Miss? Bakit ka nagso-sorry kay Sheena? Teka, umiiyak ka ba?" Dali-dali mong pinunasan ang basa mong pisngi at kaagad na napalingon sa lalaking nagsalita. Nagtama ang inyong paningin, at sa mga sandaling 'yon nakita mo ang hinaharap niya. Ang hinaharap niyo.


HINDI ka makakasagot kaagad. Hindi mo kasi alam kung paano sasagutin ang mga tanong ng lalaking 'di mo pa nakikilala. Babalakin mong hanapin ang tamang mga salita, pero mauunahan ka niya. Sasabihin niyang, "Joshua nga pala, kababata ako ni Sheena, and you are?" Magtataka ka at mapapataas ng kilay. Wala ka namang ibang kilalang kababata ni Sheena bukod sa 'yo.


"Kung boyfriend ka ni Sheena, 'wag mo nang ikaila. Wala na nga 'yung best friend ko, ikakahiya mo pa? Hindi ka man lang mahiya, nasa harap ka pa man din niya," walang pakundangan mong sasabihin sa kaniya.


Maniningkit ang mga mata niya at titingnan kang maigi bago siya tatawa nang malakas. "By any chance, ikaw ba si Kaye?" Magugulat ka sa sasabihin niya. Magtataka ka kung paano niya nalaman ang pangalan mo kaya tatanungin mo siya. Isasagot naman niyang parati kang naikukuwento ng matalik mong kaibigan sa kaniya. Idadagdag pa niya na totoong magkababata sila nito, pero nagkikita lamang sila sa probinsya sa tuwing bakasyon.


Mararamdaman mo ang pag-init ng mukha mo sa sobrang kahihiyan. Tsaka mo lang mapagtatantong sana hindi ka na lang kaagad nagsalita ng kung ano-ano. Sana nagtanong ka na lang nang maayos at naging kalmado. Sana tumakbo nang matino ang utak mo nang sandaling 'yon, e 'di sana hindi ka napagtawanan at napahiya.


Mapapalingon kang muli sa puntod ni Sheena. Bahagya mo itong sisisihin sa pagkapahiya mo. Bakit kasi hindi nito ipinakilala sa 'yo ang binata? Bakit hindi man lang nito nabanggit na may isa pa siyang kababata na nasa probinsya?

Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon