Protege Wattpad - Round 4 Entry
__________
That Twisted Frog Story
Masayang naglalaro ang reyna at ang prinsipe sa tabing ilog. Ang reyna ng mga bubuyog at prinsipeng sinumpang maging isang palaka. Nagkakilala sila matapos iwan ng isang prinsesa ang palaka sa kabila ng pagtulong nitong makuha ang paboritong bola sa ilog.
“Kawawa ka naman palaka, iniwan ka ng prinsesang tinulungan mo.” Nagulat ang palaka nang marinig niyang may nagsalita sa may tabi niya, pero mas nagulat siyang isa pala itong bubuyog. Sa mga oras na 'yon ay hindi siya makapaniwalang may bubuyog palang nakapagsasalita.
“Paano ka nakakapagsalita bubuyog?” namamanghang tanong ng palaka at tila kumikinang ang mga matang tumitig sa bubuyog. Nagpakilala naman siya bilang reyna ng mga bubuyog, sinabi niyang espesyal siya kaya naman nakakapagsalita siya. Nalugmok ang palaka, naputol ang umaandar sa kanyang imahinasyong isang prinsesa ang bubuyog at kailangan din nito ng isang halik para bumalik sa pagiging tao. “Sayang, papatulan ko na sana kahit bubuyog lang,” sabi ng palaka sa kanyang isip.
Nagkwentuhan sila tungkol sa kanya-kanya nilang buhay. Naikwento ng reynang bubuyog ang tungkol sa kanyang paglalakbay upang hanapin ang kaniyang nawawalang anak at naikwento naman ng palaka ang tungkol sa pagsumpa sa kanya, at na isa siyang prinsipe sa isang malayong kaharian. Sa huli, naging magkaibigan ang dalawa at nagkasundong magtutulungan sila.
Nahiga sa damuhan ang dalawa nang mapagod sila sa paghahabulan, pareho nilang hinahabol ang kanilang hininga. Lumingon ang palaka sa bubuyog at hindi inaasahang masasabi ang, “Can I say something crazy? Will you kiss me?”
Agad namang sumagot ang bubuyog, “Can I say something even crazier? No!” Tumayo ito at lumapit sa palaka, ginamit nito ang kanyang bibig para tusukin ang tagiliran ng palaka dahilan upang mapabalikwas ng tayo ang palaka.
“Bakit mo ginawa iyon?” tanong ng palaka habang hinihimas ang parteng tinusok ng bubuyog. Gusto lang naman niyang subukang halikan ang bubuyog, baka kasi maibalik siya nito sa dati.
“Para magising ka sa kahibangan mo. Unang una matutusok ka lang sa paghalik sa'kin, at pangalawa hindi ako prinsesa dahil reyna ako! Tara na nga lang at ipagpatuloy na natin ang paghahanap sa prinsesang maaatim na kumain kasabay ka, matulog sa tabi mo at halikan ka,” nakaismid na sabi ni bubuyog sa palaka. Hindi na lang ito umimik at nagsimula nang tumalon-talon paalis mula sa tabing ilog.
Patuloy sa pagtalon ang palaka at patuloy naman sa paglipad ang bubuyog nang may madaanan silang kubo. Kinatok nila ang kubo sa pamamagitan ng pagsipa ng palaka ng mga bato na siyang pinapatama nito sa pintuan ng kubo. Kasabay nang pagbukas ng pinto ay ang pagsipa ng palaka sa isang bato kaya naman hindi inaasahang natamaan ang nagbukas nito.
Nagmamadaling nilapitan ng palaka at bubuyog ang kanilang natamaan dahil bumagsak ito sa lapag. Sa paglapit nila, nakita nilang isa itong lalaking nakasuot ng mahabang bestida at may suot na salamin. “Ay bakla!” sabi ng bubuyog at palaka sa kanilang isip.
“Lola!” Isang sigaw ng batang babae ang narinig ng dalawa mula sa kanilangg likuran. Nilingon nila ito at nakitang may dalang walis tambo ang batang babaeng may suot na asul na kapa at akmang papaluin silang dalawa. Tumakbo sila papasok ng kubo para iwasan ang pagpalo ng batang babae sa kanila. “Anong ginawa niyo sa lola ko?!” pasigaw na tanong ng batang babae habang hinahabol ang bubuyog at palaka.
BINABASA MO ANG
Contest Entries
RandomWriting contest entries from different Wattpad writing contests. Some are successful, most are failed.