Langit, Lupa, Impyerno

38 0 0
                                    

Battle of Short Stories (BOSS) Season 2 - Audition Entry

__________

Langit, Lupa, Impyerno

Kung may magtatanong man sa'kin kung ano'ng pakiramdam ng near-death experience ko, isa lang ang masasabi ko, nakakatakot. Marami pa akong pangarap sa buhay kaya't hindi ko maatim na magpakain sa nakakasilaw na liwanag na tila ba humihila sa'kin no'n.

Abot tenga ang ngiti ko no'n habang nagmamaneho pauwi. 'Di ko alintana ang kulog, kidlat, at malakas na pag-ulan dahil sa sayang naramdaman ko. Galing kasi ako sa bahay ng nobyo kong si Stanley at ang movie marathon namin ay nauwi sa pagtatalik. Ang mga “I love you” na paulit-ulit niyang binubulong sa tenga ko ay naririnig ko pa rin sa mga oras na 'yon. Nakakabaliw.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko mula sa bag, kaya kinuha ko ito para tingnan kung sino ang tumatawag, si Stanley. Kaagad ko itong sinagot, pinindot ko ang loud speaker at inilapag ko sa mga hita ko ang cellphone ko para maibalik ang isa kong kamay sa manibela.

“Veronica, mahal, mag-iingat ka ha? Ang lakas ng bagyo, dapat hindi ka na lang tumuloy e. Baka mamaya kung mapa'no ka pa.” Hindi ko maiwasang 'di kiligin sa mga sinabi ni Stanley. Twenty-eight na ako samantalang twenty-nine naman siya pero dinaig pa namin ang mga teenager sa pagiging sweet.

Sasagot na sana ako nang magulantang ako sa isang malakas na busina. Nang tingnan ko kung saan ito nanggagaling nagulat ako sa isang rumaragasang truck na papalapit na sa kotse ko. Sinubukan kong apakan ang preno, pero huli na ang lahat. Napapikit na lang ako habang nararamdaman kong tumitilapon ang kotse at sarili ko sa ere, at hinihintay na lang ang paglapag kong muli sa lupa. Narinig ko pa ang paulit-ulit na pagtawag ni Stanley sa pangalan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Sa pagmulat ng mga mata ko isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa'kin. Liwanag na nasa dulo ng isang mahabang hallway. Liwanag na alam kong patungo sa kabilang mundo. Liwanag na 'di katulad ng inaasahan ko at napapanuod ko sa mga pelikula. Ang sinag nito'y 'di puti kundi kahel.

Nagulat ako nang kusang gumalaw ang kanang paa ako at nagsimulang humakbang. Sinundan ito ng paghakbang ng kaliwang paa ko, pagkatapos ay kanan naman, at kaliwa na namang muli. Kusa akong lumalapit sa liwanag kahit na ayaw ko. Sinusubukan kong pigilan ang sarili ko ngunit hindi ko magawa hanggang sa may mga boses nang tumatawag sa'kin. Mga boses na nanggagaling sa liwanag. Mga boses na alam kong 'di galing sa mga anghel kundi galing sa mga demonyo.

Tinatawag nila ang pangalan ko. “Veronica... Veronica...” Paulit-ulit, nakakarindi. Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko ngunit naririnig ko pa rin sila. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang magdasal pero walang lumalabas na salita mula sa bibig ko. Para bang bigla akong napipe.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang mga paa ko sa paglakad. Tumigil na rin ang mga boses sa pagtawag ng pangalan ko. Iminulat kong muli ang mga mata ko at napaatras ako sa mga nakita ko, mga demonyo. Marami sila, kung bibilangin ay nasa anim ang nasa harap ko. Iba-iba ang laki ng sungay nila pero iisa ang kanilang itsura. May dalawang paa, dalawang kamay, may mukha, mga mata, ilong at bibig, pero ang balat nila ay tila abo na nasusunog pa.

Sa takot ay gusto ko nang tumakbo pabalik pero sa bawat paghakbang ko paatras at siya ring paghakbang nila sa'kin palapit. Tumigil na ako sa pag-atras, iniisip kong titigil na rin sila sa paglapit ngunit nagkamali ako. Patuloy ang paglusong nila at sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makaabot sila sa likuran ko. Hindi nila ako ginalaw, basta na lamang silang pumwesto roon.

Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon