Trapo

53 0 0
                                    

Battle of Short Stories (BOSS) Season 2 - Round 3 Entry

_________

Trapo

PUTIK. Dito gawa ang buong islang kinaroroonan ni Precious at ng mga kasama niya sa halip na sa buhangin. Pinagmamasdan niya ang payapang karagatan habang hinahayaan niyang unti-unting lumubog sa putik ang kaniyang mga paa.

Hanggang kailan pa ba? Hanggang kailan pa ba sila mananatili sa lugar na 'yon? Oo nga't sila'y mga preso, mga taong nagkasala sa batas, pero dapat ba talaga silang ipatapon sa isang isla? Siguro nga't sila rin ang dahilan ng pagkasunog ng kanilang selda, pero sapat na bang dahilan 'yon para gutumin sila sa gitna ng karagatan? Sino nga ba naman kasi sila para pagkagastusan pa ng gobyerno hindi ba? Mamamayan lang rin naman sila ng kanilang bansa na nagkasala at pinaparusahan.

“Precious.” Halos napatalon siya sa gulat nang biglang may tumawag at tumapik ng balikat niya. Tiningnan niya ito, si Aling Presy pala. Ang ulirang inang nakulong dahil sa pagnanakaw na sana'y ipantutustos nito sa gamot ng may sakit nitong anak. Pareho sila ng kaso, sa kaniya nga lang ay nagnakaw siya para makapag-aral ang tatlo pa niyang kapatid. Isang daang libong piso na kulang pa sa tuition fee at pambayad ng utang.

“Oh my gosh. You're shocking me, Aling Presy!” maarte niyang sabi kasabay pa ng paghawak niya sa kaniyang dibdib. Napakunot ang noo nito at napailing. Sanay na naman ito sa paraan ng pagsasalita niya, pero hindi pa rin talaga nito maiwasang magtaka kung bakit kailangan pa niyang maging gano'n.

Sa isang night club nagtratrabaho si Precious noon. Isa siya sa mga tinuturing ng lipunan na babaeng mababa ang lipad, pero wala siyang pakialam sa sinasabi ng iba. Pinilit niyang ayusin ang itsura at pagsasalita niya para umakit ng mga mayayamang kliyente. Mababa na ang lipad niya kaya naman hindi niya gustong sa mababang uri pa ng tao mapunta.

Sawa na siya sa hirap kaya kung saan mas madaling yumaman ay iyon ang ginagawa niya. Tulad na lamang ng pagpapabayad sa mga uhaw na kalalakihan at ang magnakaw. Malas nga lang at nakulong siya, ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa.

“Pasensya na Precious. Gusto ko lang itong i-abot sa 'yo,” sabi nito at iniabot sa kaniya ang isang pink na ballpen. “Kanina ka pa kasi tulala d'yan, kaya naisip kong baka makatulong ito sa 'yo,” dugtong pa nito.

Kinuha niya ang ballpen at nagtataka niyang tiningnan si Aling Presy. “Pink pen? Ano naman po'ng gagawin ko rito, Aling Presy? How will it be helping me? And how do you take it here? Bawal ang matatalim 'di ba?” tanong niya rito habang pinipipigilan niyang matawa sa ka-weirduhan nito.

“Pink magical pen ang tawag ko d'yan, Precious. Galing pa 'yan sa ninuno ko. Isulat mo sa palad mo ang lugar kung saan mo gustong pumunta at makakarating ka roon. Dali at subukan mo!” Inalog-alog pa nito ang balikat niya na para bang mas excited pa ito sa mapupuntahan niya.

“Nga pala, tinago ko 'yan sa panty ko para hindi nila makumpiska,” sabi pa nito at pagkatapos ay bumungisngis. Literal siyang napanganga at bigla niyang nabitawan ang hawak na ballpen. Pinahid niya ang kamay sa kaniyang damit bago tinapunan si Aling Presy ng nakapandidiring tingin.

Pinulot nito ang ballpen at pinunas ito sa damit nito at muling ibinigay sa kaniya. Ayaw niya sana itong tanggapin pero sadyang makulit ito. Pinilit siya nitong magsulat na ng lugar na gusto niyang puntahan sa kaniyang palad at sa kabila ng pagtanggi ay naislulat niya ang kaniyang paboritong lugar ang 'Disco Mania.'

Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon