PROLOGUE

693 34 0
                                    

Malakas na kulog ang umalingawngaw sa buong paligid na sinabayan pa ng matalim na pag guhit ng kidlat sa kalangitan at ano mang oras ay bubuhos na ang malakas na ulan ngayong gabi.

Kasabay ng muling pagkulog ay ang malakas na putok ng baril at ang pagbagsak ng walang buhay na katawan na isang lalake habang dumadanak ang dugo mula sa ulo nito.

“Sabi ko ako ang tatapos sa kaniya,” saad ni Axel habang nakatingin sa wala nang buhay na lalake.

“Sa susunod kana lang bumawe, Axel. Masiyadong maraming atraso sa'kin ang lalakeng ito kaya nararapat lang na ako ang tumapos sa kaniya,” nakangising saad ni Heaven saka binalik ang Calibre 45 niyang baril sa kaniyang tagiliran.“Tara na, umalis na tayo dito bago pa may makakita sa'tin,” aniya at saka nagmamadaling sumakay sa puting van na siya ring pagmamay-ari niya.

Heaven Vonne Montecillo—mayaman, gwapo at matalino, ngunit sa kabila ng positibong nakikita sa panlabas niyang kaanyuan, he's a bad guy. He's a Gang leader na nasa likod ng iba't ibang illegal na gawain. Pagmamay-ari niya ang Montecillo University, hindi ito pangkaraniwang unibesidad dahil front lamang ito upang mapagtakpan ang kanilang illegal na gawain. Karamihan sa nag aaral sa unibersidad na 'yun ay kasapi sa Gang na siyang pinamumunuan niya. Ngunit lingid 'yun sa kaalaman ng mga Professor doon. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang isang tulad ni Heaven ay leader pala ng Gang, magalang na masipag pa mag-aral but little did they know that he's dangerous.

Halos mauuntog na si Heaven sa likod ng upuan na nasa harapan niya sa biglaang pag-preno ni Danzel.

“F*ck you Danzel!” Malakas na sigaw ni Heaven na nanggagalaiti sa galit.

“S-Sorry Boss, may bigla kasing bumagsak eh. Parang malaking ibon.” Pangangatwiran ni Danzel na napakamot pa sa kaniyang ulo.

“Ha? Ibon?!” Labis na pagtataka ni Rhaizen habang nakakunot ang noo.“Eh tao 'yan eh, ogag ka ba?!” aniya sabay turo sa babaeng naka-suot ng purong puti at paika-ika na tumayo. Nang humarap ito sa kanila ay kinoberan pa nito ang kaniyang mukha gamit ang dalawang braso niya dahil sa liwanag na nanggagaling sa headlight ng sasakyan.

“Paandarin niyo na,” seryosong utos ni Heaven na hindi man lang tinitignan ang babae na nasa unuhan.

“S-Sasagasaan natin siya Boss?” Nauutal na tanong na naman ni Rhaizen

Tumango naman si Heaven, ngunit bago pa man mapaandar ni Rhaizen ang sasakyan at masagasaan ang babae ay mabilis na itong nakaiwas.

Habang papalayo ang van kung saan lulan si Heaven ay tinatanaw pa nito ni Sideryleigh ang pilyang anghel na pinadala sa lupa para sa isang mahalagang misiyon.

“Saan ba kasi ako magsisimulang hanapin ang lalakeng 'yun? Ang lalakeng misiyon ko. Ang lalakeng dahilan kung bakit nandito ako ngayon, nalimutan ko 'yung pangalan niya. 'Yung mukha lang niya ang naaalala ko, God bakit naman ganito kahirap 'yung parusa niyo sakin?” Nakatingalang saad ni Sideryleigh habang kinakausap ang sarili.

Nagpatuloy si Sideryleigh sa paglalakad na hindi niya alam kung saan siya patutungo. Bawat nasasalubong niya ay napapadalawang tingin sa kaniya, hindi lamang sa naiiba nitong ganda kundi sa purong puti nitong kasuotan na abot hanggang tuhod, wala rin siyang sapin sa paa. Kaya naman hindi na nakapagtaka kung iisipin ng iba na siya ay takas sa mental.

“Mahanap lang talaga kita, lagot ka sa'kin,” usal ni Sideryleigh habang naglalakad ito.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon