Sa huli ay nagkasundo din sina Amrelle at Rhaizen, si Gina ang nagmaneho ng kotse ni Amrelle. May tiwala naman si Amrelle sa kaibigan kaya ayos lang kahit bukas na nito isuli ang kotse niya, samantalang sumabay naman si Amrelle sa kasintahan nito.
“Saan mo gustong kumain?” malambing na tanong ni Rhaizen habang nagmamaneho ng kotse.
“Busog ako, ihatid mo nalang ako sa bahay,” matabang na sagot ni Amrelle, oo nga't nagkasundo na silang dalawa. Ngunit hindi parin maaalis sa dalaga na magtampo, dahil hindi siya magawang sundin ng kasintahan gayong kapanan naman nito ang iniisip niya.
“Akala ko ba, ayos na tayo,” mahinahong saad ni Rhaizen na paminsan-minsan ay sinusulyapan ng tingin si Amrelle.
“Marami na kasi akong nakain kanina sa bahay ni Danisha, kaya ang gusto ko nalang ngayon ay ang matulog pagkahatid mo sa'kin sa bahay,” mahinahong paliwanag ni Amrelle, hindi nalang niya sinabi kay Rhaizen na medyo nagtatampo parin siya dahil kahit naman kulitin niya ng kulitin ang kasintahan na umalis na sa Uprising ay hindi parin siya nito susundin. Dahil tila naging bahagi na ng buhay ng binata ang Gang na iyon.
“Are you sure?” paniniguro ni Rhaizen, agad naman tumango si Amrelle at bahagyang ngumiti upang hindi na mag-isip pa ng kung ano-ano ang binata.“By the way, bakit pala absent si Danisha kanina? May sakit ba siya? kaya niyo siya pinuntahan kanina?” tanong ni Rhaizen sa kasintahan.
“Walang sakit si Danisha, inalam din namin ang totoong dahilan kung bakit siya umabsent kaya namin siya pinuntahan kanina,” malumanay na pagki-kwento Amrelle.
“So anong dahilan?” intresadong tanong ni Rhaizen.
“As usual, may tinulungan na naman siya. Ewan ko ba sa kaibigan kong 'yun, may plano yata magtayo ng Charity at Orphanage.” Nakangising usal ni Amrelle.“Siya nga pala, paano nalaman kung nasaan ako? Sino nagsabi sa'yo?” Labis na pagtataka ni Amrelle.
“Sinabi ng kaklase niyong si Mike, narinig daw niya kasi 'yung pag-uusap niyo ni Gina,” sagot ni Rhaizen at tumango-tango lamang si Amrelle.“Mabalik tayo kay Danisha, sino na naman ba ang tinulungan ng kaibigan mo? Baka mapahamak na naman siya tulad ng dati,” pagpapatuloy ni Rhaizen na mababakas sa tono ng boses ang pag-aalala. Hindi narin naman kasi iba sa kaniya si Danisha, dahil malaki ang utang na loob niya sa dalaga. Si Danisha kasi ang naging tulay para mapasagot niya si Amrelle halos limang taon na ang nakalilipas. Si Danisha din ang bunso sa kanila, dahil sa kanilang anim, si Danisha ang pinakabata. Mas bata ito sa kanila ng tatlong taon.
“She's Sideryleigh, noong una aminado akong hinusgahan ko rin siya. Pero ng ma-meet ko na siya personally, totoo ang sinasabi ni Danisha. Mabait at mabilis na makagaanan ng loob si Side.” Nakangiting pagki-kwento ni Amrelle.
“Eh saan naman daw nakilala ni Danisha ang Sideryleigh na 'yun?”
“Nang pauwe na daw si Danisha matapos mag withdraw ng pera sa bangko ay nakita niya si Sideryleigh sa ilalim ng overpass. Sakto naman na may binili siyang pagkain kaya 'yun daw ang binigay niya kay Side. At mabilis niya daw itong nakagaanan ng loob,” pagki-kwento ni Amrelle.
“Baka naman nagpapanggap lang na mabait pero may hidden agenda?” sarcastic na saad ni Rhaizen.
“Tulad niyo?” balik na tanong ni Amrelle.
“Tulad nila, hindi naman ako masama tulad ng iba,”
“Hindi nga ba?”
“Amrelle..”
“Ok, sige hindi na ako makikipagtalo,” wika ni Amrelle at saka binaling ang tingin sa salamin na bintana ng kotse.
“I'm so sorry,” mahinahong saad ni Rhaizen, napabuntong hininga na lamang si Amrelle.
Ang buong akala ni Heaven ay 'yun na ang kaniyang katapusan. Napapalibutan na siya ng mga kalaban, nakarinig siya ng malakas na putok ng baril kaya napapikit na lamang siya. Ngunit ilang segundo pa ang lumipas, walang kahit anong tumamang bala ng baril sa kaniyang katawan. Unti-unting iminulat ni Heaven ang kaniyang mga mata, nanlalabo man ang kaniyang paningin ngunit malinaw sa kaniyang isipan ang babaeng nasa harapan niya. Purong puti ang kasuotan nito, sandali niyang nilibot ang kaniyang paningin, wala ang kaninang mga kalaban na nakapalibot sa kaniya.
“S-Sino ka? B-Bakit mo 'ko niligtas?” nauutal na usal ni Heaven dahil iniinda niya ang sugat na nasa balikat niya gawa ng katana.
Hindi nagsalita ang estrangherang babae at sa halip ay hinaplos na lamang niya ang mukha ng binata.
“Hanggang sa muli natin pagkikita,” mahinang usal ng estrangherang babae.
Malalim na ang gabi ngunit hindi parin makatulog si Sideryleigh, kaya naisipan niyang lumabas ng guest room at uminom ng tubig sa kusina. Samantala, tulad ni Sideryleigh ay ganoon din ang nararamdaman ni Dinashe. Hindi rin ito makatulog dahil sa kung ano-anong tumatakbo sa isipan nito.
“Gosh! Akala ko kung sino, ginulat mo naman ako Side!” sapo-sapo ang dibdib na saad ni Danisha dahil sa pagkagulat na makita si Sideryleigh pagkabukas niya ng ilaw sa kusina.
“Ah, pasensya kana kung nagulat kita. Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kung uminom ng tubig. Gusto mo?” malumanay na saad ni Sideryleigh sabay abot ng baso kay Danisha na may lamang malamig na tubig.
Umiling lamang si Danisha bago ito magsalita muli,“Parehas pala tayong hindi makatulog,” aniya saka naupo malapit sa kitchen island.
Agad na napukaw ang atensyon ni Sideryleigh sa wallpaper ng cellphone ni Danisha matapos niya itong ilapag sa ibabaw ng kitchen island.
Napansin naman iyon ni Danisha kaya napasulyap din siya kung saan nakatingin si Sideryleigh, walang iba kundi sa wallpaper niya kung saan magkakasama silang anim—si Danisha, Amrelle, Gina, Heaven, Rhaizen at Danzel.
“Sila ang mga kaibigan ko. Si Rhaizen, Danzel at.....”
“Heaven..” pagpapatuloy ni Sideryleigh habang nakatitig sa screen ng cellphone ni Danisha na nakalapag parin sa kitchen island.
“H-How did you know his name? Siya ba 'yung hinahanap mo?” pagtataka ni Danisha.
“Saan ko siya pwedeng makita? Kailangan ko siyang makausap,” tanong ni Sideryleigh saka sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Alam niyang nalalapit na ang pagbalik niya sa Paraiso ngayong nahanap na niya ang kaniyang Mission.
“Classmate siya ng boyfriend ni Amrelle. Siya ang owner ng Montecillo University. Ngunit hindi tulad ni Danzel at Rhaizen, mahirap makausap si Heaven. Masiyado siyang mailap sa ibang tao,” pagki-kwento ni Danisha.
“Pero nangako ka sa'kin na tutulungan mo 'ko hindi ba?” mahinahong saad ni Sideryleigh.
“Oo..”
“Paano ako makakapasok sa Montecillo University? Kailangan ko talagang makausap si Heaven,”
“Isa lang ang naiisip kong paraan para mas mapalapit ka kay Heaven,”
“Ano?”
“Mag-aral ka sa Montecillo University.”
BINABASA MO ANG
HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)
FantasyHeaven Vonne Montecillo is a dangerous guy, he's the owner of Montecillo Univerity-a university that hide his dark secret. Sideryleigh, an angel in disguise. What if their path crossed? Date started: August 25, 2021 Date finished: September 2, 202...