CHAPTER 10

156 9 0
                                    

Sa tulong ni Zashiko at Juniel ay naitago ni Menchie ang tunay niyang pagkatao sa katauhan ni Jhyrell Sandoval isang Nerd.

“Dahil sa istura mong 'yan kahit ako hindi kita agad makikilala,” wika ni Juniel habang nakatingin kay Menchie na nakaharap sa salamin.

“Iyon naman talaga ang dapat Juniel, walang dapat makaalam na ako si Menchie, the only girl in XLayer. Dahil ako na ngayon si Jhyrell.” Nakangising sagot ni Menchie habang nakatingin sa kaniyang reflection sa malaking salamin.

“Let's go?” saad ni Zashiko na kararating lang, siya ang maghahatid kay Menchie sa M.U

Ngumisi si Menchie kay Zashiko at agad na rin itong sumunod. Pero bago siya lumabas ng silid ay nilingon niya pa si Juniel.“Wish me luck,” wika niya saka niya kininditan ito, agad naman na namula ang pisngi ng binata habang nakaawang ang labi nito.

Bago sila makalabas ng HQ ay nasalubong nila si Nylshan na sa una ay hindi agad siya nakilala at muntik pang matutukan ng baril ngunit pumagitna si Zashiko at sinabing si Menchie ang kasama niya.

“You look so different from Menchie that I knew,” wika ni Nylshan na hindi makapaniwala sa transformation ni Menchie naglagay din kasi siya ng pekeng taba na made of rubber sa katawan niya upang mas lalong walang makakilala sa kaniya. Nag aral kasi noon sa isang Make-Up Tutorial Class si Menchie sa US sa edad na desi-otso ngunit hindi niya ito natapos dahil mas nalulong ito sa barkada at ang mas madalas na pagpunta sa mga night club at bar.

“I told you, hindi pa-palkpak itong plano ko.” Buong pagmamalaki ni Menchie sa pinuno ng XLayer.

“Ok, ihahatid na kita,” wika ni Nylshan dahilan upang kumunot ang noo ni Zashiko.

“Pe---” Hindi na naituloy pa ni Menchie ang dapat sana ay sasabihin niya ng hilain na siya sa kamay ni Nylshan palabas ng HQ.

Kanina pa naganap ang hindi inaakalang mangyayari ni Sideryleigh pero nananatiling sariwa sa kaniyang isipan kung paano siya sinalo ni Heaven. Habang nakatitig siya sa mukha ng binata kanina, parang hindi 'yun ang unang pagkakataon na nagkita sila. Parang matagal na silang magkakilala bago pa man ibigay sa kaniya ang mission niya.

“Can't move on?” Nakangising puna ni Fritzel nang mapansin na kanina pa nakatulala si Sideryleigh.

“M-may sinasabi ka?” Nauutal pang saad ni Sideryleigh dahil sa pagkagulat.

“Ang sabi ko, hindi ka maka-move on? Kanina ka pa tulala eh. Iniisip mo si Mr. Heaven Vonne Montecillo 'no? Well, kahit naman siguro sino kapag nangyari sa kanila 'yung nangyari sa'yo ay matulala rin,” wika ni Fritzel na umupo sa tabi ni Sideryleigh.

“Siguro nga tama ka,” mahinahong saad ni Sideryleigh.

“Kailan ba ako nagkamali sa hinuha ko? Ay! sa mga quizes at exams lang pala.” Natatawang saad ni Fritzel.“Pero alam mo, ang swerte mo,” aniya.

“Ako? S-Swerte? Paano mo naman nasabi?” Pagtataka ni Sideryleigh.

“Kasi pangarap ng mga babaeng estudyante dito sa M.U na mapansin ni Heaven, lahat sila may sa lalakeng 'yun. Hindi naman 'yun nakakapagtaka dahil tignan mo naman si Heaven, sobrang gwapo at ang hot pa. Pero wala ni isa sa kanila ang tinapunan man lang ni Heaven ng atensyon. Maliban sa'yo. Kaya sure akong maraming babae ngayon dito sa M.U ang naiinis at nagseselos sa'yo,” pagki-kwento ni Fritzel.

“So totoong mailap si Heaven at mahirap makausap?” intresadong tanong ni Sideryleigh nang maalala ang sinabi ng kaibigan.

“Oo, si Heaven kasi 'yung tipo ng lalakeng tahimik lang pero nagmamatyag na ang kaniyang mata sa paligid niya. Aktibo naman siya sa klase, pero kung sa pakikipag kwentuhan kasama ng mga kapwa estudyante niya ay never niya 'yun ginawa. Kahit nga sina Axel na kaibigan niya ay madalang lang din niya kausapin. Wala rin nakakaalam sa family background ni Heaven, bukod sa alam nilang siya ang may-ari ng M.U maliban doon ay wala na. Walang nakakaalam ultimo favorite color o paborito nitong pagkain. Parang medyo pa-mysterious ganun,” mahabang pagki-kwento ni Fritzel at tumango-tango lamang si Sideryleigh.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon