CHAPTER 15

156 10 1
                                    

Pagkapaskil palang ng announcement sa Bulletin Board para sa nalalapit na Montecillo's Night ay dinagsa na agad ito ng mga estudyante. Lahat ay excited sa kung ano ang susuotin nila sa nalalapit na pagtitipon. Ngunit ang mas nakapagpalaglag panga ng lahat ay nang mabasa na a-attend si Heaven Vonne Montecillo for the first time in six years.

ANNOUNCEMENT!!

All student, teachers and faculty staff of Montecillo Univeristy, you are invited at Montecillo's Night that will happened on February 10, 2020. The party will start at 8PM to 12 Midnight with our special guest, the handsome owner of Montecillo University—Mr. Heaven Vonne Montecillo.

Theme: Heaven by your Side—a Masquerade Party
When: February 10, 2020 at 8PM to 12MN
Where: Montecillo University's Party Hall
What to wear?
— Boys and Girls are expected to wear a Mask since our theme is Masquerade.
— Girls are also expected to wear a angel-like feather wings.
— Tuxedo for Boys.
— Evening gown for Girls.

Reminder:
• No need to bring your own food 'cause M.U will provide a Buffet dinner for all.
• Just enjoy.

“Legit nga gurl! Pupunta ang asawa natin kaya dapat talagang paghandaan natin ito,” wika ni Janine sa kasama nitong beks.

“Ako, kahit hindi na ako magpaganda. Maganda na ako, 'cause my mom told me so,” pagmamalaking wika ni Francis o mas kilala sa tawag na Francia.

“Anong meron doon? Ano 'yung tinitignan ng mga estudyante?” pagtataka ni Gina nang matanaw ang mga estudiyante sa hindi kalayuan.

“Baka may announcement 'yung SSG Officers,” wika ni Amrelle na abala sa pagtipa sa kaniyang cellphone. Ka-text niya si Sideryleigh gamit ang cellphone ni Danisha na nasa hospital ngayon.

“Tara tignan natin, para may mai-chika tayo mamaya kina Side pagpunta natin sa hospital,” wika ni Gina at agad naman sumang-ayon sa kaniya si Amrelle.

Tinungo nila ang Bulletin Board na ngayon ay napupuno parin ng mga estudyanteng nakikitingin, tamang-tama naman at napadaan si Axel kaya siya nalang ang tinanong ni Amrelle kung anong meron.

“Montecillo's Night sa darating na February 10, 2020. Special Guest si Heaven,” wika ni Axel.

“What?!” Sabay na sambit nina Amrelle at Gina na halos hindi makapaniwala.“P-Punta si Heaven sa Montecillo's Night?!” Halos hindi makapaniwalang tanong ni Gina kay Axel.

“Oo, kahit nga ako nagulat din eh. Himala, a-attend siya.” Natatawang saad ni Axel.

“Ano kaya nakain ng taong 'yun,” wika ni Amrelle na hindi parin nagsi-sink sa utak niya na a-attend si Heaven sa Montecillo's Night.

After class ay kaagad na nagtungo sina Amrelle at Gina sa hospital kung saan dinala si Danisha. Medyo maayos na pakiramdam nito ngunit hindi pa 'to maaaring ma-discharge kaya malamang sa malamang ay absent parin ito bukas.

“Salamat sa pagbisita.” Nakangiting wika ni Danisha.

“Wala 'yun, basta magpagaling ka agad ok? Dinalhan ka namin ng maraming prutas. Makakatulong 'yun para sa mabilis na paggaling mo,” malambing na wika ni Amrelle na naupo sa upuan malapit sa hospital beds ni Danisha.“Siya nga pala, nasaan si Side?” pagtataka ni Amrelle nang hindi nakita sa loob ng silid ni Danisha si Side.

“Kasama ni Yaya Vilma na magpunta sa cashier para mabayaran na 'yung hospital bills ko,” wika ni Danisha.

“Bakit? Madi-discharge kana ba? Diba sabi mo hindi ba pwede,” saad ni Gina.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon