CHAPTER 23

246 15 7
                                    

Hindi matanggap ni Neizel ang naging pagkatalo niya bilang Campus Queen at ang mas kinaiinis niya pa ay pagkampi ng kapatid niyang si Fritzel kay Sideryleigh at sa mga kaibigan nito.

“What did you slapped me!” Inis na singhal ni Fritzel sa ate nitong si Neizel matapos siyang sampalin. Napahawak siya sa kaniyang pisngi at ramdam niya pa ang init at hapdi dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya ni Neizel.

“Ganyan ang napapala sa mga kapatid na tulad mo, alam mo bang pinahiya mo 'ko kanina?!” Panggigigil ni Neizel sa kapatid habang nasa sala sila at hindi pa nga nakakapag palit ng damit dahil kararating lang.

“Kung napahiya ka man, kasalanan mo 'yun Ate. Masiyado ka kasing ma-attitude, masiyadong magaspang 'yang ugali mo. Hindi na ako magtataka, kaya nga walang gustong makipag kaibigan sa'yo dahil ang pangit ng ugali mo!” Pang iinsulto ni Fritzel sa kapatid, sasampalin pa sana siyang muling ni Neizel ng pumagitna ang step mom nila.

“Anong nangyayari dito? Fritzel, Neizel? Nag aaway na naman ba kayong magkapatid?” seryosong tanong ng step mom nila.

“Wag ako ang pagalitan mo Mommy, kundi ang Fritzel na 'yan. Pinahiya niya ako sa mga friends ko at sa mga tao doon sa party kanina,” wika ni Neizel na animoy batang nagpapakampi, bumaling naman ng tingin ang step mom nila kay Fritzel.

“Totoo ba 'yun, Fritzel?” Mahinahon ngunit seryosong tanong ng step mom nila kay Fritzel.

“Of course not mom, hindi ko pinahiya si Ate. It's all her damn fault kung napahiya man siya kanina. Masiyado kasing mataas ang lipad, pekeng pakpak naman ang suot,” depensa ni Fritzel sa sarili niya.

“Enough!” Saway ng step mom nila ng muli na naman sanang pagbuhatan ni Neizel ng kamay ang nakababatang kapatid.

Hindi nagsalita si Neizel at padabog na umakyat sa silid nito, naiwan naman si Fritzel sa sala at niyakap nalang ng step mom nila.

Bata pa lamang sina Niezel at Fritzel ng mamatay ang mommy nila dahil sa isang aksidente. Walong taon gulang lang noon si Neizel habang magli-lima nama si Fritzel, ang step mom nila na si Theresa ay ang first love ni Manuel—ang daddy nila Fritzel at Neizel. Ngunit dahil sa pagkakabaon sa utang ng kumpaniya nila Elisa na biological mom ng magkapatid ay ipinagkasundo si Elisa kay Manuel. Halos sampong taon din ang kanilang naging pagsasama bilang mag-asawa at biniyayaan pa ng dalawang anak, ngunit sa kasaamang palad ay maagang kinuha si Elisa sa kaniyang mag-ama. Tatlong taon matapos mamatay si Elisa ay nag-crossed muli ang landas ng dating magkasintahan na sina Manuel at Theresa, hindi naman nahirapan si Theresa na pakisamahan ang dalawang anak ni Manuel dahil mababait ang mga ito lalo na ang bunsong si Fritzel. Minahal at tinuring ni Theresa na parang tunay niya ng anak ang dalawang anak ni Manuel kaya lumaki si Neizel na sa spoiled sa step mom nito.

Pasado alas-dos na ng madaling araw ng makauwe si Danisha sa bahay nila matapos siyang ihatid ni Danzel.

“Mom! You scared me!” ani Danisha na sapo-sapo ang dibdib dahil sa pagkagulat ng makita ang mommy niya sa sala. Buong akala niya kasi ay tulog na ito.

“Pasensya na kung nagulat kita anak, kanina pa kita hinihintay kaya hindi pa ako natutulog. Kumain kana ba? Teka, nasaan nga pala si Side? Bakit hindi mo siya kasama?” malumanay na wika ni Elijah, ang mommy ni Danisha.

“Hindi pa po ako kumakain mom, kaya sabay nalang tayo. About naman kay Side, she's in the hospital,” wika ni Danisha.

“Hospital?! W-What happened?!” Natatarantang tanong ni Elijah sa anak. Hindi niya batid ngunit parang kinurot ang puso niya ng malamang nasa hospital ang kabigan ng kaniyang anak. Marahil ay dahil sa maikling panahon na nakasama niya ito sa iisang bubong ay napamahal na ito sa kanya.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon