CHAPTER 17

143 12 0
                                    

One week later...

Lahat ng estudyante maging ang mga guro sa Montecillo University ay excited para sa gaganaping Montecillo's Night bukas. Lalo pa't nabalitan nilang pupunta sa unang pagkakataon ang may-ari ng unibersidad na si Heaven, ngunit ang malaking katanungan sa kanilang isipan ay kung sino kaya ang date nito bukas ng gabi at sino kaya ang magiging Campus Queen para sa taong ito.

“Sino kaya 'yung date ni Heaven bukas?” Clueless na tanong ni Jade nasa Cafeteria silang tatlo nina Neizel at Chloe.

“Sino pa ba ang Campus Queen for two consecutive years?” Pagmamayabang na wika ni Neizel saka sumipsip ng Milktea.

“Ikaw,” sabay na wika ni Jade at Chloe.

“Tapos nagtataka kayo kung sino ang date niya bukas, of course ako at wala ng iba pa.” Nakataas ang isang kilay na wika ni Neizel na tila siguradong-sigurado na siyang siya nga ang date ni Heaven bukas.

“Well, hindi mo sure Neizel lalo pa't may karibal kana pagdating kay Heaven,” pang-aasar ni Chloe sa kaibigan dahilan upang samaan siya ng tingin nito.

“At sino? 'Yung Sideryleigh na 'yun? Tsk. Sexy at maputi lang siya, pero pagdating sa ganda lamang na lamang ako sa kaniya 'no,”

“Maganda rin kaya si Side, ang ganda pa ng mata niya kulay ash-grey ta---” Hindi nagawang ituloy ni Jade ang sasabihin niya ng sabuyan siya sa mukha ni Neizel ng Milktea na agad tumulo sa uniform nito. Napaawang naman ang labi ni Chloe dahil sa pagkabigla sa nakitang ginawa ni Neizel sa kaibigan.

“What did you do to me?” Iritang saad ni Jade ng tumayo ito mula sa kaniyang upuan. Dahil din sa ginawa ni Neizel sa kaibigan ay umugong ang bulong-bulangan sa loob ng Cafeteria. Kilala na talaga si Neizel bilang bully sa M.U, pero wala ni isang may gustong mag-sumbong dahil natatakot silang madamay ang grades nila pati ang kanilang scholarship.

“Alam mong ayaw ko sa lahat 'yung kinakalaban ako hindi ba?” Mataray na wika ni Neizel habang naka-crossed arm at pinandidilatan ng mata si Jade.

“That's enough Neizel. Look, pinagtitinginan na tayo dito sa Cafeteria,” mahinahong saad ni Chloe habang sinusubukang pakalmahin si Neizel.

Hindi nagsalita si Neizel at may kinuhang pera sa pouch niya saka ito sinaboy sa mukha ni Jade.“Buy your new uniform,” wika ni Neizel at agad ng umalis sa Cafeteria. Naluluha namang pinulot ni Jade ang humigit-kumulang sampong libong sinaboy sa mukha niya ni Neizel kanina, pinulot niya ito hindi upang kunin at ipangbili ng uniform kundi upang ibalik kay Neizel.

“You ok?” May pag aalala sa mukha ni Chloe na tanong sa kabigan habang mag-isang pinupulot ang mga tig iisang libong papel sa flooring.

“Do I look ok? Naglalagkit na 'yung buong katawan ko Chloe!” Mataas na tono ng boses ni Jade ng tumingal ito kay Chloe.

“S-Sorry, ikaw naman kasi eh. Hindi mo na dapat sinabi 'yun kanina. Alam mo naman ang ugali ni Neizel,” sermon ni Chloe sa kaibigan na ngayon ay tapos ng pulutin ang mga pera at tumayo na sa harapan niya.

“So kasalanan ko? Totoo naman na 'di hamak na mas maganda 'yung Sideryleigh na 'yun kaysa kay Neizel eh,” katwiran ni Jade.“Nagsisisi na talaga ako kung bakit ako nagkaroon ng utang na loob sa Neizel na 'yun,” pagpapatuloy ni Jade.

Dating nagta-trabaho bilang labandera ang ina ni Jade sa pamilya ni Neizel, ngunit nagkasakit ng malubha ang bunsong kapatid ni Jade kaya at kinakailangan ito ma-operahan sa Kidney. Humingi ng tulong ang ina ni Jade sa dati nitong amo na magulang ni Neizel ngunit tumangi lamang ito at sinabing wala silang pera. Spoiled si Neizel ng Step Mother nila ni Fritzel kaya naman lahat ng naisin nito ay nasusunod, sa una ay nagdadalawang isip si Jade na humingi ng tulong kay Neizel ngunit wala na siyang ibang pwedeng hingan ng tulong kundi si Neizel lang. Sa madaling salita, sa tulong ni Neizel na pilitin ang mommy at daddy niya na pautangin ng pera ang ina ni Jade ay naipagamot ang bunso niyang kapatid. Ngunit sa isang kundisiyon, kapalit ng mahigit kalahating milyon na pinahiram ng magulang ni Neizel sa pamilya ni Jade ay magiging sunod-sunuran si Jade sa lahat ng gusto ni Neizel at 'yun na nga ang nangyari sa loob ng dalawang taon.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon