Pagbalik nila Danisha sa Party Hall ay kaagad silang sinalubong ng kanilang mga kaklase at guro na gusto maki-usosyo kung kamusta na ba si Sideryleigh.
“She's awake pero mananatili parin siya sa hospital for a couple of days,” wika ni Gina. Ang alam kasi ng lahat ay dinala si Sideryleigh sa hospital, ang hindi nila alam ay nasa HQ lang siya na itinatago ng M.U.
“Gosh! Mabuti naman kung ganun. But wait, sino naman kaya ang gagawa no'n kay Sideryleigh? Knowing Sideryleigh for a short period of time I think she's kind, pure and innocent. Kaya nakakapagtaka na meron siyang kagalit,” wika ni Fritzel na kaklase ni Sideryleigh.
“I agree with Fritzel, mabait si Side tapos ang saya niya pang kausap at kasama. Kaya sana mahuli at makulong 'yung gumawa no'n sakaniya,” pag sang-ayon ni Ylona.
“Do y'all think na si Sideryleigh ang target ng gunman? I saw kung paano niya saluhin ang balang tatama kay Heaven. And I know she did that for a reason, Because she wants attention. Hindi lang natin kundi pati ni Heaven. And maybe, she did that para manalo bilang Campus Queen. Pathetic,” sabat ni Neizel habang nasa dalawang gilid niya sina Jade at Chloe.
“What did you say?” Seryosong wika ni Amrelle na halatang hindi natutuwa sa mga salitang lumabas sa bibig ni Neizel.
“Hindi ko na kasalanang bingi ka at hindi mo narinig ang sinabi ko na attention seeker ang pinsan ng kaibigan mo.” Mataray na wika ni Neizel.
“Sa ginagawa mo, mas attention seeker ka pa kay Side,” sarcastic na wika ng kapatid ni Neizel na si Fritzel habang nakataas ang isang kilay nito.
Pagbubuhatan sana ni Neizel ng kamay ang sarili niyang kapatid ng pumagitna si Jade.
“Enough Neizel, stop making a scene.” Saway ni Jade.
Tinignan ni Niezel ang paligid lahat nga ay sa kaniya naka tingin ganun din ang step mom nila na Dean ng M.U, walang nagawa si Neizel kundi ang mag walk out. Agad naman siyang sinundan ni Chloe.
“Ako na ang humihingi ng despensa para kay Neizel, pakisabi nalang din kay Side na get well soon.” Mahinahong saad ni Jade bago umalis upang sundan si Neizel.
“I also want to apologize para sa inasal ng kapatid ko,” mahinahong wika ni Fritzel.
“Yung totoo Fritzel? Kapatid mo ba talaga si Neizel? O isa sa inyo ampon. Ang layo kasi ng ugali niyong dalawa,” wika ni Gina.
“Hindi naman porket magkapatid ay iisa na ang ugali. Parang sa mga identical twins din, magkamukha sila pero magkaiba ang ugali nilang dalawa,” paliwanag ni Fritzel.
“Sabagay may point,” pag sang-ayon ni Amrelle.
“Ladies and Gentlemen, ngayon gabi na po natin malalaman kung sino ang tatanghaling Campus Queen 2020. Excited na ba kayo malaman kung sino?” Masiglang wika ng MC na nakakuha ng atensyon ng lahat.“Ngunit bago ang lahat, akin munang tinatawagan ang Vice President ng Montecillo University and Former Montecillo's Night King—Mr. Rhaizen Castelar.” Pagpapakilala ng MC sa kasintahan ni Amrelle na si Rhaizen, nagpalakpakan ang lahat ng maglakad na si Rhaizen patungong stage. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ni Amrelle ng mapagtanto na ang gwapong lalaki na nagsasalita sa entablado ay walang iba kundi ang kaniyang long-time boyfriend.
“Magandang gabi sa lahat,” paunang bati ni Rhaizen saka ito ngumiti dahilan upang mabaliw-baliw dahil sa kilig ang mga estudiyanteng babae na humahanga naman kay Rhaizen.
“Magsitahimik kayo, boyfriend ko 'yan!” Sigaw ni Amrelle na proud na proud, tinignan naman siya ng masama ng ibang estudyante na patay na patay sa boyfriend niya.
BINABASA MO ANG
HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)
FantasyHeaven Vonne Montecillo is a dangerous guy, he's the owner of Montecillo Univerity-a university that hide his dark secret. Sideryleigh, an angel in disguise. What if their path crossed? Date started: August 25, 2021 Date finished: September 2, 202...