CHAPTER 2

216 22 0
                                    

Nang matapos na ang pag-uusap nila Amrelle at Danisha sa telepono ay agad nang binalikan ng dalaga si Sideryleigh na ngayon ay manghang-mangha sa swimming pool nina Danisha.

“Side,” tawag ni Danisha kay Sideryleigh. Agad naman siya nito nilingon na may ngiti sa labi.“Pasok na tayo sa loob para makapagpalit kana ng damit,” aniya at agad naman siyang nilapitan ni Sideryleigh.

“Pwede magtanong?” Nakangising saad ni Sideryleigh na hindi parin nawawala ang ngiti sa labi.

“Ano 'yun?” Pagtataka ni Danisha.

“Paano kayo nagkaroon ng karagatan dito?” Labis na pagtataka ni Sideryleigh.

“Seriously?” Nakakunot na noong saad ni Danisha, nagtataka man siya sa salita't kinikilos ni Sideryleigh ngunit hindi niya maipagkakailang magaan ang loob niya kay Sideryleigh.

“Huh?”

“Never mind, let's go inside,” saad ni Danisha sabay hila sa kamay ni Sideryleigh saka sila pumasok sa loob ng bahay nina Danisha. Wala ang parents ngayon ni Danisha dahil nasa business trip ang mommy niya habang ang daddy naman niya ay weekend lang kung umuwe dahil sa pagiging abala sa trabaho. Tanging ang mga tapat na kasambahay lamang ang nakakasama niya sa araw-araw.

“Dumating na po pala kayo, Ma'am Danisha,” bungad na bati ng isa sa kasambahay nila. Nginitian lamang siya ni Danisha, napabaling naman ng tingin ang kasambahay sa kasama ni Danisha—si Sideryleigh na nakaawang ang labi habang nililibot ang tingin sa buong paligi ng sala.“S-Sino po siya?” tanong ng kasambahay.

“Ah, she's a friend of mine. Magtutungo na kami sa silid ko. Paki-handa nalang ng juice at cake mamaya, para makakain si Side.” Bilin ni Danisha sa kasambahay bago niya muling hatakin si Sideryleigh paakyat ng hagdan.

Habang naghahanap ng damit si Danisha sa walk-in closet niya ay pinaupo muna niya sa gilid ng kama si Sideryleigh na hanggang ngayon ay manghang-mangha sa mga kakaibang bagay na nakikita niya.

“Doon 'yung banyo, maligo kana muna then isuot mo 'to. Magkasing katawan lang naman tayo kaya for sure magkakasiya sa'yo 'yan,” aniya sabay turo sa pintuan na kulay blue. Sky Blue is Danisha's favorite color.

Hindi naman na nagpatumpik-tumpik si Sideryleigh at agad na kinuha ang damit na inabot sa kaniya ni Danisha—shorts and blouse. Saka siya nagtungo sa banyo.

Pagpasok ni Sideryleigh sa banyo ay bumungad sa kaniya ang malaking salamin sa may wash-hand area, organize ang lagayan ng toothpaste, sabon, shampoo, femine wash and conditioner. May Bathub din at shower kaya kumunot ang noo ni Sideryleigh kung para saan 'yun.

“Bakit may higaan dito? Sinong natutulog dito?” Labis na pagtataka ni Sideryleigh. Napailing na lamang si Sideryleigh sa naiisip niya, out of curiosity ay dahan-dahan niyang pinihit ang gripo ng shower at napatili na lamang siya ng may lumabas na tubig mula dito.

“Side, are you ok?!” sigaw ni Danisha mula sa labas ng banyo matapos na marinig ang pagtili ni Sideryleigh.

“Ayos lang ako Danisha, hindi mo sinabi sa'kin na umuulan pala dito sa banyo. Kakaiba talaga kayong mga tao.” Natatawang tugon ni Sideryleigh habang tuwang-tuwa sa shower.

“What?!” sambit ni Danisha sa sarili at napakamot na lamang sa kaniyang ulo.

Habang hinihintay na matapos si Sideryleigh ay naupo muna si Danisha sa couch, na siyempe kulay Sky Blue din. Maya-maya pa ay umilaw ang screen ng cellphone niya na nakapatong sa coffee table kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya upang alamin kung sino ang nag message.

From: Gina_a
<Message Body>
Punta kami d'yan ni Amrelle, after class. Miss ka namin agad.

Matapos na mabasa ni Danisha ang text message mula kay Gina ay mabilis na tumipa ang daliri niya upang replayan ang message na 'yun ng kaibigan.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon