Kinabukasan, ay isinama nga ni Danisha sa Montecillo University si Sideryleigh upang makapag-enroll ito. 'Yun lang kasi ang tanging paraan na naiisip niya upang matupad ang ipinangako na tutulungan niya ito sa kaniyang taong hinahanap. Ngunit hindi rin naman maalis sa isip niya ang magtaka at mangamba, hindi lingid sa kaniyang kaalaman kung anong klaseng tao si Heaven at kung anong klaseng unibersidad ang M.U, alam niyang sa sandaling makapasok na si Sideryleigh sa unibersidad ay maaaring masiwalat na ang katotohanan sa likod ng maamong mukha ni Heaven. Pero hindi niya rin alam kung bakit hindi niya magawang tanggihan si Sideryleigh, pakiramdam niya ay isang kasalanan ang tanggihan ang pakiusap ng bagong kaibigan.
“Whoaaa!” manghang saad ni Sideryleigh ng kapwa sila makababa ng kotse at bumungad kay Sideryleigh ang malaking gate ng Montecillo University.
“Yung bilin ko sa'yo, 'wag na 'wag mong kalilimutan,” paalala ni Danisha kay Sideryleigh, agad naman tumango ang anghel na nagpapanggap bilang isang ordinaryong tao.
Kanina bago sila umalis ay nagbilin si Danisha kay Sideryleigh na maging ma-ingat sa bawat kilos nito, sinabihan niya rin itong magpanggap bilang pinsan niya ay gamitin ang apelyedong Najaro upang mas mabilis itong makapag enroll sa M.U kahit wala pa itong sapat na dokumento.
“So, she's your cousin? Ms. Najaro?” mahinahong tanong ng Dean na ang edad ay nasa late 40's na, nakaupo ito sa swivel chair habang kaharap sina Danisha at Sideryleigh.
“Yes, Ms. Flores,” magalang na sagot ni Danisha.
“Where you from iha? At bakit dito mo gusto mag-aral?” muling tanong ng Dean na ngayon ay seryoso ng nakatingin kay Sideryleigh.
Agad naman nagkatinginan sina Danisha at Sideryleigh.
Mabilis na lumibot ang mata ni Sideryleigh sa loob ng Dean's Office hanggang sa makita niya ang painting ng Mayon Volcano na nasa wall, nakalagay sa ibabang bahagi ang lugar kung saan 'yun matatagpuan.
“Albay, Bicol po,” magalang na sagot ni Sideryleigh na may ngiti sa kaniyang labi. Tumango-tango lamang ang Dean.“Gusto ko po mag-aral dito dahil...” sandali siyang tumingin kay Danisha.“Dahil maganda po ang pagtuturo sa unibersidad na ito. Higit sa lahat, nandito rin po nag-aaral ang pinsan ko,” pagpapatuloy ni Sideryleigh saka lamang nakahinga ng maluwag si Danisha.
Sa madaling salita ay tinanggap si Sideryleigh sa M.U sa tulong narin ng connection ni Danisha, hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng Dean na kilala ni Danisha ang mismong may-ari ng unibersidad na ito.
Sa unang araw ni Sideryleigh sa M.U ay naka civilian lang muna siya dahil kanina palang siya nasukatan para sa magiging unifrom niya. Freshmen palang si Sideryleigh kaya naman iba ang kulay at desenyo ng magiging uniporme niya, depende din 'yun sa kursong kinuha niya. Samantalang, Sophomore naman sina Danisha sa kursong HRM (Hotel and Restaurant Management).
“Pwede ko na ba makausap si Heaven,” pangungulit ni Sideryleigh pagkalabas na pagkalabas palang nila ng Dean's Office.
Sandaling tumigil naman sa paglalakad si Danisha at hinarap si Sideryleigh.“Hindi pa,” maikling sagot ni Danisha saka muling humakbang pero agad na humarang si Sideryleigh sa daraanan ni Danisha.
“Pero sabi mo kapag nakapasok na ako dito sa M.U ay pwede ko na siyang makausap,”
“Side, listen to me. Hindi ganun kadali na makalapit kay Heaven. Masiyado siyang mailap, kung gusto mo talagang makausap siya, matuto kang maghintay. And promise me, hindi ka gagawa ng ikagagalit ko,” mahinahong saad ni Danisha.
“Pero kasi...”
“Side, naiintindihan kitang gustong-gusto mo makausap si Heaven, kaya nga kahit alam kong delikado ay in-enroll kita dito sa Montecillo Univerity. Kaya sana intindihin mo rin ako,” wika ni Danisha.
BINABASA MO ANG
HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)
FantasyHeaven Vonne Montecillo is a dangerous guy, he's the owner of Montecillo Univerity-a university that hide his dark secret. Sideryleigh, an angel in disguise. What if their path crossed? Date started: August 25, 2021 Date finished: September 2, 202...