CHAPTER 21

140 13 0
                                    

Halos magwala sa galit si Nylshan ilabas mula sa loob ng M.U ang wala ng buhay na katawan ni Menchie, niyakap niya ang malamig na bangkay nito habang umaagos ang luha sa kaniyang mata. Kailan lang niya napagtanto na mahal niya si Menchie, at kung kailan handa na siyang aminin ang totoo sa dalaga ay saka pa 'to nawala sa kaniya.

“Sino ang gumawa nito sa kaniya? Sino?!” Singhal ni Nylshan sa lalakeng bumuhat sa malamig na bangkay ni Menchie. Ang lalakeng 'yun ay miyembro ng Uprising Gang na kasama ni Danzel kanina na humabol kay Menchie. Inutusan ito ni Danzel na dalhin sa labas ang bangkay ni Menchie dahil naghihintay doon si Nylshan.

Hindi na inintay ni Nylshan na sumagot ang lalake at isinakay niya sa loob ng kotse ang malamig na bangkay ni Menchie matapos makarinig ng siren ng police mobile.

Nagkaroon ng pag i-imbestiga sa loob ng M.U ngunit wala naman nakitang mga ibendensiya ang pulisya kaya umalis narin 'to agad.

“A-Anong nangyari kay Menchie?” Nangangatal ang boses ni Zashiko ng makita ang walang buhay na si Menchie na buhat-buhat ni Nylshan.

“Wala na siya.” Walang kabuhay-buhay na wika ni Nylshan, nanlambot ang dalawang tuhod niya nang muling mapagtanto na wala iniwan na siya ni Menchie kaya napaluhod siya na buhat-buhat parin ang wala ng buhay na si Menchie.

“Sinong gumawa nito sa kaniya? Sinong pumatay kay Menchie?!” Hiyaw ni Zashiko at hindi na napigilang yakapin ang kababatang matagal ng iniibig.

Kasalukuyan sila nagdadalamhati sa pagkamatay ng nag iisang babae sa XLayer Gang nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril.

Kaya mabilis nilang kinuha ang kanilang baril na nakapatong sa coffee table at kinasa ito.

“Boss, sinugod tayo ng leader ng Uprising Gang!” Tarantang pagbabalita ni Vincent ang isa sa tauhan ni Nylshan.

“F*ck!” wika ni Nylshan na nagtatangis ang bagang.

Pagdating ni Heaven sa HQ ng XLayer Gang ay pinaulanan niya ng bala ang mga nagbabantay sa labas. Gigil na gigil siya sa mga ito dahil sa nangyari kay Sideryleigh.

“At ang lakas naman talaga ng loob mo na sugurin ako ng mag-isa,” sarcastic na wika ni Nylshan saka ngumisi na tila isang demonyo.

“Mabuti naman at lumabas kana sa lunga mo,” sarcastic na wika ni Heaven na nananatiling walang ekspresiyon ang mukha.

“Sino ba naman demonyo ang hindi lalabas kung binubulabog siya ng kapwa demonyo niya,” sarcastic na wika ni Nylshan saka sinenyasan ang mga tauhan niya.

Ngunit bago pa man magamit ni Heaven ang kaniyang baril ay kinuha 'yun ni Juniel upang maging patas ang laban.

Nagsimulang palibutan si Heaven na sa tansya niya ay nasa walong tauhan ni Nylshan, lahat sila ay may hawak na kutsilyo at handa siyang sugurin ano mang oras. Ipinosiyon ni Heaven ang kaniyang sarili, mula sa kaniyang paa hanggang sa kaniyang kamao ay dapat naka-kondisiyon ito. Dahil maling galaw lang niya ay maaaring masaksak siya ng kutsilyong hawak ng kaniyang mga kalaban.

Isa-isa na siyang nilalapita ng kaniyang mga kalaban at isa-isa rin niya 'tong winasiwas. Kung anong bilis ng kaniyang mga kalaban upang sugurin siya ay ganoon din kabilis ang pag galaw ng katawan niya upang iwasan ang mga kutsilyo nito at kapag nakakuha siya ng tamang pagkakataon ay pinipilit niya ang braso ng kanyang mga kalaban.

Wala pang tatlong minuto ay napatumba lahat ni Heaven ng mag-isa ang mga kalaban niya, kaya napalaklak pa si Nylshan habang nakangisi na tila isang demonyo.

Pawis na pawis si Heaven at hinihingal pa habang matalim ang tingin kay Nylshan.

Habang abala si Heaven na ipaghigante ang nangyari kay Sideryleigh, sila Amrelle naman ay todo sa pagdarasal upang magising na ang kaibigan.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon